Medyo mahapdi pa ng bahagya ang balat ko sa tila pagka-sunburn kanina at tinatamad pang bumangon sa kama nang tumunog ang cellphone kong nakapatong sa sidetable.
Papalubog na ang araw at ang kulay dalandan na silahis ang lampasan sa siwang ng venetian blinds sa bintana ang tumatama sa sahig ang nagbibigay ng stripes na liwanag sa papadilim kong silid.
Hindi ko kilala ang numero ng nagpadala ng message. Umisod ako pasandal sa headboard ng kama habang nakaunan ang parteng taas ng likod ko sa malambot na pillows na binuksan ang message.
Weblink ang nakasulat at nang i-tap ko ng hintuturo, bumukas ang default internet browser ng cellphone. Nanlaki ang mga mata ko nang awtomatikong nag-play ang video sa webpage na iyon at bumulaga sa akin ang porn clip.
Gusto ko sanang i-close ang browser at hindi naman ako nanunuod ng ganitong palabas pero nilamon ang utak ko ng kuryosidad. Mag-isa lang naman ako sa kwarto pero parang nag-iinit ang mga pisngi habang patuloy ang pag-play ng video. Para akong nahihiya sa sarili ko dahil nagugustuhan ko ang napapanuod ko.
Bago pa ako makaramdam ng pamamasa sa aking hiyas na nagbabadya ng magsimula, huminga ako ng malalim saka isinara ang browser. Lumitaw naman ulit ang message inbox list at may isa pa palang dumating.
Kagaya rin ng nauna, pagka-click ko sa link diretso ulit sa parehong website. Ibang video clip naman ngayon. Pinanuod ko lang ng ilang minuto pero hindi ko na tinapos.
Nang tawagan ko ang numerong nagpadala ng text message, hindi ko alam kung anong reaksiyon ko sa pag-send niya ng links sa akin nang sagutin niya ang cellphone pagkatapos ng tatlong ring.
“Yes, Honey. Napanuod mo ba?” parang nakikita ko ang pilyong ngisi ni Lip sa boses niya.
“Bakit mo naman iyon pinadala sa akin?”
“Wait, I’ve got an incoming call-”
Mukhang iho-hold niya ang tawag ko kaya, “Nasaan ka ba Lip?”
“Sa may pool,” iyon lang at narinig ko na ang tunog sa kabilang linya na nagsasabing naka-hold ako.
Tinapos ko na ang pagtawag. Nagpalit ako ng damit. Isang sleeveless na swing dress na floral printed at may ribbon sa parte ng revealing cleavage ang napili kong isuot. Pagkatapos magsuklay at makuntento sa hitsura ko sa vanity mirror, lumabas na ako ng silid para puntahan si Lip.
Duda ako na may kinalaman ang pinadala niya sa susunod na pantasyang gagawin. Si Zane ang nag-brief sa akin bago gawin ang pantasya niya. Si Trey naman ang naghatid sa akin kanina kay Zane therefore, oras na ni Lip na i-inform ako para sa pantasya naman ni Trey.
Palakas ang t***k ng dibdib ko habang pababa ng hagdan. Kumabog na ng tuluyan nang pagbaba ko at pagsilip sa kusina, natanaw ko si Trey na nagbabasa ng diyaryo habang nakaupo sa bar-type stool sa may kitchen center island na white marble top at dark mahogany ang ilalim.
Nasa may sink naman si Donna na kasalukuyang nakatalikod sa paningin ko. Biglang nag-overdrive ang utak ko nang maalala ang similarity ng setting ng napanuod kong video sa eksena ngayon sa loob ng modernly designed kitchen in full white, black color and stainless steel appliances.
Binilisan ko ang paglakad palabas ng swimming pool. Nakaupo sa gilid ng lounge chair si Lip. Nasa tabi niya ang cellphone at kausap via bluetooth headset na nakalagay sa tainga na kita kong kumikislap-kislap ang maliit at asul na LED lamp, kung sinoman ang tumawag sa kanya when I was put on-hold.
Naka-grey na boardshorts si Lip, hubad-baro at nakapatong sa undercut na buhok ang grey na ball cap na pabaliktad ang suot.
Habang palapit ako, lalong nagiging defined ang bawat curves ng mga muscles niya sa buong katawan. Ohmy, he almost got a fat-free body to die for. Pansin ang mga ugat niya na medyo green na parang nakapatong na lang sa laman at natatakpan ng perfectly tanned skin at nakagapang sa kaliwang braso. Iyong ugat naman sa kanan, hindi gaanong pansin dahil natatakpan ng tattoo niya. Ngayong malapitan ko lang lalong hinangaan ang physique niya dahil medyo madilim kaninang madaling araw nang may mangyari sa aming dalawa.
“That won’t happen tonight,” narinig kong tugon ni Lip sa kausap. Umiling siya. “Sorry girls pero busy ako ngayong gabi” - ngumisi siya at hindi pa rin niya napapansin ang paglapit ko - “alam kong game kayong tatlo na matulog sa iisang kamang kasama ako just like before. But not tonight,” tumigil siya saglit, malamang dahil insistent ang kausap niya sa kabilang linya.
Nakadama ako ng pagka-inis nang maisip na baka iyong mga babaeng kasama niya dito sa pool two nights ago ang kausap niya ngayon. Iyong hinalikan niya sa lips. Baka iniimbita na naman siya ng mga babaeng iyon sa kung saan na suma total, sa mainit na kama rin ang bagsak.
Ohmy, selos ba itong nararamdaman ko? Para kasing gusto kong pindutin na iyong end call sa cellphone niya nang matapos na ang usapan nila at ako na ang harapin niya. Pero kung gagawin ko naman iyon at tanungin niya ako kung ano ang rason ko, ano naman ang isasagot ko?
“Count me out, girls. Thanks for the offer” - umiling siya ulit na ikinagalak ko - “Tomorrow night? Nope. Never gonna happen,” sabi niya at nang akmang sasandal sa lounge chair saka ako napansing nakatayo ilang piye mula sa kaniya. Kumindat siya sa akin. “Hey, I need to go now. Don’t bother to call, consider me taken,” sabi niya sa kausap saka humalakhak ng mahina.
Consider me taken? Ibig bang sabihin may girlfriend na siya?
Ngumiti si Lip pagkapindot niya ng gitnang bahagi ng wireless headset saka pinagpag ang imaginary na dumi sa lounge chair sa tabi niya at sinenyasan akong maupo.