Kabanata XV DISCOVERY Ilang oras bago magsimula ang selebrasyon, nakarating na sila Krisler, Roselle at ang kapatid nito sa isang magarbong hotel sa Taguig. Sobrang namamangha sila Roselle at Krisler sa mga magagandang bagay na nakikita nila. Ito ang unang pagkakataon na nakapunta sila sa ganitong kagandang lugar. Masasabing maganda talaga ang magaganap na pagtitipon at hindi basta-basta ang mga dadalo. “Sila na ba ‘yong mga sinabi mong isasama mo rito, Rocky?” tanong ng isang lalaki na nasa edad tatlumpu at nakasuot ng puti kamiseta at itim na pantalon. Tumango naman si Rocky. “Yes, chef. Ito pala ‘yong kapatid ko, si Roselle at ‘yong isa naman ay kaibigan niya, si Krisler.” “Magandang hapon po.” sabay na bati nila Krisler at Roselle. “Magandang hapon din. Halika na muna kayong d

