"Mga inutil isang babae lang ang pinapabantayan ko sa inyo hindi niyo pa magawa ng maayus ang trabaho niyo !" Sigaw ni Paul sa kaniyang isang Dosenang mga tauhan na nag babantay sa kaniyang Penthouse
Kakarating lamang niya galing sa Kaniyang kumpanya , hindi paman siya nakakaupo ay bigla nalang may tumawag sa kaniyang Phone ng makita niya kung sino ang tumatawag ay napa kunot nuo siya dahil isa sa mga tauhan niya na nag babantay kay Sherin ang tumatawag . ng sagutin niya ito ay kaagad niya ring pinatay ang tawag at kaagad na nilisan ang opisina.
" WAG KAYUNG BABALIK DIT HANGGAT HINDI NIYO NAHAHANAP ANG ASAWA KO ! Malilintikan kayung lahat sa'kin pag bumalik kayong Hindi niyo kasama ang asawa ko" aniya sa mga ito at pabagsak niya ibinaba sa lamesa ang kawak na baril
"Yess boss " sagot ng mga ito habang naka yuko sa harapan niya .
"LEAVE!" Sigaw niya
"Kahit saang mundo kapa mag tago at pumunta baby mahahanap parin kita " madiing sabi niya habang naka kuyom ang kaniyang kamao at nanlilisik ang mga mata dahil sa galit.
-
naramdaman ni Sherin ang pag hinto ng sasakiyan, kaya napa mulat siya ng kaniyang mata ,
Ngunit pagka mulat palang niya ay nanlaki na kaagad ang kaniyang mata dahil sa Sobrang Daming tao na naka tingin na sa kaniya ang iba naman ay nag bubulungan pa
"Napaka ganda niya "
"Oo nga at sobrang puti "
"Mukha siyang anghel napaka ganda niya " rinig niyang sabi ng iilang naka tingin sa kaniya 'Tssk nag bubulungan pa .rinig na rinig naman ' ani ng isip niyq
"hoy!Anong ginagawa mo dyan ?!" Sabi ng matabang lalake habang naka duro sa kaniya
Nagulat naman si Sherin dahil sa sigaw ng lalakeng nanduduro sa kaniya
" siguro mag nanakaw ka no? Anong ginagawa mo dito sa Sasakiyan ko !? Umalis ka dyan masisira mga paninda ko ! " singhal Pa nito sa kaniya
" ma...manong pap-pasensya naho naki sakay lang ho ako " natatakot na sabi niya
"Baldo mukha naman siyang mayaman at tignan mo naman sobrang puti at ang ganda niya pag kakamalan mong magnanakaw ?" Sabi naman ng matangkad na lalake na puno ng Tattoo ang dalawang magka bilang Braso nito, may hikaw rin ito sa kaliwang tenga, imbis na gumaan ang loob ni Sherin dahil may nag tatanggol sa kaniya ay mas lalo pa siyang natakot dahil sa paraan ng paninitig ng lalake sa kaniya . mukha itong adik dahil sa Mapupulang mga mata at kulay Pulang buhok nito iisali Pa ang napaka daming tattoo nito.
"Miss beautiful bumaba kana dyan . " sabi naman ng isa pang lalake na hindi katangkaran , at bulag ang isang kaliwang mata nito
Dahan dahan naman kumilos si Sherin para bumaba ng Sasakiyan at nilinga Pa niya ang kaniyang paningin bago niya napag tantong nasa palengke na pala siya
'Palengke ? Nasa palengke ako ?' Tanong ng kanyang isipan
"P-pasensya naho " naka yukong sabi niya sa matanda at matabang lalake na may ari ng sasakiyan
"Mang Baldo tama naho yan . ako nahong bahala sa kaniya " sabi ng lalakeng kakalapit lamang
Napalingon naman sila rito at nginitian ng lalake ang matandang may ari ng sasakiyan
"Mabuti panga Ken osiya mag dedeliver pa kami " sabi ng matabang lalake at tinalikuran na sila nito
Naka hinga naman ng maluwang si Sherin ng tuluyan ng tumalikod ang dalawang lalake kaya napa tingin naman siya sa kararating lang na lalake, gwapo ito at matangkad
"Miss taga saan ka ? Mukhang hindi ka taga dito ah at anong ginagawa mo sa likod ng sasakiyan ni mang Baldo. " sabi naman ng lalakeng naka Yuniporme ,kung hindi siya nag kakamali ay isa itong Security Guard.
