“ANO? SI Khrysstyna ang asawa ni Edmark?” nandidilat ang mga matang tanong ni Nanay Berna. “Hindi po ba ninyo nabalitaan ang tungkol sa kasal nila?” tanong ni Edrian. “Nabalitaan ko na ikinasal ang kapatid mo. Pero hindi kami nakadalo ng Tatay Manuel mo. Kaya hindi ko nakilala kung sino ang babaeng pinakasalan niya,” paliwanag ng matanda. “Si Khrysstyna po iyong pinakasalan niya,” malungkot niyang sabi. “Kung gano’n, paano na kayo?” naguguluhang tanong ni Nanay Berna. Hindi nakaimik si Edrian. Paano nga ba niya sasagutin ang tanong ng matandang naging yaya niya? “Ang ibig kong sabihin, bakit mo isasama dito si Khrysstyna kung asawa pala siya ng kapatid mo? Nag-away ba sila? Humingi ba ng tulong sa iyo ang hipag mo?” magkakasunod na tanong ni Nanay Berna. Kulang na lang ay takpan ni

