“I’m the one who wrote it.” “A-anong ibig mong sabihin?” kinakabahang tanong ko sa kanya. Biglang nagflash sa utak ko yung tagpo kung saan nabasa ko ang pamilyar na manifesto sa notebook ni kuya. Ang mga tagpo kung kailan paulit-ulit kong tinatanong kung bakit nabasa ko ang mga salitang yun doon. “You know that I was a Sherlockian right? I love all the adventures of Holmes as he solved different cases. Sa sobrang hilig ko sa mystery stories, nagkaroon ako ng idea na maging isang mystery writer.” “Mystery writer? Ikaw?” Oo nga pala, kahit noong highschool ay kasali si kuya sa Journalism club dahil hilig nito ang pagsusulat ng mga literary piece. May koleksyon din ito ng iba’t ibang klaseng libro sa kwarto. “Hindi ba bagay sa’king maging mystery writer? Tsk! So anyway, sa black notebook

