CHAPTER 35 ADRIAN'S POV: USAP-USAPAN ngayon ang pangalan ni Jiho na makakatapat ko sa labanan bilang Campus King. Hindi na sa akin huli ang balita dahil magkatabi lang naman ang classroom namin ni Yassy. And I don't have anything to say dahil pati ang dalaga ay kasali rin. Kaming apat lang ang maglalabanan sa trono. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang nangyari. Kaya minabuti kong tanungin si Yassy dahil baka may kinalaman siya sa naging desisyon ng Dean. "Bakit ganyan ang titig mo? Wala akong ginawa," she said na parang nababasa ang tumatakbo sa isipan ko. "I'm just wondering, bakit ka nakasali? Nag-away na naman ba kayo ni Andrea?" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot at kumain na lamang ng friend chicken na tila hindi niya narinig ang tanong ko. "Bakit ba kasi ang hilig mo

