STEPHANIE Napatitig ako sa kanya pagkatapos niya iyon sabihin. Kahapon lang ay hinusgahan niya ako, tapos ngayon ay gusto na niyang ako ang mag-interview sa kanya. Kaya nga binitawan ko na siya dahil hindi lang magiging maayos ang takbo ng interview namin. “Huwag mong hintayin na ako pa ang kumausap sa kaibigan mo, Miss Dizon. Baka hindi mo lang magustuhan ang sasabihin ko sa kanya.” Tinitigan ko ang cellphone niya. Kapag ito ang ginamit ko, iisipin ni Cianne na kasama ko si Mr. Caivano. May usapan na kami. Tiyak akong sasama ang loob niya sa akin kapag binawi ko ang sinabi ko. “Pwede bang mamaya na? Kumain muna tayo.” “No. Kapag hindi mo siya kinausap, hindi rin s’ya titigil tumawag sa akin. So, sino ang naistorbo? Ako, ‘di ba?” matigas niyang saad. Mukhang naiirita na siya kakataw

