Prologue
"She's my ex na napag tripan ko lang noon, she's a nerd may light brown at mahabang buhok, maputi pero may suot na makapal na salamin. At na daan ko sa pangungulit kaya pumayag maging girlfriend ko, but she's a stiff! Hindi nag sasalita pag hindi kinakausap.
She's definitely boring! Lagi lang naka yuko at hindi man lang nakikipag usap ng eye to eye contact. After ko mapakinabangan para sa mga projects and thesis ko noong college I just dumped her then after ko umalis noon wala na akung balita sakanya."
Mahabang paliwanag ni Zeke sa pinsan habang nag tataka siya kung bakit ito biglang na curious sa ex niya na iyon.
"Do you remember her name?" pag tatanong ni Leo na pinsan niya sakanya.
"If I still remember it right it's, Iris Celestine Rossi" Bored at simpleng sagot ni Zeke sa pinsan.
"Oh bat ka natahimik diyan Leo?" pag tatakang tanong ni Zeke ng bigla itong natahimik ng marinig ang pangalan ng nerd na ex niya.
"F*ck!" bahagyang pag mumura ni Leo na para bang hindi mapakali.
"Bakit ba?! Hey!" pag sigaw sakanya ni Zeke at hinampas pa nito ng bahagya ang likod niya, dahan dahan naman humarap si Leo sakanya bago nag salita.
"That's the name I heard our whole family has been talking about! Siya yung ipapakasal sayo idiot!!" diretsahang pahayag ni Leo na ikinagulat ng malala ni Zeke.
"WHAT?!" maka laglag panga na sigaw ni Zeke habang hindi pa matanggap ng sarili niya ang narinig na sinabi ng pinsan.
His family arranges a marriage for him, hindi siya tumanggi o kumontra dito, dahil ito mismo ang kagustuhan ng mga magulang niya lalo na ang daddy niya, that he respected so much.
Kaya ng malaman ang tungkol doon wala na siyang sinabi tungkol dito at hinayaan nalang niya ang mga magulang niya mag plano.
"I've also heard kung gaano makapangyarihan ang pamilya nila sa Italy kaya pala dito siya nag aral noon cause they're keeping her low profiled cause..." Binatukan niya ang pinsan niya dahil sa bigla nitong pag hinto ng pag sasalita.
"Cause what?!" pasigaw na tanong ni Zeke sa pinsan.
"Cause she's the only Heir of the Rossi family ang nag iisang taga pag mana ng buong empire nila sa Italy at sa iba pang bansa. She's also the new Boss of the Cosa Nostra Familia, sa madaling salita she's a mafia queen not a princess to be exact." may pagka mangha sa mukhang pag papaliwanag ni Leo.
"Kaya lagot ka dude, ngayon palang mag bagong buhay ka na! she's no joke base sa mga narinig ko and SHE'S RUTHLESS! Tingin ko nga nag papanggap lang na nerd yun dati kasi kailangan niya para hindi makilala ng iba." may pang uuyam na pahayag ni Leo sa pinsan, umiling iling naman ito bago sinundan pa ang sinasabi.
"Tsk! tsk! Akalain mo nga naman gumalaw ang tadhana, imagine yung ex mo na pinag tripan mo lang noon ipapakasal na sayo tapos Mafia Queen pa? Hahahaha" pang habol na asar niya sa pinsan habang tawa ng tawa. Kasabay naman ng pag tawa ni Leo ang pag bato ni Zeke sa pinsan ng hawak niyang libro na hindi nito agad na ilagan.
"Ouch! Ang sakit non ah! hahaha So cousin what's your plan now huh?" pag rereklamo niya kasunod ng pag uusisa sa iniisip ng pinsan.
"Mukha ba kong may dito choice Leo!? Dad told me na pag di kami ang ikinasal, maaaring si Silvester Romano sa kabilang pamilya ang mag papakasal sakanya tingin mo ba papayag ako?!" Sabay hampas niya sa lamesa ni Zeke sa desk ng office niya na dumagungdong sa paligid neto.
"Oh boy mukhang ngayon palang may karibal ka na sa heiress hahahaha" pang gagatong nito sa pinsan, bigla naman nag seryoso ng ayos si Leo at humarap sa pinsan niya.
"Just a piece of advice dude be nice to her, you may know her as a innocent nerd girl back then pero ilang taon na ang naka lipas for sure she's a beautiful beast now, hindi lang natin alam ngayon and what she really is as a Mafia Queen." pag aadvice nito sa pinsan na ikinanoot naman ng noo ni Zeke.
"What do you mean Leo? Do you know something? care on sharing huh? may hindi ka ba sinasabi sakin?" sunod sunod na tanong ni Zeke.
"Wala naman pero kilala na kita dude! Until now you still love playing games Zeke. Kaya ngayon palang sinasabihan na kita pinsan sa pinsan. Soon enough you'll be given a chance to hold the most precious diamond that everyone's been eyeing and running about, wag mo hayaang mabitawan mo lang basta basta." Sabay tapik niya sa pinsan niya bago iwan ito.
Chapter 1
Iris Pov
Kalalapag lang ng private plane ko dito ngayon sa NAIA international airport. It still feels surreal to be coming back here after the years that had passed. Huminga ako ng malalim habang naka tanaw sa labas, Nang bigla naman nag salita ang isa sa mga tauhan ko.
"We've arrived madam, sabihin niyo lang po kung handa na kayong bumaba." He said to me with his Italian accent, puro Italian ang halos lahat ng tauhan ko pero I've ordered them to study the language here in the Philippines kasi mas doon ako komportable.
When I collected all my courage, I wore my black hoodie and got my sling bag before I decided to go out of the plane. Pag baba ko sinalubong na ako agad ng mga tauhan ko na nag hihintay sa baba ko.
Pag ka kita nila sakin sabay sabay sila yumuko upang mag bigay galang, sa totoo lang ayaw ko ng ganito, hindi ako komportable kahit na simula ipanganak ako ganito na sila. Pero syempre wala akong choice to accept it especially it's their sworn job to respect and protect me.
They all know me as tough and ruthless, hindi ko pinapakita sa kahit kanino ang emotion na meron ako cause it's a sign of weakness in our family, I never let anyone think little of me. I would kill them if that ever happens.
Pag harap ko sa mga sasakyan na nasa harap ko the black GT mustang caught my attention humarap ako agad kay Alister my right hand man and one of the under bosses in my organization.
"Ali I want to use this one give me the keys" agad naman inabot sakin yun ni Alister isa sa mga tapat na nag lilikod sa pamilya namin, anak siya ni Mateo ang kanang kamay ng daddy ko na si Isaiah Cane Rossi isa sa nakaraang naging Don ng Cosa Nostra Familia.
Pasakay na ko ng sasakyan ng tumikhim si Ali upang kuhain ang attention ko lumapit siya sakin ng bahagya para may ibulong na naintindihan ko naman.
"What is it Ali? spill it out, you know very well that I hate waiting." usal ko sakanya dahil gusto ko na umalis at makapag pahinga sa aking bahay, ayaw na ayaw ko ng pinag hihintay ako.
"Madam mamayang gabi na po ang welcome party na inihanda para sainyo, sa bahay ng mga Guerrero na kailangan niyo po daluhan." Napatigil naman ako sa sinabi ni Ali, bumuntong hininga ako bago nag salita.
"Okay prepare everything, mag papahinga lang ako sa mansion at matutulog you don't have to wake me up I'll set my alarm. Just make sure na ang mga mag aayos sakin ay naka ready na ng 4pm sharp Alister."
Natigil naman si Alister ng marinig ang sobrang pagka seryoso ng boses ko na iniiwasan nila marinig sakin. Alam na alam na kasi nila kung gaano ako ka strikto sa oras, kahit matagal ako namalagi dito sa Pilipinas noon ni minsan hindi ko na adopt ng "Filipino time" and I hate it so much, because in our family we really valued time, and for us it is too precious to just waste it.
"I got it madam I'll make sure to prepare everything." Hindi ko na siya binigyang pansin at diretsahang sumakay na ko sa aking sasakyan.
Limang itim na kotse ang naka convoy sakin sa mga oras na to na normal na sakin, mas madami pa nga ito lalo na pag nasa Italy ako.
Hindi naka takas sakin ang tingin ng mga taong madadaanan namin sa kalsada, na para bang may isang importante na tao ang nasa loob ng sasakyan ko. Well it's fully tinted kaya hindi man lang sila maka silip kung sino nasa loob and I guess they're right because...
I am Iris Celestine Rossi, the new head of the Rossi family and the new Boss of the Cosa Nostra Familia Mafia Organization.
Kayang kaya ko na mag desisyon para sa sarili ko sa mga oras na ito, pero kailangan ko sundin ang huling habilin ng mga magulang ko, yun ay ang mag pakasal sa panganay na anak ng mga Guerrero.
Ang isa sa mga namamayagpag na pamilya ngayon dito sa Pilipinas at sila din ang isa sa mga kaalyado naming Mafia dito.
Ang Don ngayon ng mga Guerrero na si Tito Zion ang isa sa pinaka malapit na kaibagan ng akin ama at isa na din sa pumayag na nakipag kasundo para mai-pakasal ako sa kaniyang anak na si Zechariah Ezra Guerrero.
I still have a choice whether to marry him or not, sa madaling salita nasa akin ang huling salita kung papayag ako sa kasunduan o hindi.
But I choose to decide about it later, mamaya ko titimbangin kung ano ang nararapat na maging desisyon ko.
Papasok na ko sa Casa La Verde isa sa pinaka exclusive subdivisions dito sa Manila, kung saan dito din naka tayo ang isa sa mga mansion na pag aari ko. Pag pasok ko sa aking malaking gate, automatic na naka hilera na ang mga tauhan at maids dito at sabay sabay yumuko para salubungin ako.
Hindi na ko nag bigay pansin sakanila at dire-diretso na ko na nag lakad ng may maalala ako sabihin sakanila.
"I'm going to rest at my room no one is allowed to disturbed me am I clear?" Walang emotion kong baling sakanila sabay sabay naman sila nag salita.
"Yes madam" at dumiretso na ko paakyat sa aking kwarto.
My mansion is a modern type, may tatlong palapag ito at tatlong kulay lang ang makikita mo sa paligid. Black, white and wood brown ang specific details ang mga nakapaligid dito.
Malawak ang sakop ng kinatatayuang lupa ng aking mansion, one hectare to be exact and it has complete amenities. May outdoor and indoor pool, theater, may lounge sa labas at iba pa, that screams luxury.
Pag pasok ko sa kwarto binagsak ko na agad ang katawan ko sa kama at dahil sa pagod sa biyahe naka tulog na din ako kinalaunan.