Yerin's POV
>>>>>>>>>>
Nakaupo ako sa sofa sa loob ng kwarto namin, kaharap ko ang laptop ko na nakapatong sa table.
"Did Manager N gives you a hard time?"
Nagre-review ako ng research paper namin nang magsalita si Taehyun. He sat on the sofa, same sofa where I'm sitting, pero hindi kami magkatabi.
Mukhang bumalik na siya sa katauhan niya ngayon dahil kinakausap niya na ako unlike kahapon na parang invisible ako sa paningin niya.
"I saw him talking to you the other day, yesterday and today" patuloy niya sa sinabi.
Yeah kinausap ako ni Manager N Nung isang araw para tanungin kung pwede ba akong lumipat ng company. Kahapon naman, tinanong niya kung anong update, pero wala akong nasabi sakanya dahil hindi ko pa nakausap si Teacher Anz nun. At ngayon, sinabi ko sa kaniyang hindi ako pwedeng ilipat nalang basta-basta ni Teacher Anz.
Kung hindi niya ako kilala, hindi niya mapapansin yun dahil saglit lang naman akong kinakausap ni Manager N at hindi pa kami magkaharap sa tuwing mag-uusap. Usually, lumalapit lang siya sa tabi ko sa tuwing kakausapin niya ako. Pero dahil siya Si Taehyun, mapapansin niya yun.
"Gusto niyang lumipat ako ng company" matagal bago ako nakasagot dahil sa iniisip ko.
Kita ko naman sa peripheral vision ko na napatingin agad siya sakin pagkatapos kong magsalita.
"Bakit?" He asked.
"Obvious naman kung bakit" I replied without looking at him.
I know naman na maiisip niya na dahil sa secret namin kung bakit.
"So, anong sinabi mo?" Tanong niya ulit.
"I asked Teacher Anz kung pwede niya ako ilipat ng company" sabi ko saka tumingin ako sakanya pero hindi na siya nakatingin sakin, nakatingin na siya sa hawak niyang cellphone.
"Tapos?" -Taehyun.
"Hindi daw niya ako pwedeng ilipat nalang basta-basta" sabi ko saka binalik ko ang tingin sa laptop. "Baka daw kase malaman ng ibang students at mag-demand din silang ilipat ng company" paliwanag ko.
Taehyun remained silent but I know he's listening to me.
"Manager N told me to be more careful for the sake of us" I continued.
"Don't worry, I'll be careful too" he said.
Bahagya akong napangiti. Bumalik na nga siya sa pagiging caring niya. He just told me not to worry. It helps me a bit not to worry about our situation right now.
Taehyun's POV
"Taehyun-ah..." mahinang tawag ni Aria sakin pagkatapos niya ako make-up-an.
Nung una palang, nagtanong na siya kung pwede niya akong tawagin sa pangalan ng walang "Mr." Gusto niya daw kaseng maging magkaibigan ang turingan naming dalawa kahit parang malabo namang mangyare dahil make-up artist ko lang daw siya.
Tinatawag ko nalang din siya sa pangalan without "Ms." dahil yun ang gusto niya.
Inamin niya ring fan siya ng TXT at ako ang bias niya kaya gusto niyang ma-assigned sakin.
Mabait si Aria, palangiti siya. Cute siya sa tuwing ngumingiti kaya napapangiti nalang din ako kapag ngumingiti siya. I like her as my fan.
"Tada" may pinakita siyang isang Golden Teddy Bear Bracelet. "This is for you" nakangiting sabi niya.
"Talaga? Ang cute naman neto parang ikaw" biro kong sabi saka ko kinuha ang teddy bear bracelet ."Thank you" nakangiti kong pasasalamat.
Obvious nga na bias niya ako dahil favorite color ko ang yellow at parang yellow ang kulay ng gold.
"Taehyun-ah..." Tawag niya ulit sa pangalan ko.
"Mmm?" -Taehyun.
"I think I'm falling inlove.... With you..." -Aria
"Don't be, you know it's impossible" -Taehyun.
Mas lalo pang impossible dahil may asawa na ako.
"We can make it possible" biro niyang suhestiyon.
Actually, hindi naman bago sakin to dahil ganito naman lagi ang asal ng mga fans namin.
Tumanggi ako nung una siyang nagbigay ng gift sakin pero hindi siya pumayag. Hindi naman daw kase nagkakahalaga ng milyong-milyon ang binibigay niya kaya bakit daw ayaw kong tanggapin, yun na nga lang daw ang mumunti niyang kaligayahan.
Ayaw ko naman siyang ma-disappoint kaya tinanggap ko nalang.
"Oh my god, I'm sorry, I'm sorry"
Agad akong napatingin kung saan nanggaling ang pamilyar na boses na iyon.
Nakita ko si Yerin na dali daling pinunasan ang lap ni Soobin-hyung. Mukhang nabuhos ata duun ang kapeng iniinom niya.
Agad naman tumulong si Mr. Ahren sa pagpupunas dahil umabot sa floor ang nabuhos na kape.
"What happened?" Takang tanong ni Ms. Eleanor.
"I'm sorry it's my fault" pagpapa-umanhin agad ni Yerin.
"Okay lang naman ako Ms. Eleanor, It's okay Yerin" sabi naman ni Soobin hyung.
"Panong okay, Soobin. Look at you now, yung outfit mo. Malapit na tayong umalis" galit pero worried na sabi ni Ms. Eleanor.
Malapit na nga kaming umalis para sa bagong performance at interview namin pero pano kami aalis kung basang basa ng kape ang damit ni Soobin hyung.
"It's okay Ms. Eleanor, pwede naman akong magpalit ng damit" sabi ulit ni Soobin hyung.
"I don't know kung may kaparehong outfit paba tayo katulad ng theme outfit nyo ngayon." - Ms. Eleanor
"I'll look for it" sabi ni Soobin hyung saka umalis para maghanap ng damit.
"Be careful next time Ms. Yerin" may pagbabantang sabi ni Ms. Eleanor kay Yerin.
"I'm sorry po Ms. Eleanor" -Yerin.
Tiningnan ko si Yerin. Nakaramdam ako ng pag-aalala para sakanya.
Is she okay? Gusto ko siyang tanungin.
"Okay kalang?" Rinig kong tanong sakanya ni Mr. Ahren.
Tumango lang si Yerin at nagpatuloy sa paglilinis ng nabuhos na kape.
>>>>>>>>>>
Break time ng show kung saan kami nag-perform at ini-interview. Kasalukuyan kaming nagpapahinga at nere-retouch ang make-up namin.
Naging okay naman ang lahat matapos ang nangyareng incident kanina.
Habang nere-retouch kami, napansin kong bumaling sa gilid si Yerin para umubo. Parang natutuyuan ata siya ng lalamunan.
Ibibigay at i-aabot ko sana sakanya ang bottled water na hawak ko nang abutan siya ni Mr. Ahren ng tubig.
"Thank you" nakangiti niyang sabi kay Mr. Ahren, ngumiti nalang din si Mr. Ahren sakanya.
Tsk.
"Excuse lang Soobin ha, iinom lang ako" -Yerin
"Sure" -Soobin.
Hindi ko alam pero bigla akong nainis sakanya kaya di ko nalang siya pinansin.
"Aria" tawag ko kay Aria habang busy pa siya sa pag re-retouch ng make-up ko.
"Po?" -Aria.
"Kaibigan mo ba si Ms. Yerin?" Tanong ko sakanya.
Napatigil siya saglit at sinulyapan si Yerin.
"Mmm... Ooh pero di kami masyadong close" sagot niya. "Bakit mo tinatanong?" Tanong niya naman.
Medyo nagulat ako sa tanong niya pero hindi ko pinahalata.
Hindi ko en-expect na tatanungin niya ako kung bakit ko siya tinatanong.
"Wala, curious lang ako kung sino-sinong mga kaibigan mo" nakangiting sagot ko, umaasang hindi na siya magtatanong pa ulit.
Ayaw kong magkaroon siya ng clue about sa secret namin ni Yerin.
Sinabihan na kami ng director na bumalik na sa set dahil mag e-air na ulit.
Pabalik na kami nang marinig namin si Yerin mula sa likuran namin.
Napatingin kami kung anong nangyare.
"Oh God, I'm sorry, I'm sorry" - Yerin.
Nakita ko si Yerin na dali daling pinatayo ang bote ng tubig. Nabuhos ang tubig sa isang set ng make-up.
"Ano na naman ang nangyare?" Galit na agad na tanong ni Ms. Eleanor.
Nag-insist ang director na bumalik na kami sa set dahil malapit ng magsimula ang show at wag nalang pansinin ang nangyare.
Bumalik na kami sa set pero hindi ko mapigilang mag-alala kay Yerin.
Pinilit kong mag focus habang nasa show.
Nairaos ko naman hanggang matapos ang show.
Pansin kong malungkot si Yerin nang bumalik kami sa company.
I wanted to comfort her but I can't do that here.
A/n: Hello Lovely Reader. Ang boring ng update noh? pero Thank you parin sa pagbasa~. As always, Sorry for the typos and grammatically errors. Saranghae~