CHAPTER 2

1915 Words
Chapter 2: Warning KASI KAHIT ako ang asawa niya, na dapat ako ang nag-aalaga sa kanya ay hindi pa rin puwede. Dahil ako, ako lang ang nagti-trigger ng mga nawala niyang alaala. Ako, ako ang dahilan kung bakit palagi siyang ganyan. Kahit gaano ko pa kagustong lapitan siya at yakapin siya sa tuwing nagkaka-ganyan na siya ay hind pa rin. Hindi pa rin puwede, dahil ikapapahamak niya iyon. Mas lalo lang siyang masasaktan kapag nakikita niya ako. Mas kakayanin ko ang masaktan kaysa siya ang makikita kong nagkakaganito. "Dr. Jinsen!" "Ma'am..." nag-aalalang tawag sa akin ng isang nurse... Noong hindi pa naaksidente si Jinsen at ayos pa ang relasyon naming mag-asawa ay halos lahat ng staff niya sa hospital ay kilala ako. Kilala ako kung sino ako sa buhay ni Jinsen. Pero napagsabihan ko na sila na huwag nila akong batiin na kilala nga nila ako. "I'm fine, I just need to rest," walang emosyon na sabi ko at mabilis na inalalayan niya ako. Bumibigat ang talukap ng mga mata ko kaya hindi ko na namalayan pa ang ilang minutong nagdaan at nakatulog na ako. Nagising din ako the next day at nasa private room na ako. Sino naman itong nagpapasok sa akin sa private room? Sa halip na dalhin na lamang ako sa ward. Napahilot ako sa ulo ko dahil nararamdaman ko pa rin ang pagkirot nito. Bumangon ako at napatingin naman ako sa bed side table, particular na tiningnan ko ang digital clock. 8:12 in the morning, by 7'clock ang pasok ko sa work ko kahit na ako pa ang boss sa L. Security Agency at hindi lang naman iyon ang hinahawakan kong negosyo, hindi lang ang security dahil hawak ko rin ang kompanya kung saan kami pa ang nagre-recruit ng mga employee. L. Agency Company. Mababawasan naman ang work ko kung naka-graduate na ang kapatid ko at kung magtitino talaga siya. Napataas ang kilay ko nang makita ko ang paper bag na may tatak na prada katabi nito ang sling bag ko. Kinuha ko ito at nakita ko ang bagong bili lang na mga damit. Dinala ko ito sa loob ng banyo at doon nagpalit. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako at dumiretso sa desk clerk to pay my bills. And I forgot na wala pala akong babayaran na kahit anong bills dahil asawa ko ang may-ari ng hospital kahit na sekreto lang ito sa kanya. Naka-charge pa rin kay Jinsen. "Ayos na po Mrs. Montallana..." magalang at nakangiting wika nito sa akin. Tumango lang ako bago ako lumabas ng hospital. Nasa parking pa ako nang may humintong puting mustang at napairap ako nang makita kong si Jinsen ang may-ari no'n. "Ms. Montallana," tawag niya sa akin at tila may drums ang tainga ko. Sa kanya ko pa talaga maririnig ang pagtawag na Montallana sa akin at Miss pa? I told him na may asawa na ako. Hindi ko siya pinansin at handa nang pumara ng taxi nang marahan na hinawakan niya ang braso ko na mabilis naman niyang binitawan. "Ms. Mon--" "I told you I'm already married," cold na sabi ko sa kanya at ipinakita ko pa ang singsing ko sa kanya. Kumunot ang noo niya at napahawak na naman siya sa ulo niya na tila may naaalala na naman. Kaya mabilis na ibinaba ko na lamang ang kamay ko at tinalikuran ko siya. "Where are you going? Wala ka pang permission ng doctor mo na puwede ka ng i-discharge sa hospital," mariing sabi niya at maawtoridad pa. Tsk. "Leave me alone and I don't need your permission para makalabas na ako sa hospital," masungit na sabi ko. "You still need to be check, Ms--" "Don't care, Dr. Montallana," sabi ko pa at bahagya pa siyang napasinghap. "It's weird, isn't it? Pareho tayong Montallana," sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "I lied, hindi pala ako married at Leogracia ang surname ko," wala sa sariling pahayag ko sa kanya. His brow furrowed. "You told me.." "Nakipag-divorce na ako sa kanya, eh. Wala siyang kuwentang asawa," utas ko at nasa boses ko ang galit. Kitang-kita ko ang pagtatagis ng bagang niya na hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaction niya. Parang siya itong naaapektuhan which is siya naman talaga ang tinutukoy ko. "Magsama sila kako ng kabit niya. Wala na akong pakialam sa kanya," anas ko at lumapit pa ako sa kanya. Dinuro-duro ko ang dibdib niya na salubong ang kilay na tiningnan ang daliri ko. "At kung matauhan man siya ay huwag na huwag siyang lumuhod sa akin para lang bumalik sa kanya. Dahil kung siya naman ang maghahabol sa akin ay iiyak siya ng dugo para lang muli kong tanggapin," nagbabantang sabi ko, malamig pa sa yelo ang boses ko pero kalmado naman ako. "Kaya ikaw... Mahalin mo ang girlfriend mo, ha? Kasi ang mga babaeng katulad namin? Kapag nasaktan na? Sumusuko kami dahil nakakapagod kayong mahalin," sabi ko pa at kitang-kita ko ang pag-lunok niya. Bigla siyang namutla. I don't know why, ang weird niya, ha. "Damn it," rinig kong mura niya kaya napangisi ako. Now I know, apektado siya sa sinabi ko. Inilabas ko mula sa bag ko ang cellphone ko at tinawagan ang secretary ko. "Ready my chopper, Xeld. I'm going to Cebu, yeah ngayon na," I told to my secret. Xelzen Yenni Krayt. Ang matagal ko ng secretary at pinagkakatiwalaan. "Yes, ma'am," she answered from the other line. "Hindi ka puwedeng bumiyahe sa Cebu. You still need to rest," tiim bagang wika niya. I rolled my eyes. "Don't need your opinion," sabi ko saka ko siya tuluyang tinalikuran at sumakay ng taxi. Isasara ko na sana ang pinto ng sasakyan nang pinigilan ito ni Jinsen. Sinamaan ko siya nang tingin. Problema ba nito? "What do you think you are doing, doctor?" I asked him. "Who's your husband and I'll punch him for you. Bawiin mo lang ang sinabi mo na nakakapagod akong mahalin," malamig na utas niya. Kumikislot na naman ang puso ko dahil sa sinabi niyang iyon. Parang nasaktan talaga siya sa sinabi ko, ha? Affected much, hon? First warning ko na 'yan sa kanya kahit alam kong wala pa siyang naaalala. Pasalamat siya dahil mahal ko pa siya at kung mapagod akong mahalin siya... Let's see what will happen next. "And why would I do that?" I asked him without emotions on my face. I smirked. "Babe, Jinsen?" Oh, the lintang babae is here. Binitawan na ni Jinsen ang pinto at umatras pero nanatili ang matiim niyang mga mata sa akin. "See you in court," pananakot ko sa kanya at ako na rin mismo ang nagsara no'n. For the last time ay ang mura niya ang narinig ko. Napailing ako at sarkastikong napatawa. Darn it, nasasaktan ako without him knowing. Magsama talaga kayong dalawa at itaga mo 'yan sa matigas mong face, Jinsen. Luluhod ka talaga sa akin at magmamakaawa ka na tanggapin kita. Oh, I can't wait that to happen. "MOM, nasa Cebu na po ako," pahayag ko sa mommy ko nang makarating na ako sa Cebu at ilang oras din ang biniyahe ko at tama nga ang asawa kong ugok na iyon na kailangan ko pa nang pahinga dahil ngayon pa lang ay sumama na kaagad ang pakiramdam ko. Nailayo ko ang phone ko sa tainga ko dahil sa malakas na tili ng mommy ko. Napairap ako. She's too excited to see me, me as well but I'm tired. Gusto ko na tuloy makauwi na sa mansion namin, ASAP. "Can't wait to see you again, honey. Daanan mo ang baby brother mo sa unit niya at pauwiin mo na siya! Gusto kong makasama ang dalawang baby ko, please?" matamis na wikang saad niya. I rolled my eyes. Ang tanda-tanda na namin ay bini-baby pa kami. Urgh. "Okay, mom," I replied and I'll hang up the phone. Pinasundo pa ako ni mom sa driver niya kaya hindi na ako nahirapan pang maghanap ng masasakyan ko. "Dumaan po tayo sa Light Tower, manong," magalang na wika ko sa driver. "Yes, mom," sagot naman niya. Ilang minuto lang ang nakalipas, we reached the Light Tower, kung saan ang condo unit ng kapatid ko. Ako ang nagbayad ng condo niya kaya subukan niyang huwag umuwi at babawiin ko ito sa kanya. "Hintayin mo na lang po ako, manong." Naglakad ako papasok at dumiretso sa elevator. Naghintay pa ako na bumukas ito. 'Sakto pagbukas no'n ay bumungad sa akin ang isang lalaking nakasuot pa ng ARMY uniform. Guwapo, kasing tangkad ng asawa ko ngunit 'di hamak na mas malaki ang katawan nito at seryoso, walang emosyon ang nakaguhit sa mukha niya. Napatingin ako sa damit niya at may binasa roon. Cordova. Hindi lang siya nag-iisa dahil may kasama siyang babae, estudyante pa at umiiyak ito. Napaigtad ako nang tinapunan ako ng malamig na tingin nito. Nakakatakot ang aura niya, ha. Sumakay na ako sa elevator nang tuluyan na silang makalabas at humihikbi pa ang babae. Mukhang kapatid niya ang estudyanteng iyon dahil malaki ang similarity niya sa batang iyon. Pinindot ko ang 12th floor dahil nasa floor na iyon ang unit ni Jerhen. *** "Jerhen! Bumalik ang babae mo!" rinig kong sambit ng isang boses lalaki mula sa loob ng condo ni Jerhen. Aba, may kasama pa ang tukmol na ito. "Pambihira ka naman! Huwag mo akong tinatakot at baka bumalik nga ang sundalong Cordova na iyon!" reklamo pa ng kapatid ko. Ah, so, kaya pala ganoon ang facial expressions ng sundalong iyon dahil sa kapatid ko? "Wait... Ate Hersey? What are you doing here, ate?!" gulat na tanong niya sa akin kasabay ang pagsalubong niya nang yakap sa akin. Imbis na yakapin ko siya pabalik ay piningot ko ang tainga niya. "What did you do this time, huh Jerhen? Anong ginawa mo sa kapatid ng sundalong iyon, ha?" iritadong tanong ko sa kanya, humigpit lang pagkakayakap niya sa baiwang ko at umiyak na akala mo ay bata na inaaway. "Wala po, ate! Wala naman po akong ginawa! I'm innocent!" umiiyak na sabi nito. Binitawan ko ang tainga niya at binalingan ang kaibigan niya, yata. "H-Hi, kayo po pala ang a-ate ni Jerhen. A-Ako po si Hendrich Santana," nauutal na pakilala nito sa akin bagamat namumula ang magkabilang pisngi at mukha ring kinakabahan. "Stop it, Rich! Ate ko 'yan, ha!" asik ng kapatid ko sa kanya kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Eh? Wal--" "No, no! Alis na! Umuwi ka na!" "Pakilala mo naman ako--" "No! Tapos ka nang nagpakilala and my ate is already married!" "What?!" Hinila naman ako ng kapatid ko at inakbayan pa ako. At dahil mas matangkad siya kaysa sa akin ay madali niya lamang itong gawin. Nagmumukha siyang kuya ko. Napakamot na lamang sa batok ang kaibigan niya saka nagmamadali itong umalis pero nagpaalam pa sa akin. "Uwi na po ako ate ganda!" sigaw nito sa akin at umakto pa si Jerhen na hahabulin ang kaibigan. "And you! You're coming with me, Jerhen starting today ay sa mansion ka na mag-i-stay!" maawtoridad na sabi ko sa kanya at nanlaki ang mga mata niya. "What? Ate naman, eh..." reklamo niya kaagad. "At makakarating ito kay mommy, Jerhen." "Ate?!" "Try me, lil brother. Babawiin ko sa 'yo ang condo na ito at ang dalawang kotse mo saka...ang motorbike mo. Akala mo hindi ko malalaman na bumili ka no'n, ha?" tila nanay na pangangaral ko sa sarili kong anak. "Hindi talaga ako makakaligtas sa 'yo, ate. Sige na nga, sasama na ako sa 'yo!" nakangusong sabi niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD