CHAPTER 7

1668 Words
LIEZEL DELA CRUZ "Halika na ihahatid na kita," nagulat na lang ako ng bigla akong alukin ni Gov na sumakay sa kotse niya. "Naku Gov, hindi na po, nakakahiya naman po. Mag aabang na lang po ako dito ng Jeep." Nahihiya kong sagot. "I insist, Liezel right, sumakay ka na at ihahatid na kita. Gabi na baka kung ano pa ang mangyari sayo sa pag-uwi mo." hindi ko alam kung sasakay ba ako o tatakbo. Hindi ako komportable na sumabay sa kanya lalo na at may asawa na siya. "Gov, pasensya na po, may pupuntahan pa po kasi ako. Salamat po sa pag aalok sa akin pero may lakad pa po ako." pagtangi ko sa kanya. Saktong may dumaan na jeep kaya agad na akong sumakay. Hindi ko gusto na lagi siyang nakatingin sa akin kapag nakikita niya ako at lalong hindi ko gusto ang idea na makikita ako ng tao na sumasabay sa kanya. Pagbaba ko ng jeep ay naglakad na ako papasok sa bahay namin, medyo malayo ang bahay namin sa kalsada kaya kailangan pa itong lakarin. "Anak, nandyan ka na pala, kamusta ang birthday ng kaibigan mo?" tanong sa akin ni Mama pag pasok ko sa pinto. "Ayos naman po ma, marami din pong handa. Dumating na po ba si Papa?" Tanong ko kay Mama, hindi ko pa kasi nakikita ang sasakyan ni Papa na nakagarahe. "Mamaya-maya pa raw uuwi, Anak, konti pa lang daw ang kita niya. Masyadong matumal ang pasada ngayon kaya madalas na nag eextend ang papa mo sa pamamasada." Ani pa ni Mama. "Hayaan mo po Ma, kapag po nakatapos na ako ay ako na ang mapapaaral sa mga kapatid ko para hindi na po kayo mahirapan ni Papa. Tutulungan ko po kayo at pasasaan ba't makakaluwag-luwag din tayo." Sabi ko kay mama. "Siya nga pala, anak, nakuha ko na ang loan ko. Sandali at kukuhain ko ang pera para makabayad kana sa school. Malapit ka ng matapos sa 2nd year, konting tiis na lang at makakapagtapos ka na rin." nakangiting sabi ni Mama, tumayo na siya at pumasok na sa kwarto nila ni papa. Pagbalik niya ay inabot niya sa akin ang pera mga 20 thousand yun na pambayad ko sa tuition fee ko. "Salamat po Nay, hayaan niyo po kapag kinuha pa po akong mag serve sa mga event papasok po ako para makatulong po ako pagbabayd ng tuition fee ko." Nahihiya kong sabi kay nanay. "Anak, obligasyon namin ng Papa nyo na pag aralin kayo. Ang maisusukli niyo lang sa amin ay mag-aral kayong mabuti. Para kapag nakatapos na kayo ay magigig magaan na din ang buhay ninyo. Huwag mo kaming alalahanin, basta asikasuhin mo ang pag aaral mo. Sige na pumasok ka na sa kwarto mo at magpahinga ka na." utos sa akin ni Mama. Nagpaalam na ako kay Mama at pumasok na sa silid ko. Hindi naman masasabing mahirap na mahirap kami, kahit papaano ay maayos naman ang bahay namin at nakakakain naman kami tatlong beses isang araw. Kinakapos lang talaga kami madalas sa pang tuition ko dahil mahal mag aral ng nursing. Noong una ay gusto ko ng mag ship ng course educ na lang din sana ang kukunin ko. Ayaw ni mama, mahirap daw mag turo lalo na at makukulit na ang mga estudyante ngayon. Isa pa hindi daw ako yayaman sa pagiging guro. Inihiga ko ang katawan kong pagod sa malambot kong kama, sa dami ng tinapos ko sa school ang dami ko ring pagod. Habang nakahiga ako ay biglang pumasok sa isip ko ang gwapong mukha ni Gov. Ang swerte ng asawa niya, sabagay mayaman din naman yung asawa ni Gov. Hindi maalis sa isip ko ang paraan ng pag titig niya sa akin, mula ng makita ko siya sa event hanggang kanina. Kanina ko lang siya nakita ng malapitan mas gwapo pala talaga siya sa personal. Sa kakaisip ko kay Gov ay hindi ko namalayan na tuluyan na akong nakatulog. Malakas na tilaok ng manok ni Tatay ang gumising sa akin, umaga na pala ang ganda pa naman ng panaginip ko kagabi. Magkasama daw kami ni Gov at sumasayaw daw kami pagkatapos ay hinalikan niya ako. Bigla akong kinilig sa panaginip ko. Badtrip kasi yung manok ang ingay nagising tuloy ako. Kahit anong pikit ko ay hindi na bumalik ang panaginip ko, inis akong tumayo sa aking kama at kinuha at tuwalya ko. Lumabas ako ng kwarto at naglakaad papunta sa bayo namin. "Anak anong oras ka ba papasok? Sumabay ka na sa akin para ihahatid na kita." Masiglang sabi sa akin ni Papa. "Pa, 10 pa po ang pasok ko ngayon. Anong oras po ba kayo lalabas?" tanong ko rin. "Naku tanghali na pala ang pasok mo, gusto ko pa naman sanang ihatid ang panganay kong anak. Matagal-tagal na rin kasing hindi kita naihahatid." Wika ni Papa, bakas sa boses niya ang panghihinayang. Gusto ko rin naman sana siyang pagbigyan kaya lang ano naman ang gagawin ko sa school. Pumasok na ako sa banyo at naligo, gusto kong maagang maligo para may oras pa akong maglinins ng kwaryo ko bago pumasok. Hindi rin naman ako nagtagal sa loob ng banyo. Paglabas ko ay paalis na si Mama at Papa. "Anak, isara mo na lang maigi itong bahay pag alis mo mamaya, mauna na kami ng Papa mo mala-late na ako." Paalam sa akin ni Mama. "Ingat po kayo, Ma. Pa huwag masyado magpagod ha, yung gamot mo inumin mo. Magagalit ako sayo kapag hindi ka uminom ng gamot sa tamang oras." Biin ko kay papa. "Opo nurse," pabirong sabi ni Papa saka sila tumawa ni Mama. Pagkaalis ng magulang ko ay pumasok na ako sa aking silid, nagbihis muna ako ng pambahay at saka nag simulang maglinis. Alas otso pa lang kaya mahaba haba pa ang oras ko. Bago mag alas nueve ay natapos na akong mag linis ng makarinig ako ng tao sa labas na parang may tumatawag. "Tao po... tao po... delivery po!" tawag ng isang lalaki. Hininaan ko ang radyo ko at saka ako lumabas ng kwarto ko para puntahan ang lalaking tumatawag. "Bakit po? Sino pong kailangan ninyo?" Nagtataka kong tanong. "Ma'am, dito po ba nakatira si Miss Liezel?" Tanong niya, napakunot ang noo ko. Nagtataka ako kung bakit niya ako hinahanap. "Kuya, ano po bang apelyido? Liezel din po kasi pangalan ko, pero may ibang Elziel pa pong nakatira dito sa lugar namin." sagot ko. "Ma'am, wala po kasing nakalagay na apelyido, ang sabi lang po si Miss Liezel isang second year nursing student daw po." Muli niyang sagot. "Sigurado ka po ba kuya na sa akin po Yan? Wala po kasi akong kilala na magpapadala po sa akin. Ano po ba ang pinadeliver?" curious kong tanong. "Saglit lang po Ma'am, kukunin ko lang po sa sasakyan." Sagot niya sa akin, tumalikod na sya at naglakad pabalik sa sasakyan niya. Nakatayo lang ako dito sa terrace namin habang hinihintay ko siyang bumalik. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang dala niya, isang malaking bouquet of roses. Hindi ako makapaniwala, baka naman nagkamali lang sila. "Kuya, sigurado po ba talaga kayong sa akin po yan? Kasi wala naman akong kilala na magpapadala sa akin ng ganyang kamahal na bulaklak." Hindi talaga ako kumbinsido na para sa akin ang dala niyang bulaklak. "Ma'am, Ano po bang pangalan ninyo?" "Liezel po," sagot ko. "Second year nursing student po ba?" muli niyang tanong. "Opo," sagot ko rin. "Kung ganun, sa inyo po ito. Huwag ka na pong mag duda, tanggapin muna po at ngalay na ako." reklamo niyang sabi sa akin. Nahihiya man ako ay kinuha ko na rin ang bulaklak sa kanya at ipinasok sa loob ng bahay. May mga mimosa na rin kaming mga kapit bahay na nakatanaw na dito sa amin. "Ma'am, wait there's more," malakas na sabi ng delivery man nang isasara ko na sana ang pinto. Muli kong binuksan ang pinto at lumabas. "Ano pa, kuya? Ang dami naman yan, mukang nakakaduda na po." sabi ko. "Saglit lang po ulit ma'am, kukunin ko lang po ulit sa sasakyan. Isa lang po kasi ako kaya medyo hirap." Sagot niya sa akin. Muli niya akong tinalikuran at iniwan saka siya naglakad papunt sa sasakyan niya ilang minuto lang ay nakita ko na siya ulit na pabalik sa akin. Napatakip ako ng bibig ko gamit ang kamay ko ng makita ko ang isang paper bag at tatlong tray na kulay puti. "Ma'am, ito pa po pinabibigay ko sa inyo." sabi ng lalaki. Inabot ko una ang tatlong tray na kulay puti at inilapag sa table. "Kuya, sigurado ka ba talaga na sa akin lahat ng ito? Sino po ba ang nagpadala para alam ko naman." nagtataka kong tanong. "Ma'am, hindi ko na po trabaho na alamin kung sino ang nagpadala, rider lang po ako. Ang trabaho ko po ay ideliver lang yan sa address na ibinigay nila sa akin at dito po yun sa bahay mo." masungit niyang sagot. "Ang sungit mo naman kuya," sabi ko sa kanya, iniabot niya sa akin ang paper bag at nang silipin ko ay ang daming laman na chocolate. Nang makaalis si kuya ay ipinasok ko na sa loob ng bahay lahat ng ibinigay sa akin. Inilapag ko sa lamesa ang tatlong tray saka ko ko ito isa-isang binuksan. Halos abot hanggang tenga anagaa ngiti ko ng makita kong ulam ito, Caldereta, Kare-kare at boneless bangus na paborito ko. Halos kumislap-kislap ang mga mata ko dahil sa masasarap na ulam na nasa harapan ko. Ipinasok ko muna silang lahat sa ref, saka ko nilapitan ang bulaklak na ibinigay sa akin. Nakakita ako ng card kaya kinuha ko at binasa ko ito. "I hope these flowers bring you joy and happiness today. May your day be filled with love. One day, I know you will become mine, and I can't wait for that day to come. Love lots." Basa ko sa card na nakalagay, bigla akong kinabahan. May stalker ba ako? O may isang tao na baliw at pinag ti-trip-an ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD