CHAPTER 4

1776 Words
Chapter 4: Ghosted "FVCK," narinig kong mura niya. Nakaka-disappoint ang gunggong na 'to. Gusto ko siyang suntukin sa panga niya. Sa totoo lang. Kahit mahal ko pa siya... Kapag ako nagalit, makikita niya. "Sarina, babe. Puwede mo bang puntahan ang anak natin?" Sa aking narinig ay bigla akong napatayo. Hindi ko na napansin na nakagawa na pala ako nang ingay dahil gulat na napatingin sa akin si Jinsen. Kung makapagsabing anak natin na akala mo naman ang kabit niya ang nagluwal kay Jinsel? Ang babe--baboy ba niya ang nagbuntis? Ayoko nang marinig pa ang sasabihin ng tarantadong asawa ko. Oo, sa una ay nagtitiis pa ako. Pero hindi na ngayon! Sisimulan ko na talaga na kalimutan siya! Just kidding... Gusto kong maalala niya ako. At kapag nakaalala na siya saka ako gaganti sa kanya. Pero ngayon, hintay-hintay na muna ako. "You're blocking my way, Dr. Montallana," malamig na sabi ko sa kanya when I walked towards him. No, dadaan lang ako. Humarang lang siya. "W-What?" tanong niya. Walang emosyon na tiningnan ko siya saka ko siya nilagpasan. Binangga ko pa ang balikat niya. What a pest! "Why so grumpy, darling?" malambing na tanong sa akin ng mommy ko. Lumambot ang ekspresyon ng mukha ko nang makita ko siya. Yumakap ako sa baywang ni mommy nang patagilid at sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya. Narinig ko ang pagtawa niya at hinaplos naman niya ang buhok ko. "I'm sorry, anak. Ako na ang gumagawa ng paraan para mapalapit ka ulit sa kanya. H-Hindi ko na kayang makita pa na nalulungkot ka... Mahigit isang taon ka ring nawalay sa mag-ama mo, Hersey. Ang tagal mo nang nagtitiis. Tapos ang asawa mo..." May namumuong luha sa mga mata ko pero pinigilan ko ang huwag umiyak. I won't cry... "I'm fine, mom. Can I take a break for awhile?" I asked my mom and I wear my shades again. "Go on, darling... And please, umuwi ka..." I nodded. "You can use my car, Hers." "Ihahatid ko pa po ang mga staff mo, mom," sabi ko at lumapit sa truck. Nakita na ako ang mga staff kaya hindi na kailangang tawagin silang isa-isa. "Where are you going?" I rolled my eyes nang marinig ko ang boses ng asawa ko. Tama si mommy, matagal na akong nagtitiis sa sakit lalo na mas lumayo ang loob sa akin ni Jinsen. Ito ang unang beses na napalapit ako sa kanya. Kasi dati-rati ay hanggang tanaw lang ako sa malayo. Ni hindi ko siya malapitan dahil natatakot ako. Natatakot akong ma-trigger siya. Gustung-gusto kong makaalala na siya para bumalik na siya sa akin pero hanggang kailan pa ako maghihintay? Hanggang kailan pa ako magtitiis? Aabot pa ba ng ilang taon? Eh, may balak na nga yatang mag-propose ang asawa ko sa ibang babae. Pathetic... "Have--" "Wala kang pakialam. Don't talk to me, Dr. Montallana. Hindi tayo friends. Don't act like that," malamig na saad ko at sumalubong sa akin ang malamig din niyang mga mata. "Just concerns. As your doctor," he reasoned out. "You know what. Seloso ang asawa ko," bigla ay nasabi ko. Nagbago na naman ang emosyon niya. Napalitan ng pagkalito. "What are you talking about?" curious na tanong niya. "He's a jealous type of man." "Nasasakal ka na ba? You want to divorce him?" he asked me, I almost smirk... "What do you think? Hihiwalayan ko na ba siya?" nanghahamon kong tanong. Gusto ko makita ang reaction niya... Kung may mag-iiba ba roon o ano... Nakakapagod nga ang maghintay na maalala ka