Kabanata 5
He'll wait
Isang linggo na akong nagpapagaling dahil sa lagnat, ubo at sipon at isang linggo na din akong absent sa unibersidad. Mabuti na lang at palaging nasesend sa akin si Monique ng mga soft copies tungkol sa kanilang naidiscuss. May limang quiz pa akong kailangang habulin.
Napalingon ako sa cellphone ko. Nag-beep ito hudyat na may mensahe. Kinuha ko ito at tiningnan.
Unknown Number:
Kamusta? Kita tayo sa park. Let's talk about our project. Dala ka ng gamit ng pwede nating gamitin. The due is almost near. Lucas Sol.
Kumunot ang noo ko.
Yes. Ilang araw ko na ding iniisip ang research na ito pero wala lang akong lakas na itext siya dahil iyon nga ang sabi niya na busy siya sa basketball. I don't want to appear annoying to him too. At siguro isa din sa ikinasasakit ng aking ulo ang research na ito.
Kailangan naming matapos ito sa lalong madaling panahon. Dapat mabawasan ang mga iniisip kong problema. We need to see each other para matapos na.
Tutal, linggo naman ngayon baka free na siya at tapos na ang laro niya.
Ako:
Okay. Sa central park?
I replied and save his number na nakalimutan kong isave.
Lucas:
Yes. I am waiting.
Ako:
Kagigising ko lang. Give me 20 minutes.
Napalingon ako agad sa aking closet. Kailangan kong magsoot ng damit na hindi niya malalaman na nagkasakit ako. Baka mandiri iyon sa akin.
Lucas:
I'll wait.
Reply niya. He'll wait. Okay.
**
Tiningnan ko ang cellphone ko at tinext siya.
Ako:
I'm coming.
Sumobra ata ako ng sampong minuto. Soot ko ngayon ang isang itim na sweat shirt at gray jeans at pinaresan ko ito ng kulay puting tsinelas. Okay na ito. Nasa malapit lang naman ang park.
Dahil malapit lang ang park sa bahay ay agad akong nakarating dito. Agad kong nakita si Lucas na nakasimangot at nakakunot ang noo habang nakatingin sa cellphone niya.
Lucas:
I'm still waiting.
Unti-unti akong lumakad papunta sa kanya.
Hindi pa ako tuluyang makalapit ay nakita na niya ako. Agad siyang tumayo at napansin ko ang macbook niyang dala.
Dala ko din ang netbook ko at isang libro.
Tiningnan niya ako at tinanguan.
"We should start. Doon na lang tayo sa may dulo." Aniya sabay turo sa pinakadulong parte ng park.
Napangiwi ako bigla. Sumakit bigla ang ulo ko. Naipikit ko pa ang mata ko at dinama yung sakit.
"Okay ka lang?" napadilat ako agad sa tanong niya. Halatang nag aalala siya.
Tumango ako. "Okay lang. This is nothing."
Nagsimula kaming lumakad habang winawala ko ang aking isipan sa sakit. Damn headache.
Umupo din ako agad sa may damuhan at ganoon din siya. Masakit talaga eh. Naka inom naman ako ng pain reliever bago umalis sa bahay ah. Pero bakit ganito?
"I already researched about behaviors. I think I like this research from an existensialist researcher." Napatango ako sa sinabi niya at binuksan ang laptop. Existensialist din ako.
"Sorry nga pala if hindi ako nakapagfocus nito. Inuna ko kasi ang MASCUF. Pero okay na ako ngayon, all my free time will be with this research." Aniya nang makaupo ako sa kanyang harapan.
"Wala ka bang ibang projects? You don't need to give all your free time to this research. Baka maapektuhan pa ang grades mo sa ibang subjects." Sabi ko sabay iniwas ang tingin sa kanyang mata.
"Gusto ko lang bumawi sa iyo. Apat lang naman ang subjects ko ngayon. No worries." Tumango ako.
"It's okay. Naiintindihan ko naman na may basketball ka. Isa pa, I can't also focus if ginawa natin ito sa nakaraang araw."
"I know. Sinabi ni Monique sa akin na absent ka for the whole week dahil may lagnat ka. Kaya hindi na kita dinisturbo."
"I see." sabi ko.
"How are you feeling by the way?" tanong niya na hindi ko inasahan.
Lumunok ako. "Okay na. Pwede na akong pumasok sa school." tumango siya.
"You drink more water, okay?"
Itinikom ko na lang ang aking bibig. Mahiyain akong tao and I can't believe we are having conversation like this.