Tiningnan ko ang bawat reaksyon ng mukha nila habang isa-isa nilang kinuha ang kani-kanilang baraha. Halata sa mga mukha ng ilan ang kaba habang umiikot ang paningin sa mga katabi nila. Mataman ko silang pinagmasdan hanggang sa may magsimula ng magsabi ng “I’m dead!”
May halong kaba at panghihinayang ang boses na iyon.
Damn… may isa na.
“I’m dead!” sabi pa ng isa malapit sa’kin. Nagsimula ng bumilis ang t***k ng puso ko.
“I-I’m dead.” Shiz. Napasinghap din ang iba nang ilapag nito ang barahang hawak niya. Patay na ang nurse. Ilan na lang ang natitira.
Huminga ako ng malalim. Concentrate. Focus. Tiningnan ko ang mga katabi kong natitira at pagkatapos, napangiti ako. Nagpawala ako ng malalim na hininga at pagkatapos ay tumayo sa harap nila. Lahat sila’y napatingin sa’kin at bakas sa mga mukha nila ang matinding antisipasyon. Napangiti naman ako.
“You’re under arrest,” confident kong sabi sa taong nasa may kanan ko at ipinakita ang barahang hawak ko.
“Aish! Sabi na nga ba at ikaw ang nakabunot ng police eh! Kaya ayokong tumingin sa’yo kasi mahuhuli mo ako agad!” nakangusong sabi pa niya sa’kin. She’s Elize, my best friend.
“Tss, nakapatay ka pa rin naman ng tatlo!” sabi ko sa kanya.
“Oo nga Elize! Yung iba kaya ay hindi magawang makakindat kapag si Percy ang police haha,” sabi ni Ashner, classmate naming habang nakangiti ng maluwang. Tama siya. Hindi ko sila hahayaang makabiktima hangga’t ako ang pulis. Pero sa larong ito, minsan victim ako, minsan naman nurse at minsan… killer.
“Mamimiss ko ‘tong laro natin,” malungkot na sabi ni Erich.
“Sus! Magkacollege na tayo kaya hindi na bagay na laruin pa ‘to sa university noh?” sabi sa kanya ng boyfriend na si Tom.
“San ka magkacollege Percy?” tanong ni Jack sa’kin. Hindi ako agad nakasagot. Napatingin sa’kin si Elize, bakas sa mga mata nito ang pangamba. Alam niya ang tungkol dito dahil nga best friend ko siya at siya ang sinasabihan ko ng lahat ng tungkol sa’kin. One month ago desidido na kong mag-aral sa isang university dito sa Manila pero dahil sa isang tawag na natanggap ko last week, nagbago ang lahat.
“Elite’s Academy,” maiksing sagot ko.
***1 week ago***
“Mommy, kelan uuwi si kuya?” masiglang tanong ko pagkakita ko sa kanya sa may kusina habang nagluluto ng almusal. Ang alam ko kasi, mageend of semester na sa school nila kaya alam kong uuwi si kuya para dito magbakasyon.
“Baka next week nandito na yun,” sagot nito pagkatapos tikman ang niluluto. Napatango-tango na lang ako. Excited na kong umuwi ang kuya ko! Dalawa lang kasi kaming magkapatid kaya super close kami. Tatlong taon ang tanda niya sa’kin at nasa third year college na siya habang graduating naman ako ng senior high.
“Ano kayang magandang gawin sa bakasyon? Hmm…,” siguro dapat papuntahin ko si Elize mamaya para makapagplano kami! May crush pa man din yun kay kuya! Tama!
“Mukhang may masama ka na namang iniisip ah? Alalahanin mo, may girlfriend na yang kuya mo kaya wag mo nang ipilit pa ang kaibigan mo!” napawi ang malaking ngiti sa labi ko sa sinabi ni mommy.
“Inspirasyon lang yung kay Elize Mommy!” nakapout ko pang sabi. Bahagya naman akong napakislot nang marinig ko ang tunog ng telepono. Ewan ko ba pero parang bigla akong kinabahan.
“Ikaw na sumagot ng tawag at aahunin ko lang ‘tong niluluto ko!” utos sa’kin ni mommy. Tumakbo agad ako palabas ng living room at saka sinagot ang tawag.
“Hello? Montecer residence, who’s this?” masigla kong sagot sa telepono.
“Ahm this is Dr. Gilette Serrano, Dean of the College of Architecture at Elite’s Academy. This is about Mr. Daniel James Montecer…” bigla akong kinabahan nang marinig ang pangalan ng kuya ko.
“Y-yes? W-What about my brother?”
“He is missing,” parang biglang tumigil ang t***k ng puso ko nang marinig ang sinabi niya.
“W-What?”
“Isa siya sa pinadala sa outreach program sa Camp Chiatri last week at mukhang nagkaroon ng problema sa tinuluyan nila. Sinubukan naming kontakin ang professor na nakaassign sa kanila pero walang nasagot kaya pumunta kami sa camp kahapon and…” narinig ko ang paghugot nito ng malalim na hininga. “There’s no one around.”
Parang bigla akong nanghina sa narinig ko.
“B-baka naman po m-mali kayo ng napuntahan? O kaya hindi sila dun tumuloy?” ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko habang hinihintay ang sagot ng nasa kabilang linya.
“No… nandoon lahat ng gamit nila… k-kaya hinanap namin sila sa mga kalapit na lugar at nahanap naman namin sila… I mean… natagpuan namin ang mga katawan nila…”
Bigla akong natigilan. Pakiramdam ko’y may malamig na tubig na bumuhos sa katawan ko.
“S-si kuya?”
“We can’t find him.”
Napaupo ako at nabitawan ang telepono. Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sinabi nito.
Si kuya, imposible… hindi pwede…
“Percy! What happened?” alalang tanong ni mommy pakakita sa’kin. Niyakap niya ko agad habang patuloy lang ako sa pag-iyak.
“Mommy… si kuya… si kuya…” ayaw tumigil ng luha sa pag-agos sa magkabila kong pisngi.
***
Elite’s Academy. Camp Chiatri. Aalamin ko kung anong nangyari sa lugar na iyon. Alam kong buhay pa si kuya… hindi ako naniniwalang patay na siya. Hindi pwede. Hindi ko matatanggap. At kung sinuman ang may kagagawan ng kung anumang nangyari sa camp na iyon, pagbabayarin ko sila.
***
Pagkababa ko ng mga gamit ko sa dorm, dumiretso agad ako sa dean’s office ng College of Architecture ng Elite’s Academy at hinanap ang Dean. Hindi naman ako nahirapang hanapin ito dahil mukhang inaasahan niya na ang pagdating ko.
“Nandito na ang lahat ng gamit ng kuya mo na narecover namin sa kampo,” sabi ni Dr. Serrano pakaabot sa’kin ng malaking box. Dr. Serrano is an old woman, mga nasa 40’s or 50’s na kababakasan mo ng pagiging strict but warm at the same. May suot itong makapal na salamin at halos kulay puti na ang maiksi nitong buhok. Mga 5’6 ang original height nito pero dahil sa katandaan ay medyo baluktot na ang pagtayo nito. Naalala ko tuloy bigla yung lola ko sa kanya na matagal ko nang hindi nabibisita sa probinsya.
“W-Wala pa rin po bang balita sa katawan ng kuya ko?” tanong ko sa kanya. Saglit itong tumahimik, tila tinatantya kung sasagutin ba niya ang tanong ko o hindi.
“I’ll be honest with you Ms. Montecer, ang mga pulis kasi… ang tinuturing nilang main suspect sa kaso ay ang kuya mo,” seryoso niyang sagot. Napalunok ako.
“P-Po? B-bakit? Hindi makakagawa ng ganung bagay ang kuya ko! I swear!” napatayo ako sa kinauupuan ko.
“May mga nakitang sachet ng drugs sa kwartong tinutuluyan ng kuya mo sa camp at—“
“No way! Kilala ko si kuya! He’s not a drug addict! Hindi niya magagawa ang binibintang niyo!” sigaw ko sa kanya.
“We’re not yet sure about that Ms. Montecer. Hangga’t hindi pa natatapos ang investigation, mananatiling suspect ang kuya mo. Kaya kung sakaling kokontakin ka niya o ang pamilya mo, mas makakabuti kung makikipagtulungan ka sa mga pulis,” kalmadong sabi nito.
Napabuga na lang ako ng hangin out of frustration.
***
“Shiz! This can’t be true! My brother is so good to commit such crime!” naiinis na sabi ko kay Elize. Pagkalabas ko ng dean’s office, tinawagan ko kaagad ito para maglabas ng sama ng loob.
“I know right! Kaya chill ka lang bes! Lalabas at lalabas din ang totoo, okay?”
“Sana nga… argh! I hate it!” napasipa ako sa damuhan sa sobrang inis.
“So tatagal ka kaya diyan sa school na iyan?”
“I need to know the truth. Hindi ako mapapalagay hangga’t hindi ko nalilinis ang pangalan ng kuya ko!” determinado kong sabi sa kanya. Ibinaba ko na ang tawag at nagtuloy sa garden ng school. Walang masyadong tao dito ngayon. Bukas pa kasi ang start ng class at ang mga students lang na makikita ngayon sa school ay yung mga tumutuloy sa dorm. Ibinaba ko yung box ni kuya sa tabi ko at inilabas yung notebook ko sa bag.
Pagkatapos kong malaman kung anong nangyari sa kuya ko, naghanap ako ng impormasyon sa pulisya tungkol sa Camp Chiatri. Ayon sa kanila at sa record na rin ng school, seven students ang pinadala ng school kasama na dun ang kuya ko. May kasama silang dalawang professors at isang driver.
Ayon sa pahayag ni Dr. Serrano sa mga pulis, sa bahay na tinuluyan nila kuya sila unang dumiretso. Dito nila nakitang patay ang mag-asawang care-taker nito na sina Mr. and Mrs. Carbonel. Pareho silang may dalawang hiwa sa may bandang tiyan. Nang magtawag sila ng rescue team para hanapin ang mga students, natagpuan nila sa malapit na kakahuyan ang mga bangkay ng mga ito. Tinitigan ko ang mga pangalan ng mga taong kasama sa kampo.
Stephanie Galilei, 18 years old, College of Nursing
Kimberly Anne Galilei, 20 years old, College of Accountancy
Daniel James Montecer, 19 years old, College of Architecture
Cassiopeia Crux, 19 years old, College of Arts and Sciences
Conrad Bryan Telo, 20 years old, College of Engineering
Leah Fernita Venozo, 18 years old, College of Education
Yves Virtucio, 19 years old, College of Criminology
Prof. Samantha Patron, 42 years old, College of Psychology
Prof. Argel Joseph Rivera, 43 years old, College of Psychology
Mr. Domingo Reyes, 45 years old, school driver
Lahat sila ay nakita sa kakahuyan na may mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan maliban sa kuya ko na hindi nila makita kahit saan. Nang bumalik sila sa bahay para inspeksyunin ang mga gamit ng mga biktima, nakita nila ang ilang sachet ng drugs sa kwarto nila kuya. Hindi binanggit kung sinong kashare niya sa kwarto. Posibleng yung kasama niya sa kwarto ang naglagay ng drugs sa mga gamit niya o posible rin namang isa sa iba pa niyang kasama ang may gawa nito.
“I’ll be honest with you Ms. Montecer, ang mga pulis kasi… ang tinuturing nilang main suspect sa kaso ay ang kuya mo.”
Napakuyom ako ng kamao. Kahit sa panaginip alam kong hindi yun kayang gawin ng kuya ko. Hinding-hindi. Tiningnan ko ng isang beses pa ang mga pangalang nakalista sa notebook ko. Kailangan kong maghanap ng mga taong posibleng makatulong sa’kin sa paglutas ng kasong ito.
Naramdaman ko ang mahinang pagpatak ng ulan kaya ipinasok ko na sa loob ng bag ko ang notebook at pagkatapos ay tumayo na ako. Tumingala ako sa langit na nagbabadya na ng pag-ulan. Mapait akong napangiti.
It’s like the heaven knows what I’m feeling right now and it’s sympathizing on me.
Binuhat ko yung box ni kuya at nagsimulang maglakad.
A storm is coming.
Pumunta na ako sa dorm na tutuluyan ko dala-dala yung box ng gamit ni kuya. Pagdating ko dito, napansin kong hindi ito nakalock at may kung sinong taong nasa loob. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at maingat na pumasok. Binaba ko muna yung box sa kama ko at pagkatapos ay pinakiramdaman ko ang buong kwarto. Mukhang nasa CR yung salarin. Kumuha ako ng pwedeng pamalo at pumwesto sa bungad nito.
Ramdam ko ang lakas ng t***k ng puso ko. Paano kung masamang tao pala ang nasa loob? May mga tao na kaya sa mga katabi kong room na pwedeng sumaklolo sa’kin? Paano kung wala? Mamamatay na ba ko agad hindi pa man nagsisimula ang klase sa school na ‘to?
Nang bumukas ang pinto, akmang ihahampas ko na sa kanya yung walis na hawak ko nang bigla siyang umiwas palayo at magsalita.
“What the hell do you think you’re doing?” bigla akong natigilan. Hindi naman siya mukhang masamang tao pero, bakit siya half-naked at mukhang bagong ligo?
“Who are you?” balik kong tanong sa kanya.
“Ako kaya ang unang nagtanong!” malakas na sabi niya sabay upo sa kama KO.
“Hey! Wag ka ngang basta-basta uupo sa hindi mo kama!” sita ko sa kanya. Tumawa lang ito nang nakakaloko.
“This is my room!” tumayo ito at pumunta sa may cabinet.
Teka, may laman na yung cabinet ng mga damit niya? Wala pa yun kanina ah! Teka, hindi kaya nagkamali ako ng room na pinasukan?
Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto. Nasa isang gilid yung mga bagahe ko at books na iniwan ko dito kaninang umaga. This is my room!
“Hey mister-whoever-you-are! Mukhang nagkamali ka ng room na pinasukan! This is room 313 kaya sure akong—“ napalaki ang mata ko nang makitang tinanggal nito ang towel na bumabalot sa lower part niya habang nakatalikod sa’kin. Nakabrief lang siya! Agad akong tumalikod dito. Narinig ko pa yung pagtawa niya.
“Alam kong room 313 ‘to miss at ito nga ang room ko!” rinig kong sabi niya.
Aish! Nakakairita siya!
“Pwede ka ng humarap miss!”
Humarap ako sa kanya habang nakapameywang. Nakasuot na ito ng boxer shorts at jersey na sando.
“Ako ang may-ari ng room na ‘to kahit itanong mo pa kay ma’am Carmen!” mataray kong sabi sa kanya. Si Ma’am Carmen yung matandang babaeng care-taker ng dormitory.
“Fine. But I’m telling you, it’s just a waste of time! Room 313 is reserved to Mr. Cyril Stynx Venozo and that’s me!” nang-aasar pang sabi nito. Sasagot pa sana ako nang biglang may kumatok sa pinto. Nagkatinginan naman kami.
Gumawi ako sa may pintuan at padabog na binuksan ang pinto. Walang tao. Humakbang ako palabas ng pinto para tingnan kung nasa malapit pa yung kumatok. May napansin pa akong aninong tumatakbo papunta sa may hagdan.
Sino yun?
“Sinong dumating?” rinig kong tanong nung lalaki sa loob. Ano nga ulit name niya? Naramdaman ko ang paglapit niya sa likod ko.
“Hindi ko nakita kung sino eh!” sagot ko sa kanya. Napansin ko naman ang isang di-kalakihang itim na box sa lapag. Kinuha ko naman ito at saka binuhat.
“Ano yan?” tanong niya. Nagkibit-balikat lang ako bilang sagot. Pagtanggal ko sa takip nito, bigla ko itong nabitawan.
“What the heck is this?” sigaw nito.