“Isang hindi pa nakikilalang bangkay ang natagpuan sa loob ng abandonadong gusali bukod sa isa sa mga suspek na naiwan sa loob kasama ang ilang pulis. Maaalalang sa naturang gusali din nailigtas ang kidnap victim na si Percy Montecer, bandang alas-nuwebe ng gabi kagabi. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pag-iimbestiga ng mga pulis tungkol sa totoong sanhi ng biglaang pagsabog…” Pinatay ko na ang T.V at saka tiningnan ang natutulog na si Percy. Ilang araw pa lang siyang nakakalabas ng ospital at ngayon ay nandito na naman siya ulit. Hinawakan ko ang kamay nito at saka ito hinalikan. Mabuti na lang at umayon sa’min ang lahat ng pinlano namin kahapon. Kung hindi ay hindi ko na alam kung anong gagawin para mailigtas siya. “May problema ba?” tanong sa’kin ni Christine. Agad ko namang tinago an
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


