Chapter 12
3rd Person Pov
5am palang ng magising si Iris para umpisahan ang training routine niya tuwing umaga, dalawang araw din ang naging lapses niya sa pag train kaya hindi na niya pwedeng lagpasan pa ang araw na ito.
Agad nag ayos si Iris at sinuot ang sport outfit niya black na bralette, sports leggings at running shoes ang sinuot niya para mas komportable siya sa pag galaw.
Humarap siya sa salamin habang ina-ayos ang pagkaka pusod ng buhok niya.
"All set" pag sasalita niya sa sarili habang naka harap sa vanity mirror ng walk in closet niya.
Ka agad siyang lumabas sa kwarto at bumaba sa hagdan ng kaniyang mansion. Saktong pag baba niya ang pag pasok naman ni Alister na agad bumaling sakanya.
"Good morning madam" pag bati sakanya nito.
"Morning Ali, do you have any update for me today about work? kung meron man sabihin mo na agad ngayon, ayoko maistorbo sa training ko, I'll be training for two hours today" dire-diretsong usal niya kay Alister while maintaining her usual poker face, agad naman tumalima si Alister at nag umpisa mag bigay ng iilang updates sa mga businesses ng Rossi's Empire at sa iba pang tungkol sa organization nila.
"And ma'am Don Geovanni called and he said he'll be coming to your new building today, he wants you to go there with Don Zechariah. Gusto niya daw po kayo maka usap na dalawa ng personal" ikina-tigil naman bigla ng dalaga ang pag tingin sa mga papeles na ini-abot sakanya ni Alister ng marinig niya ang sinabi nito tungkol sa kaniyang Tito Geo.
"Did he say what time he wants to meet us?" Iris said while looking directly at Alister.
"Don Geovanni just said to meet him within today madam" ikina kunot naman ito ng noo ni Iris, sigurado siya na inaasar nanaman siya ng Tito niya, dahil alam na alam naman nito na mahigpit siya sa oras pero wala pa din itong sinabing eksatong oras na gusto nito para makipag kita sakanila.
Agad naman siyang napa hawak sa batok niya at napa pikit dahil dito, ayaw na ayaw niya ng nag iisip tungkol sa mga ganitong bagay.
Na pansin naman ni Alister ang naging hitsura ng boss kaya agad itong nag salita, dahil ayaw niya na maaga palang uminit na agad ang ulo nito.
"I'll call Don Geo's right hand man immediately madam, I'll ask him the exact time that Don Geo wants to be able to meet you" agad siyang nag bow sa madam niya na nakatingin lang diretso sakanya at bumuntong hininga naman ito bago sumagot sakaniya.
"Call Tito Geo directly now, hindi ako makakapag train ng maayos ng may iniisip Alister! call him now!" napa igtad naman si Alister sa pag sigaw ng boss niya, alam niyang ayaw nito ng may iniisip kaya agad niyang kinuha ang phone niya na may personal number ng Don at agad na tinawagan ito.
Tumalikod naman si Iris kay Alister at dumiretso sa pool area ng mansion niya sabay kuha ng sigarilyo niya dahil gusto muna niya kumalma at mabawasan ang stress niya.
Narinig naman niya na sumagot na ang Tito Geo niya kay Alister at tahimik niya lang itong pina kikinggan.
"Don Geovanni, Magandang umaga po Don pasensya na po kung naka istorbo po ako sa pag papahinga ninyo utos po ni Madam Rossi na tawagan kayo para itanong kung anong oras niyo po sila gusto makita ni Don Zechariah yung eksatong oras po Don" napa ngiwi naman si Alister habang tuloy tuloy na sinasabi ito sa Don dahil. Alam niya na nagising ito dahil sa pag tawag niya, kaya minabuti niyang sabihin agad ng direkta ang pakay niya.
Nagulat naman siya sa bagyang pag tawa ng Don sa kabilang linya bago ito sumagot sakaniya.
"Is she there Alister? can I talk to your madam?" agad naman bumaling si Alister kay Iris.
"Excuse me madam, Don Geovanni wants to talk to you" sabi niya sa boss habang ini-abot dito ang phone niya, huminga naman ng malalim si Iris at tinanggap din agad ito.
"Tito Geo" Iris said with her normal voice, napa iling naman siya ng marinig ang pag tawa ng Tito niya sa kabilang linya.
Nai-imagine niya na ang pag ngisi nito sakanya kaya't ng hindi pa din sumagot ang Don sakanya ay nag salita siya ulit dito.
"Tito stop playing around, you've already ruined my training schedule this morning can you just be straight to the point and tell me the time?" pag seseryoso niyang usal sa Tito niya, ikina tigil naman ito ng Don at tuluyan ng sumagot sakaniya.
"Alright alright I'm sorry my lovely niece, I just can't help it, okay just meet me at your new building by 1pm later don't forget to bring your fiancee, I want to meet him"
"Okay Tito, next time please don't give me stress and just be direct to the point you know how I hate thinking about time" seryosong sabi ni Iris sa tito niya.
"Okay hija, I got it. I just really want to talk to you matagal na tayo hindi nakakapag usap, laging through email mo lang ako kinakausap at tungkol pa sa mga negosyo" may himig ng tampo na usal ni Don Geo sa pamangkin, napa buntong hininga naman si Iris dahil sa sinabi nito sakanya.
"I'm just busy Tito, I'll see you later I need to train" hindi na hinintay pa ni Iris ang sagot ng Tito niya at agad na ibinigay kay Alister ang phone nito.
"We'll go to Zeke's house at exactly 10:30am Alister" nag bow naman agad si Alister sakanya at dire diretso na siyang tumungo sa underground training range niya sa mansion.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Iris bago dumiretso sa elevator na naka connect patungo sa underground training range niya, alam niya na may tampo sakanya ang Tito niya dahil matagal na din ng huli silang nakapag kita.
Ang huling pag kikita pa nila ng personal ay ng matapos ang pag te-train nito sakanya, simula noon ay nag focus na siya ng tuluyan sa mga negosyo na iniwan sakanya ng mga magulang at lalo na sa buong organisasiyon.
Kahit sa mga importante na events ng pamilya Rossi ay hindi man lang siya nag papakita, bagkus ay puro si Alister lang ang kaniyang pinapadala sa mga iyon bilang representative niya.
Simula ng mapag tanto niya na mag isa nalang siya doon siya nag umpisa lumayo lalo sa mga tao, malaki na lalo responsibilidad niya bilang isang taga pag mana ng mga magulang kaya't wala siyang panahon pa para mag aksaya ng oras.
'Being alone became my power, my power to see all things through situations.'
Napaka halaga para kay Iris ang oras, simula ng tumayo siya bilang bagong head ng kanilang pamilya napag tanto niya kung gaano kalaking responsibilidad ang kailangan niya gampanan lalo pa't babae siya.
Hindi niya gustong balewalain siya ng mga kalalakihan sa angkan nila. Kung kaya't pinatunayan niya sa mga ito na hindi siya nalalayo sa kaniyang ama, bagkus mas titingalain pa siya ng mga ito.
Pagkatapos mahigit dalawang oras na pag pupukol ng oras ni Iris sa kaniyang training, naalala niya na kailangan pala niyang sabihan si Zeke tungkol sa napag usapan nila ng Tito niya.
Alam niyang may napag usapan na silang dalawa na lakad para ngayong araw ngunit mas importante din na mapag bigyan niya ang hiling ng Tito Geo niya.
Pag pasok ni Iris sa kaniyang kwarto agad niyang kinuha ang phone niya upang matawagan si Zeke, ngunit puro ring lang ito at di man lang sinasagot ito ng binata.
Iris let out a soft sigh 'This is the reason why I don't like sudden change of plans, it's so hectic' she mumbled to herself while looking at her phone still trying to reach Zeke.
After the 5th missed call, Iris decided na siya na mismo ang pupunta sa bahay nito dahil wala siyang choice.
Zeke is his fiancee now, ayaw naman niya na si Alister pa ang utusan niya para puntahan ito. Hindi niya gugustuhin na mag iba ang tingin sakanya ng pamilya ni Zeke lalo na ng binata.
Tutal she's the reason why their plan suddenly change, tama lang na siya mismo ang pumunta sa bahay nito.
Pagka tapos niya mag asikaso sa sarili tinignan niya muna ang wrist watch niya '10:20am' she mumbled to herself habang nag lalakad na palabas sa mansion niya.
Agad naman bumungad sakanya si Alister at iba pang tauhan nila na inayos agad ang mga sarili pagka kita palang sakanya.
"Let's go to the Guerrero's Mansion Ali" agad na tumango si Alister at agarang pinag buksan ng pinto ang boss.