Kabanata 23 Oxan "Good morning Maria!" bati sa akin ni Sid pagkababa ko sa kusina. Tinanguan ko siya. Lucas texted me nasa labas na daw siya. Bubuksan ko na sana ang front door nang bumukas na ito una. Nakakunot noo si Lucas nang pumasok. Dahil sa makapal niyang kilay naging lalo siyang attractive sa ginawa nito. Lumunok ako. "Good morning!" aniya. Yumakap ako sa kanya. "Good morning din. Ang aga mo ata?" tanong ko. Mabuti na lang at maaga din akong nagising at nakaligo din ako agad. Sininghot ko ang amoy niya. Damn! So addicting! "I want to see this kid." Kumalas ako sa pagyakap sa kanya sa kanyang sinabi at nginitian siya. So that is why... "I see." Sabi ko na parang nanlulumo. Akala ko namiss niya ako kaya siya maagang pumunta. Well. Ginabayan ko siya papuntang kusina. Pagdating

