CHAPTER -10❤️

1411 Words
"OHmyGod girls papalapit na ata ang mga to " ani ni Devin " tsk wala man lang Pogi ew " maarteng sabi ni Stepani. Sabay ikot ng Eyeballs nito. " bumalik na kaya tayo at mag palit na. Naiilang na talaga ako " nahihiyang sabi ni Sherin at pasimpleng tinatakpan ng isang palad niya ang kaliwang mata niya habang yumuyuko . Hindi talaga siya sanay mag bikini at sobra siyang nahihiya sa kaniyang sarili. . "Wag kangang KJ dyan Sherin oh papalapit na ang loverboy mo . " mataray na sabi ni Anne "Loverboy ka dyan. Saan dyan sa anim hahaha eww! wala man lang pasado " maarteng sabi ni Stepani. "Hindi ayun oh si Sir Paul " sagot ni Anne sabay nguso sa Dako ni Paul at napalingun naman silang tatlo maliban lamang kay Sherin na palagi nalang naka Yuko. Kinabahan naman si Sherin ng marinig ang pangalan ni Paul. Hindi niya alam kung titingin ba siya o ano. Sobrang kinakabahan siya lalo nat kabilin bilinan nitong wag siya mag susuot ng, maiiksi. "Girls let's go Balik na tayo baka hinahanap na tayo ni Paula Baka dumating na si Josef " sabi ni Devin at nag umpisa ng tumalikod. "Ay oo nga pala gusto korin manuod ng Pa Suprise ni seniorita Paula kay. Sir Josef. Tara na sherin baka hinahanap kana ng ate mo . " sabat naman ni Anne tumalikod na ang tatlo. Habang si Sherin naman ay nangangatog parin ang tuhod hindi niya alam kung paano ihahakbang ang kaniyang paa. Pakiramdam niya ay nanigas ang kaniyang paa at, katawan sa kinatatayuan niya. Sobrang lakas ng kaba niya. 'Patay na anong gagawin ko ' kinakabahang ani ng kaniyang sarili. At hindi na niya napansin na naka lapit na pala ang nim na mga lalake sa kaniya "Hi miss beautiful " "Hi sexy " "Sh*t napaka kinis mo naman miss " Sabi ng tatlong boses ng mga lalake na hindi niya kilala. inangat niya ang kaniyang ulo at hinarap ang mga lalake at isa isa niya itong tinignan. "Sh*t napaka ganda niya " sabi ng isang payat na moreno "Mga g*go hindi ata yan pilipina. Bakit niyo tinatagalog " sabi naman ng isang pinaka matangkad sa Anim.. Naka kunot nuo lang na naka tingin si Sherin sa anim na mga lalake. At ng akmang lalapit na ang dalawang lalake ay napa atras siya at lakas loob na pinagalitan ang mga ito. "para kayung hindi naka kita ng Babae. Mahiya nga kayo. Umalis kayo sa Harapan ko! " pagalit na sabi ni Sherin sa mga ito. "Nako pinay pala. Hindi na tayo mahihirapan mga brad. Miss gusto kalang namin yayain mag Swim nabobored kasi kami " sabat naman ng isang pinaka maputi ngunit napaka daming Pimples sa mukha. "Miss sexy pwede ba namin malaman ang pangalan mo? " ani naman ng isang lalaking may malaking tattoo sa Braso at sabay dili nito sa labi. Kinabahan naman siya sa paraan ng pag titig sa kaniya ng lalake mula ulo hanggang paa. " napaka sexy at napaka ganda mo talaga miss. Pwede ba kita ma Take out. " sabi naman ng isang lalake sabay kagat sa ibabang labi nito. " mga Bastos umalis nga kayo ! " sigaw ni Sherin. Sa mga ito ngunit nag ngisihan lang ang mga ito. Akmang hahawakan ng isang lalake sa Braso si Sherin ng bigla nalang itong natumba sa Harapan niya. At namimilipit na sa sakit. Namutla at nagulat naman ang limang mga lalake at maging si Sherin dahil hindi nila alam ang ng yare sa lalake na ngayon ay hawak hawak na ang dalawang binti nitong pulang pula na sa Dami ng dugong humahagos rito. Wala man lang silang narinig. Na kahit na ano. "SUBUKAN NIYONG LAPITAN ANG ASAWA KO. KUNG GUSTO NIYONG MATANGGALAN NG PAA. " tiimbagang na sabi ni Paul. Nilingun naman ni Sherin ang pinanggalingan ng Boses at nanlaki ang mata niya ng makitang naka tayo si Paul malapit sa kanila habang naka turo ang hawak nitong baril sa mga lalake. Nasa likod naman nito ang Tatlo na may hawak ring baril. 'Binaril niya ang lalake bakit wala man lang kaming narinig. ? ' nag tataka niyang sabi sa sarili. "Araaay tulungan niyo ako !" Namimilipit sa sakit na sabi ng isang lalakeng may Sugat. Sobrang putlang putla na ito. Dahil dalawag Binti nito ang tinamaan. Mabilis namang kinaladkad ng limang mga lalake ang isang kasama nila at nakita Pa ni Sherin kung pao mag dirty finger si Rayan sa mga ito. Kinuha naman ni Jayson ang baril na hawak ni Paul at madilim ang aniyo nitong naka tingin na sa kaniya. "P-Paul " sambit ni Sherin habang na mumutla na sa Takot dahil sa madilim na aura ng Binata na naka tingin sa Kaniya. Malaki ang bawat hakbang ni Paul papalapit sa Dalaga at mabilis niya itong hinawakan sa Kamay habang patuloy parin sa pag lakad. "Aray Paul ang kamay ko. " nasasaktang ani Sherin habang patuloy parin niyang pilit inaalis ang pagkakahawak ng binata sa kamay niya. Sobrang higpit ng pagkaka hawak nito kaya sobra talaga siyang nasasaktan . Kung lata lang siguro ang kamay niya siguro ay tuping tupi na ito . Huminto naman sa paglakad ang binata at tiimbagang itong humarap sa dalaga. "WHAT!? " sigaw ni Paul sa Dalaga. habang hindi parin binibitawan ang kamay nito. Napa pikit naman si Sherin dahil sa pagkakasigaw ng Binata. Sa lahat ng pinaka ayaw niya ay yung sinisigawan siya. "WAG MO AKONG SIGAWAN ! HINDI AKO BINGI ! " pabalik na sigaw ni Sherin sa Binata. " how many times I told you sherin ! Na wag kang mag susuot ng maiiksi. Gustong gusto mo talagang pinag titinginan at binabastos ka ng mga kalalakihan. !" Sigaw ulit ng binata. " Hoy Tanda! Pwede mo naman akong kausapin ng Hindi Sumisigaw. !". Pagalit na sigaw ulit ni Sherin. " at teka bakit ka may Baril? Talagang papatay ka talaga dahil sa Selos! " " matagal mo ng alam na may baril ako . At gagawin ko kahit anong Gusto ko. Papatayin ko ang Gusto Kong patayin. Ora mismo kaya wag mo subukan ang Pasensya ko Sherin! " galit na sabi ni Paul. Gulat at Takot ang nararamdaman ni Sherin habang kaharap ang Binata. Dahil ito Pa lamang ang unang beses na makita niyang magalit ito sa kaniya at sigawan siya. Nag uumpisa na mangilid ang luha niya ngunit ayaw niya itong ipakita sa binata. "Bitiwan mona ang kamay ko Paul " mahinang sabi ng dalaga habang hindi naka tingin sa Binata. Naka tingin lang ito sa Kamay nilang dalawa na magka Hawak. Bigla namang naka ramdam ng kirot sa puso si Paul ng makita niyang Namumula na ang mata ng Dalaga. Kahit hindi ito naka tingin sa kaniya ay nakikita parin niya. Ang kaninag Galit at Madilim na aura ay napalitan ng panlulumo. Hinila ni paul ang kamay ng Dalaga papalapit sa kaniya kaya naman mabilis napasubsob ang mukha ni Sherin sa Matipunong Dibdin ng Binata. At Mahigpit itong yumakap sa kaniya. "I'm sorry baby. Please wag mona gawin ulit yung mga ayaw ko . I'm sorry " mahinang Sabi ni Paul habang naka siksik ang mukha nito sa Leeg ni Sherin. "Sorry rin. " ganting sabi ni Sherin sa binata at hindi na niya napigilang mapaiyak at mahigpit niya rin itong niyakap. Kumawala naman sa pagkaka yakap si Paul ng mapansin niyang umiiyak na ang dalaga. Hinawakan niya ito sa baba at pina tingala sa kaniya. Lihim namang napapangiti si Paul dahil sa sobrang Cute ng Dalaga habang humihikbi itong naka tingala sa kaniya. "Ssssssh sorry again baby wag kana umiyak I'm sorry " sabi ng binata at hinalik halikan ang dalawang mata nitong basang basa ng luha. Maging ang pisngi nitong basang basa rin ay hinalik halikan rin ni Paul. Pagka tapos ay niyakap niya ulit ang dalaga. "Bumalik na tayo. Baka hinahanap na tayo ni Ate. Dumidilim na hik*. " mahinang sabi ni Sherin. Habang magka yakap parin sila ng Binata. " boss nandito lang pala kayo kung saan saan kami nag hahanap. Ohh eto na boss. " sabi ni Marco na papalapit sa kanila sabay hagis ng Malaking Tuwalya . Na mabilis namang nasalo ni Paul. Napapangiti na lamang si Sherin dahil ginawa siyang Lompia ni Paul. Binalot siya nito ng Malaking Tuwalye maging ang dalawang Braso niya ay nasa Loob rin .. Pagka tapos siyang Balutin ni Paul ay kaagad siyang binuhat nito na parang bagong kasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD