Chapter 46 Distance

2084 Words

STEPHANIE Paglabas ni Cianne sa kwarto ko, lumapit agad sina Wella at Heide sa akin. Medyo malakas ang boses ko kanina nang tinawag ko si Cianne, kaya pinuntahan agad nila kami sa kwarto. “Anong nangyari?” tanong ni Heide sa akin. “Napasobra yata ako,” sabi ko. Medyo na-guilty ako dahil sa sinabi ko kay Cianne. “Ano ba ang sinabi mo?” “Na ‘wag niyang pakialaman ang gamit ko.” “Natural lang ang ginawa mo. Kahit naman ako, ayokong pinapakialaman ang gamit ko,” pagpapagaan ni Heide sa loob ko. Sumilip si Wella sa sala. Mayamaya, muli siyang bumalik. “Lumabas na si Cianne.” Napabuntong-hininga ako. Lumabas kami sa kwarto at umupo sa sofa. Napatitig na lang ako sa pizza na dala ni Cianne. “Bestie, baka kailangan mo nang iwasan si Cianne. Parang nag-iba na kasi siya. Nagsimula ‘yan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD