CHAPTER 31

2207 Words
Chapter 31: Critical condition "HERSEY, stop bitting your nail!" suway sa akin ni Cyan pero tila wala ako sa sarili sa mga oras na iyon. Tanging pagkagat lang ng kuko ko sa daliri ang ginawa ko. Habang yakap ko ang music box ng anak ko. Umaagos ang mga luha ko sa aking pisngi. Ang isip at diwa ko ay tila tinangay na rin ng mag-ama ko nang sila ay umalis sa mansion at iniwan ako ng mag-isa roon. "Hersey..." "Ang a-anak ko, Cyan... Ang anak ko..." umiiyak na sambit ko at paulit-ulit na lumitaw sa utak ko ang eksenang nangyari kanina. Bago pa man makalapit si Jinsel sa akin ay mabilis na siyang nakuha ni Sarina at isinama niya ang anak ko sa...n-nagpagulong-gulong sila sa hagdanan habang yakap niya ang anak ko. Ang anak ko... Kitang-kitang ng dalawang mata ko ang pagbagsak nila sa sahig kahit carpeted pa iyon pero hindi ang baitang ng hagdanan. Nakita ko rin ang pagdanak ng dugo mula sa ulo ng anak ko... Nanginig ang kamay, daliri at tuhod ko. Tumindig ang balahibo ko sa katawan, ang dibdib ko na walang tigil sa lakas ng tambol nito. Ang puso ko na sumisikip at tila aatakehin ako. Sa tuwing naaalala ko ang kanina ay napapalakas ang paghikbi ko at mauuwi sa malakas na hagulgol. "Oh, G-God... Ang anak ko..." Ito ang pangalawang beses na nakaramdam ako ng labis-labis na takot at pangamba. Ang una ay ang nalaman ko na naaksidente ang asawa ko at nasa critical condition pa siya. Tapos pangalawa ay si Jinsel... Na kasalukuyang sakay ng ambulansya... "Please... Lord... S-Save my baby, please... Save him... Please... I'm begging you..." humihikbing dasal ko. Nag-uulap na ang mga mata ko dahil sa buhos ng luha ko na tila naging ulan at sunud-sunod ang pagbagsak nito. "Hersey, please... Calm down. Magiging maayos din ang lahat," pag-aalo sa akin ni Cyan at inagaw niya ang isang kamay ko. Mahigpit na hinawakan niya iyon. "Damn, ang lamig ng kamay mo." "Kasalanan ko iyon, Cyan... K-Kasalanan ko ang lahat... Kasalanan ko kung bakit nagkaganoon ang anak ko! K-Kung naging mabilis l-lang akong...nakalapit sa anak ko...ay hindi siya m-makukuha ni Sarina...sa akin... Kung hindi..." Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang bigat na masyado para huminga. Parang may bumabara sa lalamunan ko. Basag na ang boses ko na halos hindi ko na makilala pa ang sarili ko. "C-Cyan..." "Come on, Hersey. Help yourself! Calm down, just calm down, okay?" Tila maiiyak na rin si Cyan dahil wala akong tigil sa kaiiyak. Mas masakit ang pangalawang beses na pangyayari na nasa bingit ng kamatayan ang mahal mo sa buhay. Mas masakit ang nararamdaman ko ito dahil anak ko iyon... N-Nag-iisa kong anak...at napakabata pa niya... Napakabata pa niya para mangyari iyon sa kanya. Ako na lang sana! Ako na lang! "P-Papaano? Papaano a-ako kakalma k-kung ang anak ko...Cyan, ang anak ko..." ani ko at hindi ko matapos-tapos ang aking sasabihin dahil nawawalan ako ng boses. "Ang daming dugo, Cyan... M-Magiging o-okay pa ba ang a-anak ko?" "Please, tumahan ka na, Hersey. Just pray for your son and he will be fine..." Parang isang taon ako sa loob ng kotse dahil tila naging mabagal ito sa akin. Kaya natataranta pa rin ako sa loob ng sasakyan. Sobra-sobrang pag-aalala ang nararamdaman ko para sa kaligtasan ng anak ko. Kaya paghinto pa lamang ng sasakyan ni Cyan sa tapat ng entrance ng hospital ay agad-agad ko nang binuksan ang pinto nito at mabilis na bumaba. "Hersey!" tawag niya sa akin pero nagmistulang bingi ako sa mga oras na iyon. Luhaan ang aking mga mata at basang-basa na rin ang pisngi ko. Kahit nangangatog ang mga tuhod ko at parang mawawala rin ako sa sarili ay nagawa kong pumasok sa loob ng hospital. Tinungo ko ang information desk. "N-Nasaan ang anak ko?" tanong ko agad sa isang nurse at natulala pa siya nang makita ako. "Sa emergency room po dinala ang bagong pasyente kasama si Dr. Jinsen, Ma'am," magalang na sagot niya sa akin at nagmamadali na akong tumakbo ulit. Sa dami ng mga pasyente sa loob ng emergency room na kasalukuyang ginagamot ay halos hindi ko na mahanap ang anak ko. Hindi ko na rin sinasadya ang mabangga ang mga pasyente at doctor na mararaanan ko. Ang nais ko lang sa mga oras na iyon ay ang mahanap at makita ko si Jinsel. "Jinsel! Jinsel!" sigaw ko sa pangalan ng aking anak at hindi maiwasan ng mga tao roon na mapatingin sa akin dahil alam ko, sa paningin at isip nila ay parang nababaliw na ako. "Jinsel!" May yumakap sa akin mula sa likuran ko at hinila ako sa kung saan. Kaya nagpumiglas ako. "Nasa operating room na ang anak mo, Hersey. Si Sarina Alfred ang nasa emergency room." Boses iyon ni Cyan. Dalawang braso ko na ang hawak-hawak niya habang nasa likuran ko siya. Halos naibigay ko na ang buong bigat ko sa kanya dahil parang ayaw na namang gumalaw ang mga paa ko. Narating namin ang operating room at nakita ko roon ang asawa ko na pabalik-balik na naglalakad. Hindi rin siya kampante kahit nasa OR na ang anak namin. "J-Jinsen..." sambit ko sa pangalan niya na ikinahinto niya sa paglalakad. Matalim ang mga matang tiningnan niya ako at umiigting ang panga niya. Halatang galit siya sa akin at parang gusto na niya akong patayin. "Ano'ng ginagawa mo rito?!" malamig ang boses na tanong niya sa akin. Nag-echo pa ang boses niya. "I'm sorry... K-Kasalanan ko...Jinsen... Kasalanan ko kung bakit n-nangyari ito..." umiiyak na sabi ko. Paulit-ulit na tumango siya at parang sang-ayon sa sinabi ko. "Tama. Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito, Hersey. Kasalanan mo kung bakit nasa loob ng kuwartong`yan ang anak ko!" asik niya sa akin at nagawa pa niyang ituro ang pintuan ng OR. "Kasalanan mo kung bakit nag-aagaw buhay si Jinsel! N-Nang dahil sa `yo... Nadamay mo pati ang anak ko..." dagdag niya at bumuhos din ang maraming luha sa kanyang pisngi. "Fvck. Hindi kasalanan ni Hersey!" pagtatanggol sa akin ni Cyan at doon nabaling ang kanyang atensyon. Mahigpit ang pagkakakuyom niya sa kamao niya at nanlilisik na tiningnan niya si Cyan. "Ikaw ba ang asawa niya? Pakilayo ang babaeng `yan dito dahil tutal naman nakuha ko na ang bagay na gusto ko sa kanya," walang emosyon na saad niya. Sa mga oras na iyon ay mas lalo ko lang nararamdaman ang pagkirot sa puso ko. Binitawan ako ni Cyan at sinugod niya si Jinsen. Umigkas ang kamao niya sa mukha ng asawa ko. Hindi rin nagpatalo si Jinsen at gumanti siya ng suntok ng mas malakas. "Magsisisi ka sa sinabi mo! Hindi mo alam, Montallana. Wala kang alam sa nangyayari!" sigaw ni Cyan. Nawalan ako ng panimbang at sumalampak ako sa sahig. Tumigil din sila sa suntukan nila nang kusang lumuhod si Jinsen. "Wala akong pinagsisisihan sa sinabi ko! Ang tanging pinagsisisihan ko lang ay ang mahalin siya! Ang hinayaan ko na guluhin niya ang isip at utak ko. Hinayaan ko ang sarili ko na gawin ang bagay na hindi naman dapat! I just realized it now... Everything is alright... It wasn't messy when I woke up from a coma. I have a girlfriend who never left my side and still took care of me and my child... I hope everything is okay. I don't even care if my memory doesn't come back... I didn't even bother to think about that fvcking things... Not until she came. That's where it started she messed everything up..." mahabang sabi niya. Nagmistulang punyal ang mga katagang iyon at diretsong tumama sa dibdib ko. "I let myself be captivated by her beautiful face and her sweet voice... Hinayaan ko ang mahalin siya at naisipan ko pang maging ina ng anak ko. I'm willing to do anything for her... I will leave Sarina... I claimed her because I loved her, so much! But now... I could never love someone like you for what you did to my son! How could I deal with someone who hurt my child?" Panay ang pagpunas ko sa mga luha ko dahil gusto ko siyang tingnan. Gusto kong makita ang emosyon sa mga mata niya. Na baka nagsisinungaling siya. Na baka hindi totoo ang mga sinabi niya sa akin. "Kaya ang isang bagay na pinagsisisihan ko ay ang mahalin ka, Hersey... Sana hindi na kita hinayaan na makapasok pa sa buhay ko. I wish I had never loved you... I wish you never came into our life and I never met you. Sana maglaho ka na lang na parang bula..." "B-Bawiin mo `yan! Bawiin mo `yan, J-Jinsen! Bawiin mo ang sinabi mo..." "No. I don't take back the words my lips are already saying, Hersey. Totoong pinagsisisihan kong nakilala pa kita..." seryosong sabi niya. Patunay na hindi siya nagsisinungaling. Na hindi na siya nadala lang ng galit. Dahil buong puso niyang sinabi ang mga katagang iyon. "Hindi ko kayang saktan si Jinsel! Mahal ko siya... Mahal ko na mahal ko siya, Jinsel... Dahil anak ko siya..." Nasabi ko ang katagang iyon nang hindi na nag-iisip. Sinabi ko na ang katotohanan pero sa mga oras na ito? Sino ang maniniwala sa akin? Hindi ako paniniwalaan ng asawa ko kahit sabihin kong anak ko si Jinsel. "Wala kang karapatan na angkinin ang anak ko. Wala kang karapatan na pati ang anak ko ay magiging sa `yo rin! Ang nangyari sa atin kagabi? Isa lamang iyong pagkakamali... Dala lang iyon ng init natin sa katawan at tawag ng laman..." Parang nabingi ko sa katagang sinambit niya. Hindi ko namalayan ang lahat ay muling sumugod si Cyan sa kanya na kanina pang nananahimik habang nanonood sa amin. Dumating ang mga security at agad na pinigilan nila si Cyan. Malulutong na mura ang maririnig ko mula sa kanya. Ngayon ko nga lang din nasaksihan ang magalit si Cyan at parang any moment ay makakapatay na siya. Kung hindi siya mapipigilan. "Ilabas niyo ang dalawang `yan. Hindi sila kapamilya ng pasyente at ang babaeng `yan," sabi niya at doon ko lang siya nakita nang mas malinaw. Tumigil ang luha ko sa kabubuhos nito. Dinuro pa ako ni Jinsen. Masama pa rin ang tingin niya sa akin. "Tumawag kayo ng pulis at ipadampot ang kriminal na `yan," dugtong niya sa sasabihin niya. Umawang ang labi ko sa gulat. Tinawag niya akong kriminal... Itinayo ako ng dalawang security at doon ko lang nabitawan ang music box ng anak ko. Gumawa pa iyon nang nakakabinging ingay at gumulong sa paanan ni Jinsen. Iyong puso ko na sobra ng basag na basag ay mas dumoble iyon nang sa pangalawang pagkakataon ay umalingawngaw sa hallway ng hospital ang pagkasira ng isang bagay. Tumunog ang musika na iyon kahit sirang-sirang na siya. Ang bagay na iniregalo ko sa anak ko kahapon na iniyakan niya rin dahil sa labis na tuwa ay parang puso ko lang na madaling nabasag... "Sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan, Hersey... Hangga't hindi nagigising ang anak ko..." Nagsimula akong hilahin ng mga security pero nagpabigat ako para hindi ako makaalis doon. Gusto kong malaman na muna ang kalagayan ng anak ko. Hindi ako aalis hangga't hindi ko nasisigurado na ayos na siya... "Bitawan niya ako! Bitawan niyo ako! Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nalalaman ang kalagayan ng anak ko... Bitawan niyo ako! J-Jinsen... please, hayaan mo na muna ako rito... Gusto kong manatili pa rito... Gusto kong malaman na muna ang kalagayan ng anak ko..." nagmamakaawang sambit ko. Malalaki ang mga hakbang na nilapitan ako ni Jinsen. Binitawan ako ng mga security dahilan na bumagsak ako sa sahig at marahas na hinawakan ng asawa ko ang panga ko. Halos bumaon ang kuko niya sa balat ko dahil sa higpit at mariin na pagkakahawak niya sa akin. "Anak ko lang. Walang sa `yo, Hersey... Dalhin niyo na `yan sa labas at sabihin niyo sa kasamahan niyo na isulat ang pangalan niya sa blacklist ng hospital. Hinding-hindi na siya makakaapak pa sa hospital na ito." "Bitawan niyo siya! Sinisiguro ko sa `yo, Montallana. Lahat ng sinabi mo sa kanya ay pagsisisihan mo!" Akmang hahawakan na naman nila ako nang sumigaw na si Cyan. "Huwag niyo siyang hawakan! Aalis kami ng kusa at hindi kami magpapadampot sa inyo!" Itinayo ako ni Cyan. Parang lantang gulay na ako dahil hindi ko na yata maramdaman pa ang lahat. Parang namanhid ang katawan ko. Bago pa kami makaalis doon ni Cyan ay siyang pagbukas naman ng pintuan sa OR at lumabas si Dr. Sergio kasama ang iilan na nurse at doctor. Hinawakan ko ang kamay ni Cyan para pigilan siya at naghihintay sa statement ng doctor ng anak ko. "Kamusta ang anak ko?" tanong ni Jinsen at nasa boses niya ang kaba. "The child sustained so big that his head was torn off and had stitches from hitting his head on a hard object. So, much blood came out of his wound. The operation was successful, but... He is in critical condition at the moment. The patient will be transferred to the ICU. So, that we can observe and monitor his condition. At this time also, the patient is in a comatose state but rest assured he will wake up soon." Pagkatapos sabihin iyon ni Dr. Sergio ay roon ako nawalan nang malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD