Nagkamalay ako na nasa loob ng isang maliit at estrangherong silid. Nakahiga ako sa malamig na semento at mga walang laman ang mga estanteng nakadikit sa dingding. Amoy nakulob na alikabok ang paligid. Aandap-andap ang liwanag ng flourescent lamp sa kisameng nababakbak ang nangitim na pinturang puti Nasa loob ako ng stock room ng kung kaninong bahay. Pagkakusot ko ng mga mata, nagbalik sa aking alaala ang mga nangyari. Lumabas ako ng mansion para harapin si Nanay at puntahan namin si Lilet nang magkasabay. Pero mukhang ginamit lang nyang dahilan si Lilet para mabitag ako sa plano niya. Hindi ko nakita kung sino ang kasabwat niya na nagturok sa akin ng pampatulog pero malamang si Brix iyon at wala ng iba. Napailing ako at hindi makapaniwalang magagawa ni Nanay na ipagkanulo ako. Alam kong

