TFW Chapter 35: Begging & Runaway "ANO PA ang ginagawa mo rito, Hersey? Nalaman mo na ang kalagayan ng anak ko. Kaya wala ka ng dapat ipag-alala pa. Alam kong guilty ka lang sa nangyari sa kanya. Huwag ka nang magpapakita pa sa kanya. Maaalala niya lang ang ginawa mo," malamig na sabi niya at doon umagos ulit ang mga luha ko. Kasi iyong anak ko na ang pinag-uusapan namin. Naaalala ko na naman si Jinsel. Kahit nakayakap sa akin si Aizen ay nagawa kong mag-crawl palapit sa asawa ko. "Hersey..." Niyakap ko ang tuhod niya. Wala akong pakialam kung magmumukha na naman akong tanga sa paningin nilang lahat. Wala na akong ibang gustong gawin kundi ang magmakaawa na makita ko ang anak ko. Handa akong lumuhod sa harapan ng asawa ko at makikiusap na bigyan naman niya ako nang oras upang maki