"T-taga Mindoro ho ako , at wala lang po akong maisip na pwedeng masakiyan pauwi saamin kaya napasakay napo ako dyan " ani ni Sherin sabay turo sa gawi ng sa Malaking Trak na lulan ng mga Prutas
"Hmmp s...saang lugar ho ito ?" Nahihiya niyang tanong sa lalake
"Nandito ka miss sa Bulacan , ako nga pala si Ken isa akong Gwardya dyan sa CellPhone Center. " naka ngiting sabi ng Lalake sa kaniya
Pinaka titigan ni Sherin ang lalake . mukha naman itong Matino at mabait , Gwapo , matangkad at moreno
"G-ganun ba hmmmmmp ako nga pala si Sherin . hmmmp kung hindi mo mamasamahin pwede ba akong maka hingi ng tulong sayo? Hmmmp pwede ba akong maki tawag ? " nahihiyang sabi niya sa lalake
" oo naman .. Heto " naka ngiting sabi ng Lalake sabay abot sa Phone nito.
Mabilis naman kinuha ni Sherin ang Phone ng lalake at kaagad gi Dial ang Numero ng tatawagan .
Naka bantay naman ang lalake sa kaniyang harapan . habang siya naman ay naiilang sa paninitig ng lalake sa kaniya , napangiti siya ng mag Ring ang Numero na tinawagan niya , tatlong ring pa lamang ay sumagot na ito .
"hell---
"Hello ate si Sherin to ate tu---
" Sherin Ikaw bayan? , kapatid ko! Dyusko nasaan ka? Sobra kaming nag aalala sayo . saan kaba nag punta ? Nasaan ka ?!" Sabi ng kausap niya sa Linya , malungkot namang napangiti si Sherin dahil sa sinabi ng kaniyang Ate Sharina at hindi niya napigilang mapa luha dahil sa isiping sobrang nag aalala sa kaniya ang kaniyang ate at nanay na may sakit
"Ate mahabang storiya , pero ate nasa Bulacan po ako huhuhu ate natatakot ako " umiiyak na sabi ni sherin . narinig naman niya ang pag iyak ng nanay niya sa kabilang linya
"sshh tahan na bunso . pupuntahan kani Ate ha wag kana umiyak , dyan kalang e txt mo saamin ang Eksaktong location mo . pupuntahan ka namin dyan ng kuya Rico mo , wag kang umalis sa mataong lugar ha. Hintayin mo kami " sabi ng kaniyang Ate Sharina .
Tumatango naman si Sherin kahit alam niyang hindi siya nakikita ng kaniyang kausap at sabay pahid ng kaniyang mga luha .
Pagka tapos nilang mag usap ng ate Sharina niya ay kaagad niya rin ibinalik ang phone sa lalakeng kaharap
."s-salamat hmmp dito ko nalang hihintayin sila ate , salamat ulit " tipid na ngiting Sabi ni Sherin sa lalake
"Walang anuman , siya nga pala hindi kita masasamahang mag hintay rito dahil isang oras lang ay uuwi na ako. Nasa Hospital kasi ang lola ko . iiwan lang kita rito sa mga kaibigan ko , wag kang mag aalala mababait ang mga yan . " naka ngiting sabi ni Ken sa kaniya sabay turo sa kinaroroonan ng Dalawang babaeng tindera ..
"Ah oo ayus lang ho . maraming salamat ulit " ngiting sagot ni Sherin sa lalake .
Hapon na hindi parin dumarating ang hinihintay ni Sherin nagugutom narin siya dahil hindi parin siya kumakain . nag sisimula na rin mag sirado ang mga tindahan sa palengke . dahil gumabi narin
"Ate , kuya Rico nasaan na kayo " mahinang sabi niya habang yakap yakap ang dalawang tuhod .
Umabot na ng Dilim ay wala parin ang kaniyang hinihintay , nangangati narin siya dahil sa Kagat ng mga lamok sa kaniyang binti
Madilim narin at tanging ilaw lamang sa mga poste ang nag sisilbing ilaw. Sirado narin ang mga tindahan sa palengke. Baging ang mga malilit na bahay ay lahat ay naka sirado na.
"Hi miss Beautiful nandito kaparin , hinihintay mo ba ako?" sabi ng lalakeng naka tayo sa kaniyang harapan
Umangat ng tingin si Sherin para tignan ang lalakeng tumayo sa kaniyang Harapan , ngunit ganon na lamang ang panlalake ng mata niya ng makita ang lalake , ito yung lalakeng mukhang adik na puno ng Tattoo ang Katawan
" miss sumama ka saakin hindi kita sasaktan , papaligayahin kita , at ipaparamdam ko sayo ang pakiramdam ng nasa langit. " naka ngising Sabi ng Lalake.
" huwag po. Ayaw kopo. Wag po kayung lumapit. Sisigaw ako" nanginginig na sabi ni Sherin
" napaka ganda mo talaga miss beautiful kanina Pa ako nag lalaway sayo " sabi Pa ng lalake sabay labas sa dila nito.
" subukan mong lumapit. Hindi ako natatakot sayo Pangit ka " malakas na sabi ni Sherin sa Lalakeng . Ngunit nginisihan lang siya nito.
" yan ang gusto ko sa babae. Lumalaban " sabi ng lalake sa kaniya at mabilis na naka lapit sa kaniya at mabilis na naka hawak sa isa niyang braso.
"Bitiwan mo ako hayup ka! " sabi ni Sherin rito habang pinag papalo ng isang kamay niya ang Braso ng Lalake.
"Hindi mo ako kaya Miss beautiful. Hmmmp napaka bango mo at napaka puti at sobrang kinis. " tuwang tuwang sabi ng lalake sa kaniya at panay amoy sa kaniyang Balikat, at leeg.
Panay naman pag pupumiglas ni Sherin at panay nilalayo ang kaniyang ulo at katawan sa lalake para hindi siya mahalikan. Nito
"Sumama kana kasi ng maayus miss beautiful at pangako ko hindi kita sasaktan " sabi ng manyak na. Lalake sabay amoy sa buhok niya
"Tuloooooong!! " sigaw niya ngunit tinawanan lamang siya ng lalake.
" tumigil kana miss beautiful wala ng makaka rin-----
natigil sa pag sasalita ang masamang lalake at
isang Malakas na putok ng baril ang nag patigil sa lalakeng manyakis na naka hawak sa kaniya. maging si Sherin ay mas lalong bumilis ang t***k ng puso niya dahil sa sobrang takot sa pagka gulat.
Ngunit nagulat na lamang si Sherin ng matumba ang lalakeng manyakis sa kaniyang tabi . Naka dapa ito habang duguan naman ang likod nito.
Napasinghap at napa takip ng bibig si Sherin sa sobrang pagkakagulat, Nanginginig narin siya sa sobrang takot dahil sa ng Yare
"Pa..pap..patay, patay na si-siya! " nanlalaking mga mata ni Sherin habang naka tingin sa lalakeng naka Dapa at naliligo sa Sariling Dugo nito.
"Miss Are You okey? " tanong ng lalakeng hindi niya namamalayang naka Lapit na pala sa kaniya.
Napa lingon siya rito at napa tingin sa lalakeng nag ligtas sa kaniya.
" miss wag kang matakot ligtas kana. " sabi ng lalake sa kaniya.
Nakaka titig lamang rito si Sherin na halos hindi maka paniwala dahil isa nanamang gwapong Matangkad at matchong lalake ang nag ligtas sa kaniya.
"Mabuti nalang pala bumalik ako sa bar , kaya nadaanan kita rito. Halika samahan na kita sa polis station para hindi kana ma question. Ako ng bahala " sabi ulit ng lalake
"S--salamat " mahinang sabi niya sa lalake.
" wag kang matakot saakin miss hindi kita sasaktan. Ako nga pala si Jeppy, Jeppy Dalgan " naka ngiting pakilala sa kaniya ng Lalake sabay lahad sa kamay nito.
" hmmp s-salamat ho Je-Jeppy " nahihiyang sabi niya sabay yuko rito.
" let's go miss ? "
"Hmmf Sherin ho. "
"Wow it's beautiful name let's go parating narin ang mga pulis, samahan na kita ako ng bahala sa kaso na ito " naka ngiting sabi nito.
" baka ikulong ka nila " mahinang sabi ni Sherin
"Ang sweet , hmmp hindi nila ako makukulong hawak ko sila sa leeg. Haha joke sige tara na " ani nito ,kaya wala ng nagawa si Sherin kundi ang sumunod kahit nakakaramdam siya ng malakas na Kaba sa kaniyang puso.