ng isang tao. Pero sige, gagawa na ako ng paraan. Guguluhin ko na lamang siya... Kunwari ay kontrabida ako sa kuwentong ito. "Magpa-file ako ng annulment. But I want you to date me. Be my boyfriend, instead?" wala sa sariling sabi ko at umawang ang labi niya. Hindi inaasahan ang sasabihin ko. "Are you kidding me?" walang bahid na emosyong tanong niya. Napangisi ako. "Do I look I'm joking, doctor?" "Stop it. Kung may problema kayo ng asawa mo ay kausapin mo na lang siya nang maayos. Hindi 'yong ikaw lang ang nagde-desisyong mag-isa. Mahalaga pa rin ang opinyon ng asawa mo," pangangaral niya sa akin. Ang galing-galing magsalita ng kupal! Huh! "Exactly. Paano kita kakausapin kung wala ka namang maalala!" Naitakip ko ang bibig ko dahil sa lumabas na salita. Nag-aalangan na akong tingnan siya at makita nga ang reaction niya. Bakit ko ba kasi na sabi iyon? Dahil siguro nadala ako ng galit ko? "Are you part of my lost memories? Ikaw ba..." "Tarantado ka," pagmumura ko sa kanya saka ko siya tinalikuran at sumakay na sa truck. Isasara ko na sana ang pintuan ng sasakyan nang mabilis na pinigilan ang kamay ko ni Jinsen. Nagtatakang tiningnan ko siya. "Sa mansion niyo kami tutuloy, mamayang gabi." "Ano naman? Ano'ng pakialam ko sa 'yo? Kahit mag-stay ka pa roon forever at pakasalan ang mansion namin. Ano naman sa akin? Pakialam ko sa 'yong doctor ka, ha?" Mas better na pakasalan mo na nga ang mansion namin, huwag lang ang kabit mo. Magiging okay pa ako. "You and your bad mouth, misis," saad niya at muntik nang malaglag ang panga ko dahil sa tinawag niya sa akin. Mabilis na nag-init ang pisngi ko. "Let's talk later, okay? I want you to share your problem with me." Tumango ako at ngumiti. "Dream on, honey..." I murmured. Because that day? I ghosted him. Hindi na ako umuwi pa sa mansion namin at umuwi na ako pabalik ng Manila. Kahit na alam kong magtatampo na naman sa akin ang mommy ko. Pero hinayaan na lang ako ni mommy. Bibisita na lang daw siya sa condo ko. Oh, ano kaya ang nangyari sa gungong iyon, ano? Iyong ginost ka bigla ng isang tao? Nagsisimula pa lang akong guluhin siya. Tapos isasama ko ang kabit niya. "MOMMY! I missed you po!" Napangiti ako nang makita ko ang anak ko. Lumuhod ako at sinalubong ko nang mahigpit na yakap si Jinsel. "My baby boy..." malambing na sambit ko at binuhat niya. Three years old na ang anak ko at ang talino ng batang ito kaya pinapalayo ito sa akin ng daddy niya. Tss. "How are you--oh, the lintang kabit is here!" tuwang-tuwang sabi ko nang makita ko si Sarina Alfred. Naglakad ito sa kinaroroonan namin. Humigpit ang pagkakayakap ng mga braso ng anak ko sa leeg ko at binaon niya rin ang mukha niya sa leeg ko. Hate na hate niya talaga ang babaeng ito. "Hersey. Ibaba mo na si Jinsel. Baka magagalit--" "None of your fvcking business, Sarina dear. He's my son at wala kang karapatan sa pamilyang ito. Bubuhatin ko ang anak ko kung kailan ko gusto. Wala kang pakialam," malamig na sabi ko sa kanya. Kahit nasa mga bisig ko pa ang anak ko ay minura ko pa rin ang babaeng ito. Huh! Ibaba ang anak ko? Magagalit si Jinsen?! "Hersey--" "Stop! Sa ating dalawa ay ikaw ang walang karapatan na pangunahan ang pamilyang ito, Sarina dear. Kabit ka lang po at itaga mo ito sa kukote mo, hinding-hindi mo maaangkin ang anak ko," I warned her. Nanatiling kalmado ang mukha niya at parang natakot talaga sa akin! Huh! Ginagawa niya lang 'yon para magpaawa sa asawa ko! Mga ganyang hitsura? Mukhang mabait at inosente?! Nah, may true color 'yan na itinatago. Beware. Ngumisi ako at kinausap ko na muna ang anak ko. Ibinaba ko na siya pagkatapos at patakbong tinungo ang kabilang mansion na tinutuluyan ko. Humakbang ako palapit sa kanya. Hindi naman siya umatras. "Alam mo? Sayang ka," nanunuyang sabi ko. Naguluhan naman siya sa sinabi ko. "A-Ano?" "Sayang ka at pumapatol ka pa sa lalaking may pamilya na," dugtong ko at doon na umiba ang bukas ng mukha niya. "Sa akin naman talaga si Jinsen! Nauna siyang naging akin!" sigaw niya at nakita ko pa ang paglabas ng ugat sa leeg niya. Sana napigtas na lang 'yon, 'di ba? Para patay siya kaagad? "Oh, nauna ngang naging sa 'yo. Pero kayo ba ang kinasal? Kayo ang nagkaanak?" walang buhay na tanong ko at pinagkrus ko pa ang mga braso ko sa tapat ng dibdib ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, may kasama pang pang-iinsulto. "Sino ba kasi ang nagpabuntis ng maaga? At sa ibang lalaki pa? Sino ba kasi ang makati? Sino ba kasi ang nagloko? Sino ba kasi ang tanga?" sunud-sunod na tanong ko sa kanya. Nagtatagis na ang bagang niya at pulang-pula na ang mukha niya dahil sa galit. Nanginginig pa ang mga labi niya. Nagpipigil pa lang siya niyan, ha. Wala pa... "Gagawin ko ang lahat at huwag lang bumalik ang alaala ni Jinsen! Gagawin ko ang lahat at mapaniwala lang na sa akin si Jinsel! Na ako ang tunay niyang ina! Minsan na akong nanganak! Kayang-kaya ko siyang paikutin na anak namin si Jinsen!" That's it. Iyon siya. Napaatras siya nang mariin na hinawakan ko ang panga niya. Bumaon ang mahaba kong kuko sa balat niya at naging visible kaagad ang pamumula nito dahil maputi siya, eh. "Sarina dear, hindi lang ikaw ang magaling umakto na b***h. Mas b***h ako kaysa sa 'yo kaya huwag mong sagarin ang pasensiya kong tangina ka," malamig at mariin na sabi ko. Pinukulan ko rin siya nang masasamang tingin. Nakita ko ang takot sa mga mata niya kaya napangisi ako. Ang sarap sa pakiramdam. Para akong dinuduyan sa ere. "Pa-good girl lang ako sa ngayon, honey. Hindi pa lumalabas ang totoong Hersey J-nea Leogracia-Montallana... Kaya huwag na huwag mo akong susubukan. Nagpipigil pa lang ako, kahit kating-kati na ang kamao ko na idikit 'yan sa pagmumukha mo." Natawa ako nang makita ang pangingilid ng mga luha niya. Humigpit lalo ang pagkakahawak ko sa panga niya at halos dumugo na ang balat niya. "Therefore, don't try to lose my patience and don't act like you're the real wife of Jinsen. Magigising din 'yon sa kabaliw-an niya. At ikaw, sa basurahan pa ring itatapon. Katulad nang pagtatapon sa 'yo ng lalaki mo. Sa ating dalawa ay walang-wala ka, honey," sabi ko at marahas na binitawan ko na siya sa walang imik na tumalikod sa kanya at pumasok ako sa mansion ko. What a b***h. Minahal talaga 'yon ng gago kong asawa? Inaamin ko na maganda nga ang Sarinang iyon pero tanga naman. "Mom!" tawag sa akin ni Jinsel. Kumakain na siya ngayon ng cupcakes. Naglakad ako palapit sa kanya. Hmm... Sa ngayon ay manonood lamang ako. Subukan niya talagang agawin sa akin ang anak ko at guguho talaga ang mundo. Ito ang influence na namamana ko kay Xena. Nakakatakot ang isang iyon at lahat ng taong balak na sagasain siya ay wala iyong inuurungan. Kahit presidente pa ng bansa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD