4th HOUR: The Guests

1699 Words
Maya-maya pa’y inayos ko na lang muna ang mga gamit ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa’kin nitong mga nakaraang araw. To think na ilang araw pa lang simula nang dumating ako at magsimula ang klase ko dito. Sinubukan kong alalahanin kung anong mga nangyari sa akin two days ago. Sa pagkakatanda ko ay palabas na ako noon ng building namin nang may biglang tumawag sa pangalan ko. “P-Percy! Tawag ka ni sir Umbal sa gym!” Oo, tama. Ang lalaking iyon. Pilit kong inalala ang itsura nito. Isang matangkad na lalaking medyo gusot na ang suot na uniform, bagsak ang buhok nitong medyo tumatabing sa mga mata nito. Hinihingal pa ito nang makalapit sa’kin. Pero base sa itsura niya ay mukhang nautusan lang naman siyang sabihin sa’kin na pinapatawag ako sa gym. Pero sino? Sinong nag-utos sa kanya? At sinong may kagagawan ng pagkakakulong ko sa storage room? “I’m back!” masiglang sabi ni Cyril pagkapasok ng room namin. “Oh nandito na pala ang hinihintay nating room mate!” Ibinaba nito ang gamit sa may sofa at saka lumapit sa’min. “Okay ka na?” tanong niya sa’kin. “Yeah, I’m fine now,” sagot ko sa kanya. Ngumiti lang ito at pagkatapos ay lumapit na kay Phillipse na nagbabasa ng libro sa kama nito. “Cyril nga pala p’re! Anong pangalan mo?” tanong niya dito. “Phillipse,” maiksing sagot nito. “Ohh… ayos ah! So dalawa tayong lalaki at dalawang babae naman sila Percy at Elize ang magkakashare sa room na ‘to!” nakangiti pa nitong sabi. “Pero sayang, kung naging babae ka lang sana edi may harem na ‘ko dito sa room!” mahina nitong sabi na umabot naman sa pandinig ko. “Harem?” “Nevermind!” tumawa lang ito ng nakakaloko at saka tumayo na palayo sa kama ni Phillipse. “Hi everyone!” napalingon ako kay Elize na bagong dating lang din. Mukhang good mood ang bestfriend ko ah. Ang luwang kasi ng ngiti nito at parang kumikislap pa ang mga matang nakatingin sa direksyon namin. “Oh! Hi babe! I miss you” sinalubong ito ni Cyril at saka niyakap. Napanganga naman ako. “Babe?” automatic kong tanong. Seryoso? “Type niya daw kasi ako bestfriend! Haha,” halatang kinikilig na sabi nito. Napahawak na lang ako sa ulo ko at saka napailing-iling. Parang ang dami ko yatang namiss nang maospital ako ah? “Ikaw yung last room mate namin noh? I’m Elize, nice meeting you!” pagpapakilala niya. Bahagya lang siyang tiningnan ni Phillipse. “Phillipse ang name niya babe! Mukhang man of few words yan eh! Huwag ka nang maging interested sa kanya, okay?” sabi ni Cyril kay Elize sabay akbay dito. “Ayoko ng maingay,” supladong sabi ni Phillipse. Napasimangot naman ako sa kasungitan nito. “Eh pa’no yan? May mga dadating tayong mga bisita mamaya?” sabi ni Cyril habang maluwang na nakangiti. Mabuti pa ang isang ito, parang laging walang problema. “Bisita? Sino?” agad kong tanong. “Mga neighbors natin! Nabanggit ko kasi kay Keiichi na ngayon ang labas mo sa ospital saka yung dating nito ni Phillipse kaya ayun! Parang welcome party ba! Parating na ang mga yun maya-maya!” excited pa nitong sabi. “I hate parties,” mahinang sabi ni Phillipse. Napangiti ako. Kahit naman siguro hindi niya sabihin, magegets namin na ayaw niya ng social life. “Well you have no choice!” nakapameywang pang sabi ni Cyril dito. Maya-maya pa ay may kumatok na sa pintuan. Excited na binuksan ito ni Cyril. “We’re here!!” narinig kong sigaw mula sa labas. “Agad-agad?” napailing-iling na lang ako sa bilis ng mga pangyayari. “Wow! Ang dami niyo ah! Tuloy kayo!” sabi ni Cyril dito at pagkatapos ay pinapasok na ang mga bisita. Tatlong babae at tatlong lalaki ang pumasok sa loob ng kwarto. Bale sampu na kaming nasa loob ng room naming ngayon. Mabuti na lang pala at malaki itong room naming kundi ay parang sardinas na kaming nagsisiksikan dito ngayon! Umupo kami ni Elize sa sofa habang nanatili sa kama si Phi. I decided na Phi na lang ang itawag sa kanya dahil ang haba ng Phillipse. Pinaupo muna namin yung mga bisita at pagkatapos ay tumayo si Cyril sa gitna, acting like the host of the party. “Guys, mga neighbors pala natin!” turo ni Cyril sa mga bagong dating. “Self-introductions na lang ha? Baka magkamali pa ko ei haha” “Hello sa inyo! Ako nga pala si Keiichi, bestfriend ni Cyril at ito yung girlfriend ko,” finorward niya yung babaeng katabi niya. “Her name is Christine, diyan kami sa 2nd floor, 1st room nagsestay. We’re both from College of Nursing,” sabi nung maputing lalaki. May malago siyang buhok na kulay dark blonde at nakataas. Yung tipong parang bagong gising tapos kamay lang ang ginamit na pang-suklay? Pero cool naman yung dating! May aura siya ng pagiging tahimik at seryoso. Medyo orange yung lips niya at matangos yung ilong. Yung katabi naman niyang girl ay mukhang mahinhin at tahimik. May mahaba siyang buhok na kulay brown at maliit ang mukha niya. Para siyang Barbie na nakasuot ng fitted white dress. Manipis yung kilay niya, matangos ang ilong at may manipis na labi. Sunod namang nagpakilala yung babaeng may cheek bone at curly hair. Mukha siyang masayahin. Maaliwalas yung mukha niya, may matangos siyang ilong at red-orange na lips. “Hi! I’m Miviel, dito ako sa 3rd floor, 2 rooms away from here. I’m an accountancy student! Nice meeting you all!” “I’m Aaron, Archi student, diyan lang ako sa kabilang bahay!” sabi naman nung matangkad na lalaking katabi ni Miviel. Maputi rin siya at may matangos na ilong. Meron siyang bangs na tumatakip sa kilay niya. Napansin ko ring may suot siyang contact lens. Parang nakakatakot tuloy tumingin sa mga mata niya! Pero teka… archi student? “Oo nga pala noh… 3rd year ka na di ba Aaron?” tanong ni Keiichi dito. “Oo 3rd year standing!” sagot nito. “Eh di kilala mo si Montecer?” parang may biglang dumaang anghel nang magtanong ulit si Keiichi. Nagkaroon ng katahimikan sandali sa pagitan namin. “Of course! Kilalang-kilala..,” makahulugan itong ngumiti. Nakakatakot. Parang biglang nagbago ang aura niya. “Wait lang! Kilala ko din si Daniel! Dahil tulad ni Aaron, archi student din ako! I’m Edison, 2nd year,” nakangiting sabi nung lalaking may makapal na labi. May malaki siyang mata at malagong buhok na kulay brown. “Mukhang may maganda tayong mapag-uusapan nito ahh,” Maputi rin siya at may mga mata siyang parang nanghuhusga. Matalim kung makatingin. Nakakahiwa. Nakakasakit. “Tapusin muna natin ang pagpapakilala bago mag-open ng topic!” sabi ni Cyril. Napatingin ako dun sa babaeng nagtatago sa likod ni Edison. Mukha siyang tahimik at pamilyar ang aura niya. Parang ka-aura niya si… Nilingon ko si Phillipse na nagbabasa pa rin ng libro. Parang may separate siyang mundo ah? I wonder kung nakikinig siya sa’min… “Oi ikaw na!” tapik ni Edison sa katabi niya. “I-I’m Noemi, Psychology student. Room mate ako ni Edison, nice meeting you!” nahihiyang sabi nito. Mukha siyang matalino siguro dahil na rin sa suot niyang makapal na salamin. Matangkad siya at may mahabang buhok na kulay brown. Meron siyang mapupungay na mata na parang kayang basahin kung anong nasa isip mo. “Yan tapos na lahat! Kami naman! Syempre kilala niyo na ko! I’m Cyril, engineering student, gwapo, mabait, single pero nanliligaw at malapit ng sagutin haha,” kinindatan nito si Elize. Psh. Ang landi niya! “Elize nga pala, nursing student, best friend ni Percy!” nakangiting sabi ni Elize. Napatingin silang lahat sa’kin. Okay, ako na palang next. “A-ahm… I’m Percy, criminology student, nice meeting you all!” “Pamilyar ka..,” mahinang sabi ni Noemi na mukhang nagulat dahil napatingin kaming lahat sa kanya. “Anong apelyido mo?” tanong ni Aaron. U-oh! “M-Montecer!” sagot ko. “I knew it! Kapatid ka ni Daniel!” malakas na sigaw ni Edison. “Ang walanghiyang yun..,” bigla itong tumayo at napakuyom ng kamao. “Chill Edison! Kapatid lang siya! Hindi siya si Daniel!” kama dito ni Aaron. “Bakit ka galit kay kuya?” tanong ko. “Oo nga! Ang bait-bait kaya ng kuya ni Percy!” dagdag pa ni Elize. “Because he’s a murderer?” seryosong sabi ni Miviel. Sa isang iglap ay parang hindi na siya yung masayahing nagpakilala kanina. “Have you seen him do it?” nagulat ako nang magsalita si Noemi. “That monster may be someone else… it could be one of the dead victims… or it could be… one of us,” dugtong niya at saka ngumiti nang makahulugan. Nakakatakot yung mga ngiti niya, parang may pinapahiwatig itong kung ano. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Christine. “What if… it’s one of them? After niyang patayin yung mga kasama niya, nagsuicide siya? Or what if… he/she has a psychotic disorder? And has the ability to camouflage in the crowd? What if the killer is here among us?” tumitig siya sa’kin. “There are many possibilities.” Tama siya… there are many possibilities… lalo pa’t hindi ko pa nabibisita yung crime scene ng personal. “It’s a capital mistake to theorize before one has facts because one will start to twist facts to suit theories instead of twisting theories to suit facts,” napatingin kaming lahat kay Phillipse. Isinara nito yung binabasang libro at saka tumayo. Tumingin siya sa’ming lahat. “We’ll find that killer. At kung isa man siya sa’tin, mas maganda. Keep your friends close and your enemies closer,” seryosong sabi niya. “Sino ka ba?” tanong ni Aaron dito. “Phillipse, criminology student.” Tulad kanina ay namayani na naman ang katahimikan sa buong kwarto. Parang biglang naging tensed ang atmosphere at parang nakakatakot ang palitan nila ng mga tingin. Napakislot pa ako nang bigla na lang may kumatok sa pinto ng kwarto. “O-kay guys! Mukhang nandiyan na ang foods natin!” Cyril excused himself at saka gumawi sa pintuan. Sumunod naman si Keiichi dito para tulungan itong kunin ang mga foods. Hindi ko maiwasang palihim na tingnan si Phi na ibinalik na ang atensyon sa librong binabasa. Parang hindi siya apektado sa nararamdaman ko sa mga bisita namin. Pero teka, ano kayang ibig niyang sabihin sa sinabi niya kanina? “We’ll find that killer. At kung isa man siya sa’tin, mas maganda. Keep your friends close and your enemies closer,” seryosong sabi niya. Palihim din akong napatingin sa babaeng nagpakilalang Noemi kanina. She’s emitting this mysterious vibe and I don’t know why but I’m getting this feeling that she’s hiding something. Maybe she knows something about Camp Chiatri Case. Maybe she knows about what happened to my brother. “Noe—“ “Here’s the food na guys! This is our treat kaya huwag kayong mahihiya ha?” nakangiti pang sabi ni Cyril pagkalapag niya ng boxes of pizza sa maliit na table namin. Napabuntong-hininga na lang ako. Maybe this is not the right time to ask her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD