STEPHANIE Para lang makawala sa kanya, binaon ko ang kuko ko sa balat niya. Pero parang hindi man lang siya nasaktan sa ginawa ko dahil nanatiling nakalapat ang labi niya sa akin. Hanggang sa may pumasok na ideya sa isip ko. Wala namang mawawala kung susubukan ko. Akma ko sana siyang kikilitiin sa kanyang tagiliran, pero saka naman niya pinaghiwalay ang aming mga labi. Mabilis naman agad akong sumagap ng hangin. Mayamaya lang ay napasinghap ako nang dinala niya ang kanyang kamay sa leeg ko. Sa laki ng kamay niya, halos sakupin na niya ang buong leeg ko. “Mahirap ba akong halikan, SJ? Just kiss me back, and then we’re finished here!” matigas niyang sabi. Halatang naubusan na naman siya ng pasensya sa akin dahil hindi ako tumugon sa halik niya. “Ganito mo ba tratuhin ang mga babaeng d

