JOSHUA BENITEZ
"Good morning, Gov, nasa opisina niyo po ng Father in law niyo po." salubong sa akin ni Sally.
"Okay Sally, thank you."
Pagpasok ko sa opisina ko ay nakita kong naka upo si Don Fernando sa couch at may mga papel siyang binabasa.
"Good morning, Dad." Bati ko sa aking father in law.
"Good morning, iho. Mabuti naman at dumating ka na. May gusto lang sana akong hilingin sa'yo."
"Tell me, Dad. Basta kaya ko po, wala pong magiging problema," sagot ko naman.
"May gusto sana akong bilihin na property sa may bandang Calamba para tayuan ng casino. Can you help me buy the residential property in that area?" sabi sa akin ni Daddy.
Hindi agad ako nakasagot sa kanya. Maraming nakatira sa lugar na 'yun at hindi ako sigurado kung ibebenta nila ang mga lupa nila.
"Dad, mahirap po yata ang gusto ninyo. Residential area po ang gusto ninyong bilihin. Maraming tao ang mawawalan ng tirahan at tiyak ang iba diyan hindi papayag na ibenta ang lupa na matagal na nilang tinitirahan." Paliwanag ko sa aking byenan.
"Hindi mo ba pwedeng gawan ng paraan? Ikaw ang governor ng bayang ito, lahat ng gusto mo ay pwede mong gawin." sabi niya na mataas ang tono ng kanyang boses.
"Dad, hindi po kasi ganun kadali ang gusto ninyo, malaki ang magiging epekto nito sa mga nasasakupan ko. Pwede ko po kayong ihanap ng lugar na pwede ninyong bilihin at tayuan ng casino na walang mga residenteng maapektuhan." Giit ko sa aking byenan.
"You're bullshit, Josh. Marami na akong business partner na nakapirma. Sinigurado ko na rin sa kanila na makukuha namin ang property na gusto namin tayuan ng Casino. Ano na lang sasabihin ng mga business partner ko kung malaman nilang hindi pumayag ang son in law ko sa gusto kong mangyarui." Halos dumagundong ang boses ni Don Fernando Montes sa bawat sulok ng aking opisina sa sobrang galit niya sa akin.
"Kakausapin ko po sila, pero kung hindi sila papayag wala po akong magagawa. Doon lang po ako sa tama at kung gusto ninyo hahanapan ko po kayo ng ibang property na pwede ninyong pagtayuan ng Casino. Ayun lang po ang best na magagawa ko para sa inyo."
Nasa tao ang loyalty ko at wala sa sino man at sa tingin ko hindi rin tama na doon magtayo ng Casino dahil maraming taga calamba ang maapektuhan sa pasugalan na itatayo nila. Mas uunahin ko ang kapakanan ng nasasakupan ko kesa ang pagpapayaman ng iilan.
Galit na lumabas ng opisina ko si Don Fernando, hindi ko na lang pinansin ang galit niya. Alam ko na magsusumbong siya kay Daddy at hinahanda ko na ang sarili ko para sa galit ng aking Ama.
"Pagkaalis ng aking father in law ay naging abala na ako sa sunod-sunod na meeting. Hapon na ng matapos akong makipag meeting sa mga farmers. Humihingi sila ng tulong para sa irigasyon ng kanilang sakahan. Nangako naman ako na agad kong tutugunan ang kanilang hinaing ang mapapadala ako ng mga engineers para tignan kung ano ang pwede namin maitulong para sa kanilang irigasyon.
Pagbalik ko sa aking opisina ay alas dos na pala ng hapon. Nakaupo si Dan.
"Gov, hindi pa ba tayo mag la-lunch? Hapon na po, kailangan mo ding kumain hindi lang puro trabaho." Sabi sa akin ni Dan.
"Gutom na rin ako, sa labas na lang tayo kakain. Pagkatapos ay dumiretso tayo ng calamba at titignan ko ang lupa na gustong bilihin ni Don Fernando." Sagot ko Kay Dan.
Lumabas na kami ng aking opisina.
"Sally baka hindi na ako makabalik, kapag may naghanap sa akin sabihin mo bumalik na lang bukas." Bilin ko sa aking sekretarya.
Tuluyan na kaming lumabas ng kapitolyo at dumiretso ng aking sasakyan. Habang nag hahanap kami ng malapit na kainan ay narinig kong tumawag ang girlfriend niya.
"Okay, sige, daan ako dyan, may pera pa naman ako dito." Narinig kong sabi ni Dan sa girlfriend niya. "Gov, pwede ba tayong dumaan sa girlfriend ko. Ibibigay ko lang yung perang kailangan niya, may babayaran daw siya at kulang ang pera niyang dala." Paalam sa akin ni Dan.
"Walang problema, kung may malapit na kainan doon, doon na lang din tayo mag lunch. Invite mo na rin ang girlfriend mo baka hindi pa nakain." Sabi ko kay Dan.
Dumiretso kami ng University na pinapasukan nila Yham, malayo pa ay tanaw na namin sila. Sila kasi kasama niya ang dalawa niyang kaibigan na sila Aira at Liezel.
"Gov, ang ganda na naman ng ngiti mo, mukang siniswerte ka na naman?" Pambubuska na naman sa akin ni Dan.
"Tumigil ka Dan, baka mahiya pa siya niyan dahil sa pang aasar mo." Saway ko sa kaibigan ko.
Huminto ang sasakyan namin sa tapat nila at nakita kong yumuko si Liezel ng makita niya ako. Nginitian ko naman ang mga kaibigan niya saka nila ako binati.
"Magandang hapon po, Gov." Bati sa akin ni Aira.
"Kamusta Liezel?" nakayuko lang siya at parang hindi niya ako narinig.
"Hoy! Liezel, kamusta ka raw sabi ni Gov Pogi." sabi ni Yham, sabay siko kay Liezel.
"Kumain na ba kayo, sabay na kayo sa amin ni Dan. Kung wala na kayong pasok kami na ang maghahatiad sa inyo pauwi." Muli kong sabi, ang mga mata ko ay nakatingin kay Liezel.
"Tapos na po, Gov. Maraming salamat po sa pag alok." Nahihiya niyang sagot sa akin.
"Liezel, hindi pa kaya tayo kumakain, di ba nga wala na tayong pera." Prangkang sabi ni Aira.
Muntik akong matawa dahil sa sinabi ni Aira, pinigilan ko lang dahil baka magalit si Liezel.
"Aira, ang daldal mo, wala din mailihim sayo eh. Nakakainis ka talaga, bakit ba kita naging kaibigan." Nakakunot na sabi ni Liezel kay Aira.
"Gov, nahihiya lang po yan si Liezel, kami na pong bahala sa kanya. Sasama po yan sa atin, mahilig po talaga kami sa libre. Lalo kung pogi ang manlilibre." Humahagikgik pa na sabi ni Yham.
Nakita kong siniko siya ni Liezel.
"Excuse me po, Gov, kausapin ko lang po itong dalawa kong kaibigan." Paalam ni Liezel, saka niya hinila ang dalawa niyang kaibigan palayo sa amin.
Mula dito sa sasakyan ko ay nakatingin lang ako sa kanila, mabuti na lang at konti lang ang mga tao at hindi naka shades at cap ako kaya hindi nila ako nakikilala.
Mukang nakikipag talo pa siya sa dalawa niyang kaibigan.
"Mukang ayaw sumama ni Liezel, Gov. Paano ba yan mukang mahihirapan ka sa isang yan?" sabi sa akin ni Dan.
"Kilala mo ako Dan, kung anong gusto ko nakukuha ko. Kung hindi ko siya madadaan sa pagiging mabait ko dadaanin ko siya sa paraang hindi na siya makaka tangi pa." Makahulugang sabi ko kay Dan.