CHAPTER 11

2044 Words
Chapter 11: Missing her son "WHAT do you want, baby? Gutom ka na ba?" Naikuyom ko ang magkabilang kamao ko nang marinig ko ang boses ni Sarina. Ang anak ko ang tinatanong niya. Yeah, ang tanga-tanga ko para sundan pa sila rito sa coffee shop. Bakit? Kasama nila ang anak ko, eh. At kahit hindi ay talagang naging stalker na nila ako. Usually sa ganitong araw talaga ay lumalabas sila na akala mo, isang pamilya sila. Day off ni Jinsen sa hospital nila at talagang may oras siya para kay Sarina. Na dati-rati sa amin niya ito ginagawa. Na dati-rati ay ako ang kasama ng mag-ama ko. Hindi ang lintang kabit na 'yan. "Come on, Jinsel. What do you want?" muling tanong niya sa anak ko na kanina pa nakayuko at parang iritado pa itong tingnan si Sarina. Napangisi ako. Hindi niya makukuha ang loob ng anak ko, ha. Akala niya, ah. Nagmana 'yan sa Mommy niya. "You want to try their pizza, son? Hmm?" tanong ni Jinsen sa anak namin na halos irapan ko na siya. Pizza your ass, dimwit. "You want to eat pizza na rin, dear?" tanong naman sa akin ni Ferrara. Halatang nang-aasar din sa akin. Yeah, I'm with her. "Shut up, monster," masungit na suway ko sa kanya. Narinig ko lang ang mahina niyang pagtawa. I called her monster dahil sa ginawa niya sa akin weeks ago at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagkakaganti sa ginawa niya sa akin. May oras pa naman din ako para makaganti sa kanya. Hinihintay ko lang ang tamang oras na iyon. Hindi puwedeng hindi ako gaganti sa ginawa niya sa akin. Tss. Maniningil pa rin ako sa kanya. "Chill, dear. Alam mo naman na hawak ko pa ang leeg mo," sabi niya. Binalingan ko siya nang tingin nang ngumuso siya sa kabilang table. Hindi ko na sana titingnan pa iyon dahil baka aasarin na naman niya ako dahil sa babaeng iyon, pero marinig ko na ang boses ng anak ko. Nataranta ako bigla. "I miss you, mommy. Come back, please. Come back..." "J-Jinsel," nauutal kong sambit sa pangalan ng anak ko nang bigla na lamang siyang yumakap sa baywang ko. Nararamdaman ko ang paghigpit nang yakap niya sa akin na tila takot na takot siyang mawala pa ako. Maririnig na rin ang mahihina niyang hikbi. Ang sakit marinig... Parang hinahati-hati ng kutsilyo ang puso ko. "I miss you, mom. I miss you, so-so much. Please, come back home..." Parang pinipiga ng malaking kamay ang puso ko sa narinig na sinabi niya. Nag-init ang magkabilang mga mata ko at parang any moment ay masasabayan ko na siya sa pag-iyak. Tiningnan ko ang table nila kanina at wala na roon si Jinsen. Nasa counter na pero si Sarina ay namumutlang pinanood lang kami. Ni hindi makakilos pero nagawa ko siyang samahan nang tingin bago ko binigyang atensyon si Jinsel. Hinawakan ko ang balikat ng anak ko pero nagpumiglas siya. Akala niya siguro ay paaalisin ko na siya katulad nang madalas kong ginagawa sa kanya. "B-Baby..." Pumiyok ang boses ko. "S-Sama na lang ako sa 'yo, M-Mommy. I don't want to stay na sa house k-kung wala ka naman doon. I l-love daddy but iwan na lang natin siya. Sama na lang ako sa 'yo. Ayaw ni Jinsel kay Sarina. Sa 'yo na lang ako titira, mommy..." Honestly, ngayon lang kami nagkita ulit ng anak ko dahil dumistansya na naman ulit ako. Hindi na nga ako umuuwi sa mansion na malapit lang din sa bahay namin. Nanatili ako sa condo ko at miss na miss ko rin naman ang anak ko. Pero ngayon, nang dahil sa daddy niya ay nagawa ko rin siyang tiisin. Nagawa ko rin siyang huwag makita ng ilang mga araw. Hindi na rin naman ito ang unang beses na nilapitan niya ako pero patuloy ko pa rin siyang pinagtatabuyan in a nice way. Na huwag niya akong lapitan at yakapin nang ganito. Dahil baka mahahalata kami ng daddy niya. Na baka malaman nito ang tungkol sa akin. Ayokong mapahamak na naman si Jinsen. Sapat na, sapat na sa akin na ako na lang ang maghihirap nang ganito. Huwag lang siya. Masyado ko siyang mahal kaya ako ang nalulunod sa sakit na ito na matagal ko na ring gustong umahon pero hindi ko kaya. Parang naghihintay lang ako sa taong may aahon sa akin mula sa malalim na dagat na ito. O maglalabas sa akin mula sa madilim na lugar na ito. "I'm so sorry, baby. Miss na miss ka rin naman ni Mommy. Pero kailangan nating gawin na muna ito. Don't leave your father kasi baka tuluyan na siyang agawin sa atin ni Sarina. Ikaw na lang ang pag-asa ko para makuha ulit natin si daddy. Please, baby..." "Until when, Mom? Hanggang kailan po tayo ganito?" umiiyak pa ring tanong niya. Marahan na pinaharap ko siya sa akin at pinunasan ko ang mga luhang umaagos sa pisngi niya. Libo-libong karayom lang ang tumutusok sa dibdib ko nang makita ang namumula niyang mga mata dahil sa pag-iyak niya. Until when? Hanggang kailan nga ba kami ganito? Hindi ko rin alam. Hindi ko rin alam ang isasagot ko dahil hindi ko nga rin alam kung hanggang kailan mapuputol itong paulit-ulit na eksena at nang sumaya naman kami. "You'll be good, baby. Babalik din ako. Tatawag naman si mommy sa 'yo. Please, go," naiiyak na sabi ko at impit na umiiyak lang siya. Hinawakan niya ang dibdib niya na tila sumisikip iyon at nahihirapan siyang huminga. Kinulong ko ang maliit niyang mukha at masuyong hinalikan ko ang noo niya pababa sa tungki ng ilong niya. "Wait for me, baby. Malapit na... Malapit na malapit na, okay? I love you, so much." "I'll wait for you, then. I love you, too mommy..." Nakahinga ako nang maluwag nang hindi naman kami naabutan ni Jinsen pero naguguluhan ang daddy niya kung bakit umiiyak siya. "What's wrong, baby? May masakit ba sa 'yo, Jinsel? What happened to my son, Sarina?" tanong ni Jinsen sa babae niya at umigting pa ang panga niya. Parang sinisisi pa niya ang kabit niya. Yumakap lang sa kanya ang anak namin at lumakas na ang pag-iyak nito. "Jinsel? Sarina, what happened?" "H-Hindi ko alam, babe. Bigla na lang kasi umiyak ang anak mo," kinakabahan pang sagot ni Sarina. "Son? Tell me, what's wrong?" malambing na tanong niya at hinahagod na niya ang likod nito. Nasasaktan siya sa tuwing nakikita niyang umiiyak ang anak namin. Ganyan siya kay Jinsel. "My heart, dad. Ang sakit ng puso ko, daddy." Napatakip ako sa bibig ko nang marinig ko ang pagsagot ng anak ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa table para lang maitago ko ang pag-iyak ko kahit wala namang sounds iyon. Ang bata pa ng anak ko pero nararanasan na niya ito. I'm so sorry, baby. Babalik naman si mommy pero hindi pa ngayon... Hindi pa ngayon... "I love her. I love her, so much..." dugtong pa ni Jinsel kaya mas lalong maguguluhan lang ang daddy niya sa sinabi niya. Tumayo na ako bago pa man ako makita nila. Mabibigat ang bawat paghakbang ko dahil paulit-ulit kong naririnig ang boses ng anak ko. Ang pag-iyak niya. Habang ako ay nasasaktan at lumalayo sa kanila ay ganoon din pala ang anak ko. Pinipilit niya lang maging matatag para sa akin. Iyong anak ko na ang bata-bata pa... Nang makapasok ako sa loob ng sasakyan ko ay pinaghahampas ko ang manibela ko. Sobrang sakit naman. Doble iyong sakit na nararamdaman ko ngayon. Ngayon ko lang nalaman na hindi lang pala ako ang nasasaktan. Pati iyong anak ko. Ang nag-iisa kong anak... Yumugyog ang balikat ko dahil sa pag-iyak ko at hindi ko na napigilan pa ang humikbi. Bumukas ang pintuan sa shotgun seat pero hindi ko na iyon pinansin pa at hindi ako tumigil sa pag-iyak ko. "Damn it!" nanggigigil na mura ko at paulit-ulit kong hinampas ang manibela ko hanggang sa dumukmo na ako rito. "You can make it, dear. Pagsubok lang 'yan for you at makakaahon ka pa rin. Iyang sakit na 'yan at paghihirap mo? Isa lang 'yan sa mga pagsubok na kailangan mong maging matatag and I know someday, magiging malaya ka na. Save yourself," seryosong sabi sa akin ni Ferrara pero patuloy pa rin ako sa pag-iyak. "B-Bakit pati ang anak ko ay nadadamay rito? Ako lang ang lumayo, ako lang ang dumistansya at ang daddy niya lang ang inalala ko pero ngayon... Na-realized ko na naging mali rin ako. I choose to distance m-myself from them because of my h-husband without knowing na nandiyan pala ang anak ko. N-Na nandiyan pala siya at nasasaktan din. Nasasaktan din siya para sa amin. W-Worth it pa ba itong paglayo ko sa kanila? Hindi lang ako ang nasasaktan dito, hindi lang ako... H-Hindi ko... Hindi ko man lang naisip ang anak ko na puwede rin pala siyang masaktan. Bakit ang unfair... Ang unfair niya para gawin ito sa amin," mahabang sambit ko at punong-puno ng hinanakit ang boses ko. Mas lalo ko lang nararamdaman ang pagkirot sa puso ko. Sobrang sakit... Iyong asawa ko lang talaga ang inaalala ko, iyong amnesia niya pero ngayon lang. Ngayon ko lang napagtanto na naging mali rin ako sa pagpili ng desisyon na lumayo... Nandiyan ang anak ko... Katulad ko ay nasasaktan din siya. Hindi rin ako naging mabuting ina. Ang sama-sama ko para kalimutan ko ang anak ko. Ang sama-sama kong ina! Napakasama ko! "Kunin mo na lang ang baby mo." "G-Gusto ko. Gustong-gusto ko na talagang kunin ang anak ko pero ang daddy pa rin niya... Siya pa rin ang inaalala ko..." nanginig ang mga labi ko nang bigkasin ko ang mga katagang iyon at mas lalo lang lumakas ang hagulgol ko. "Oh, come on, Hersey. Stop crying! We need to fly pa sa Italy!" sabi niya at tila naiingayan na naman siya sa akin. "You're a pilot, right?" Napahinto ako sa pag-iyak ko nang marinig ang tanong niyang iyon. You're a pilot... Yes, I am. Pero dahil sa negosyo ng parents ko ay hindi ko nagawa ang gusto ko. Wait... Nagda-drama pa ako rito dahil sa anak ko at napunta na naman ako sa pangarap ko. NANG mahimasmasan ako ay nag-drive na lang ako sa airport at sumisinghot-singhot pa ako. Mabuti at palagi akong may dalang shades kaya hindi makikita ang namumugto kong mga mata. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ng Senator na ito sa Italy and speaking of that country... Ay iyon ang bansa ni Mommy. Doon siya pinanganak at lumaki. Nanatili lang siya sa bansa nang ikinasal sila ni Dad. Naunang sumakay ng private jet si Miamor Ferrara at hindi pa ako sumunod nang maramdaman ko ang vibration ng phone ko sa bulsa ng pants ko. At ang anak ko ang tumatawag. "Yes, baby?" agad na sagot ko. Excited akong marinig ang boses niya. "Mommy..." tawag niya rin sa akin. Hindi naman siya mukhang umiiyak pero naririnig ko rin ang pagsinghot niya. "You okay now, baby? Love na love ka naman ni Mommy kaya tiis-tiis na muna tayo ngayon, okay?" sabi ko at nabasag pa ang boses ko. "'Di ba, I told you na malapit na tayong magkakasama-sama?" dagdag ko pa. "Yes po, mom. I just miss you. Hindi ka na po umuuwi rito. Kailan kita makikita ulit, Mommy?" malungkot na tanong pa niya sa akin. "Soon, baby. Sa ngayon ay pupunta pa sa Italy--" hindi ko natapos ang sasabihin ko sa kanya nang sumabat na siya bigla. "Are you leaving, Mommy? Iiwan mo ako?" tanong niya at mabilis na umiyak na naman siya. "No, baby. Hindi ka iiwan ni Mommy. May pupuntahan lang kami. Uuwi naman ako after this. Just behave, okay? Iwasan mo si Sarina," sabi ko pa at hindi ko na narinig pa ang pag-iyak niya. "O-Okay po, Mommy. Uwi ka po, ah? I'll wait for you..." "Yeah. May gusto ka bang pasalubong, anak ko?" I asked him at unti-unti na akong napapangiti. Gumagaan na ang pakiramdam ko dahil narinig ko na ang boses ng anak ko. Kumakalma na ang kalooban ko. "Just you, Mommy please," malambing na sagot niya and I chuckled. "Okay, baby. I love you." "I love you, too Mommy... Take care po." Ibinaba ko na ang phone after naming mag-usap ni Jinsel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD