Chapter 13 Gentleman

1629 Words
STEPHANIE Kumain kami ni Allen ng tanghalian sa Della Morte beach. Pagkatapos, pinasyal niya ako. Sinulit ko ang kalahating araw na nasa isla kami dahil pagsapit ng Linggo, sa cabin lang kami hanggang dumating ang chopper na maghahatid sa amin pabalik sa Manila. Dinala niya ako sa Della Morte Cave ng isla. Matapang ko itong pinasok kahit may kadiliman sa loob. May mga turista rin naman sa loob ng kweba, kaya walang dapat na ikatakot. “Ano ang nasa dulo ng kuweba?” usisa ko kay Allen na nakasunod lang sa akin. “Did you hear that sound?” Pinakinggan ko ang tinutukoy niya. Nang marinig ang agos ng tubig, tumango ako. “It’s a waterfall. Pero bago ang falls, dadaanan muna natin ang batis,” sagot niya. Napuno ako ng excitement nang marinig ang sinabi niya. Parang gusto kong puntahan. “Mga ilang minuto bago makarating doon?” “Kung tuloy-tuloy ang lakad natin, baka wala pang labinlimang minuto, naroon na tayo.” Bigla akong huminto. Hindi niya inaasahan na hihinto ako, kaya bumangga siya sa likod ko. Awtomatikong napunta ang isang paa ko sa unahan at diniin ito sa lupa para hindi ako dumiretso, ngunit napasinghap ako nang pumulupot ang isang kamay niya sa baywang ko para alalayan ako. “What the f**k, SJ? I said be careful!” “S-sorry…” “So why’d you stop, anyway?” “Pwede ba natin puntahan ‘yong sinasabi mong talon?” Narinig ko ang ang malalim niyang buntong-hininga. Mayamaya lang ay lumuwag ang nakapulupot niyang kamay sa baywang ko. Pumunta siya sa gilid ko. Napatingin na lang ako sa kamay ko nang hawakan niya ito. “Let’s go,” sabi niya, sabay hila sa akin. “Nakakainggit naman sila. Ang sweet nila.” Narinig kong sabi ng babae nang dumaan kami. May kasama siyang lalaki. Sa tingin ko ay magkasintahan sila. “Samantalang ‘yong isa rito, hindi man lang hawakan ‘yong kamay ko. Ang manhid!” Muntik na akong matawa sa sinabi ng babae nang pinaringgan niya ang lalaking kasama niya. Awtomatikong dumapo ang tingin ko sa kamay ko na hawak ni Allen. Nakasunod lang ako sa likuran niya dahil ang bilis niyang maglakad. Bigla akong napaisip. Hindi dapat niya hinahawakan ang kamay ko dahil napagkamalan tuloy na may relasyon kaming dalawa. Sinubukan kong hilahin ang kamay ko para bitawan niya, pero humigpit lang ang hawak niya dito. Hanggang sa hinila niya ako para magsabay kaming dalawa. Ang sumunod na ginawa niya ang hindi ko inaasahan dahil pinagsalikop niya ang aming mga kamay. Wala na akong nagawa kundi hayaan na lang siya at sabayan siya sa paglalakad. Pero napansin kong bumagal ang lakad niya. Siniguro niya na makakasabay ako sa paglalakad niya. May mga couple at pamilya kaming nakasalubong at mukhang galing na sila sa dulo ng kuweba. Mabuti pa sila ay pabalik na, samantalang kami ay papunta pa lang. May tao pa kaya roon? Sabagay, maaga pa naman, kaya siguradong may nagsa-sight seeing pa sa dulo ng kuweba. Makalipas ang ilang minutong paglalakad, narating namin ang tinutukoy ni Allen na batis. Namangha agad ako nang makita ang kulay asul na tubig. Binitawan ko ang kamay ni Allen at agad na lumapit sa batis. Lakas loob kong hinakbang ang isang paa ko papunta sa malaking tipak ng bato. “Be careful, SJ. Baka madulas ka,” bilin ni Allen sa akin. Ang bato na tinatapakan ko ay napapalibutan ng tubig. Maling galaw ko lang ay sa tubig ang bagsak ko. Ngumiti ako at tumango sa kanya. Maingat kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng pants na suot ko at nagsimulang kumuha ng ilang larawan. Wala dapat akong palampasin, kaya kukuhanan ko ng larawan ang lahat ng pupuntahan ko sa isla. “SJ, give me your phone. Ako ang kukuha ng larawan sa ‘yo,” presenta ni Allen. Inabot ko agad ang cellphone ko sa kanya. Sa haba ng braso niya, walang kahirap-hirap niyang nakuha ang cellphone ko. Agad akong nag-pose sa harap ng camera. Wala na akong pakialam kahit siya ang kumukuha ng larawan sa akin. Nang makuntento, maingat akong humakbang para bumalik sa kinatatayuan ni Allen. Mabilis niyang inabot ang kamay sa akin para alalayan ako. “Thanks,” sabi ko nang matagumpay akong nakaalis sa bato. “Okay na. Sa talon naman tayo pumunta.” Hindi ko muna kinuha ang cellphone ko sa kanya dahil humarap ako sa batis. Nag-squat ako ng upo at dinala ang kamay sa tubig. “Ang lamig!” sambit ko. Mas mabuti pala talagang nakatago ang batis na ito at tourist spot lang para mapangalagaan. Dahil kung gagawin itong paliguan ng mga turista, baka masira lang ang ganda nito, katulad ng ibang magandang spot sa Pilipinas. “Mommy, look!” Napatingin ako sa batang nagsalita. Napangiti ako nang makita ang batang lalaki. Sa palagay ko ay nasa apat o limang taon ang edad nito. Sinundan ko ng tingin ang itinuturo nito. May lumalangoy na mga isda sa tubig. Hindi malabong may maligaw na mga isda sa batis dahil napapalibutan ito ng dagat. Tumayo na ako para mapuntahan na namin ang talon. Pumihit ako paharap kay Allen. Nakatuon ang atensyon niya sa cellphone ko. Marahil ay tinitingnan niya kung maganda ba ang pagkakakuha niya sa akin. Humakbang ako palapit sa kanya, gunit hindi ko inaasahan na tumakbo ang bata sa direksyon ko. Umiwas ako para hindi ako nito mabangga. Napaatras ako, ngunit nawalan ako ng balanse. Sabay-sabay kong narinig ang singhap at tili ng mga turista na kasama namin sa loob ng kweba nang muntik na akong bumagsak sa tubig. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin kay Allen. Ang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa kaba. Mabuti na lang ay mabilis na hinawakan ni Allen ang kamay ko. Hinatak na niya ako palapit sa kanya at nasubsob ang mukha ko sa matipuno niyang katawan. Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag dahil hindi tubig ang binagsakan ko kundi dibdib niya. “Ma’am, don’t let your child play here. May ibang turista ang napiperwisyo sa kapabayaan ninyo,” sermon niya sa magulang ng bata. Akma ko siyang titingalain nang dinala niya ang kanyang kamay sa likod ng ulo ko at parang bata na marahang binaon ang mukha ko sa dibdib niya. Amoy na amoy ko ang masculine scent niya. “You, apologize to her!” Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko dahil sa sinabi niya sa bata. Pati ba naman bata ay pinatulan. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang iyak ng bata, kaya pumihit na ako paharap. Nakayakap na ang bata sa magulang nito. “Hindi naman sinasadya ng anak ko,” pagtatanggol ng magulang sa anak nito. “Kahit hindi sinasadya, hindi n’yo dapat hinahayaan tumakbo, lalo na’t malapit pa sa tubig. Hindi n'yo ba nakita? Muntik nang mahulog ang girlfriend ko!” Hindi ako nakahuma sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Sinabi niyang girlfriend niya ako? “Sa halip na magpasensya at pagsabihan ang anak ninyo, kayo pa ang galit!” dagdag niya pa. Hinawakan ko na ang kamay ni Allen at hinila palayo sa magulang ng bata. Para sa akin, hindi big deal ang ginawa ng bata. Umiwas ako sa bata, kaya muntik na akong mahulog sa tubig. Masyado lang talagang mainitin ang ulo ng lalaking ito, kaya pati bata ay pinatulan. “Hindi ka na nakuntento sa pang-aaway mo sa akin, kaya pati bata ay inaway mo,” sermon ko sa kanya habang naglalakad. “Hindi ko inaaway ang bata, SJ. Pinagsabihan ko lang siya para matuto dahil kinokonsente pa ng magulang niya,” katwiran niya. Napapalatak na lang ako. Daig pa niya ang babaeng hindi nagpapatalo sa diskusyon at laging may katwiran. “Tama ba ang dinadaanan natin? Ito ba ang daan papunta sa waterfalls?” tanong ko na lang dahil basta ko lang siya hinila kanina. “Wala namang ibang daanan dito kundi ito lang na dinadaanan natin,” sarkastiko niyang sagot. Umikot na lang ang mata ko at hindi na sumagot. Ilang sandali lang ay tanaw ko na ang liwanag. Mayamaya lang ay bumungad na sa akin ang mataas na waterfalls. Sa taas nito, ang bigat ng bagsak ng tubig nito sa ibaba. Kaya kahit nakatayo ako hindi kalayuan sa falls, ramdam ko pa rin ang tilamsik ng tubig sa katawan ko. “Wow!” puno ng pagkamangha na sabi ko. “Ang ganda dito!” dagdag ko pa. “Good to hear that you liked it here.” Natigilan ako nang naramdaman kong pinisil niya ang kamay ko. Saka ko lang napagtanto na hawak ko pa pala ang kamay niya. Binitawan ko agad ang kamay niya at naglakad papunta sa malalaking tipak ng bato na nakapalibot naman sa tubig. Kung wala ang mga batong ito, baka basang-basa na ako dahil sa lakas ng agos ng tubig mula sa itaas. Napahinto ako nang may napansin ako sa isang malaking bato. Namilog na lang ang mata ko ng napagtanto ko kung ano ang nakita ko. Isang babae at isang lalaking lang naman na gumagawa ng milagro. Hanggang sa hindi ako nakahuma nang may nagtakip sa mga mata ko mula sa likuran ko, kaya dumilim ang paligid ko. Alam ko na agad kung kaninong kamay ito. Nakita rin yata niya ang nakita ko. “Hey, you two. Get a f*****g room!” sigaw niya sa dalawa. Hindi ko mapigilan ang ngumiti. Sa unang pagkakataon ay natuwa ako sa kanya. May pagka-gentleman din naman pala siya. Niligtas niya ako kanina nang muntik na akong mahulog sa tubig, ngayon naman ay hindi niya hinayaan na may makita ako. Mukhang bumabawi siya ngayon. Pero baka ngayon lang, kaya ayokong umasa na tuloy-tuloy ang ganitong pakikitungo niya sa akin. Dahil baka bukas, bumalik na naman siya sa dati niyang ugali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD