CHAPTER 4

1162 Words
JOSHUA BENITEZ Nagdiriwang ang lahat dahil sa aking pagkapanalo bilang bagong gobernador ng Laguna. "Congratulations, Son, ikaw na ang bagong gobernador magagawa mo na lahat ang gusto mo" sabi ni Daddy. "Congratulations too, Dad, you are now a congressman. Sigurado ako na mas madami ka pang magagawa para sa distrito natin." bati ko naman sa aking ama. "Nasan nga pala iho ang asawa mo? Kanina ko pa hinahanap si Carla, napapansin ko parang hindi siya madalas sumasama sa iyo kahit pa noong kampanya." Sabi sa akin ni Mommy. "I don't know, mom, baka may lakad po siyang mahalaga." Sagot ko. "Ngayong Governor ka na, hindi pwedeng hindi siya nakikita sa mga ganitong pagtitipon. Mahalaga ang magiging papel niya sa pagiging gobernador mo. Tignan mo ang mommy mo, suportado niya ako sa lahat ng ginagawa ko." sabi sa akin ni Daddy. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na ang kasal namin ay isang pagpapanggap lamang. Hindi ko alam kung bakit napasok ako sa ganitong sitwasyon, akala ko kapag pumayag ako ay mabilis din akong makakawala sa kasal namin. Ang hindi ko alam habang tumatagal ay lalo akong nababaon dahil marami na akong iniisip. Kapag naghiwalay kami ni Carla ay malaking eskandalo ito para sa pamilya namin dalawa. Matapos akong maiproklamang nanalo ay nagsimula na akong magtrabaho. Ginugugol ko ang aking oras sa paglilingkod sa aking bayan para pansamantalang makalimutan ang personal kong problema. "Gov, mayroon pong gaganapin na outreach program ang mga asawa ng mga governor, may invitation po para sa asawa po ninyo Gov." sabi sa akin ng aking secretary. "Okay, tell them na icoconfirm mo na lang, hindi pa ako sigurado kung may ibang schedule ang asawa ko." "Noted po, Gov." sabi sa akin ni Sally ang aking secretary. "May iba pa ba akong meeting ngayon or appointment?" "Wala po Gov, pero bukas po may meeting po kayo sa mga LGU." sabi sa akin ni Sally. Pumasok na ako sa opisina ko para magtrabaho. May mga kailangan akong pirmahan na mga paper works. Ginugol ko ang buong oras ko sa pagpirma at pagbabasa ng mga trabahong nabinbin dahil sa sunod-sunod na meeting ko sa labas. Mag aalas singko na ng hapon, masakit na ang batok ko. Sinandal ko muna ang likod ko sa backrest ng upuan saka ko pinaling paling ang leeg kong nangangalay na. Nakarinig ako ng mahihinang katok sa pinto. "Come in!" malakas ang boses na sabi ko. "Gov, hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ng body guard ko sa akin. "Ligpitin ko lang itong kalat sa table ko at aalis na rin tayo." Sagot ko kay Dan. "Gov, didiretso na po ba tayo ng uwi o dadaan pa po tayo ng bar?" tanong muli ni Dan. "Uwi na lang muna tayo, kailangan kong makausap si Carla para sa invitation ng GSF (Governor Spouses Foundation)." ani ko. Pagkatapos kong magligpit ng gamit ay agad na kaming lumabas ni Dan ng aking opisina. "Sally, pagkatapos mo d'yan umuwi ka na rin." Bilin ko sa aking secretary ng madaanan ko siya sa labas ng aking opisina. "Opo Gov, tatapusin ko lang din po itong ginagawa ko." Sagot niya. Bumaba na kami at dumiretso na ako sa aking sasakyan, mula ng naging governor ako ay kinuha ko na si Dan para maging bodyguard ko. Kababata ko siya dito sa laguna at naging kaklase ko din noong elementary ako at highschool. Siya ang kasangga ko noong nag-aaral pa kami. Nagkahiwalay kami noong mag aral ako ng business administration sa Manila at lumipad ng U.S pr mag aral ng economics. "Kamusta naman ang girlfriend mo? Balita ko malapit na kayong ikasal?" Tanong ko kay Dan. "Naku Gov, matagal pa, 2nd year college pa lang siya sa nursing. Tapos ang gusto pa magtatrabaho muna bago kami magpakasal. Gusto ko na nga sana siyang pakasalan kaso ayaw pa talaga. Bata pa raw siya at gusto pang makatulong sa pamilya niya. Hindi ko naman masisi, kaso tumatanda na tayo 31 na ako baka pag kinasal kami hindi na ako makabayo." Biro niya sa akin. "Wag ka na umasa, ako nga may asawa pero hindi nakakabayo," sagot ko rin sa kanya. "Gov, bakit hindi mo pa amin sa magulang ninyo ang totoo? Hindi ka ba nahihirapan sa sitwasyon mo, may asawa ka nga pero may asawa namang iba. Mag asawa lang kayo sa mata ng mga tao, pero sa totoo lang sa papel lang kayo matatawag na mag asawa dahil sa iba siya tumatabi sa kama. Gov, hindi sa pangingialam, paano pag ikaw naman ang nakakita ng babaeng gusto mo at hindi pumayag si Carla? Siya ang asawa mo sa batas at sa mata ng tao, kapag nagmahal ka ng iba ay magiging mahirap na ito para sa babaeng mamahalin mo." Muli pang sabi ni Dan sa akin. "Hindi ko pa naiisip yan, ang focus ko lang ay ang pagiging Governor ko at ang negosyo ko. Alam mong bukod sa pagiging public servant ay may mga negosyo rin akong pinapatakbo. Hindi madaling hatiin ang katawan ko sa trabaho kaya ayaw ko munang dagdagan ng panibagong sakit ng ulo. Masakit na ang ulo ko sa mga rant ni Carla. Kaya wala na akong panahon pang magmahal o maghanap ng iba." sagot ko kay Dan. Nagkibit balikat lang siya at itinuon na ang atensyon niya sa pag da-drive. Nakauwi kami sa bahay at agad akong bumaba ng aking sasakyan dala ang mga gamit ko, si Dan ay nakatira sa extention house na pinatayo ko para sa kanya. Ayaw niya kasing dito sa loob ng bahay natutulog, hindi daw siya makagalaw lalo at may asawa raw ako. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay agad akong sinalubong ni Carla. "Josh, we need to talk. Dave and I have decided to live in one house. Gusto kong sabihin na natin ang totoo sa mga parents natin. Kinukulit na ako ni Dave; kailangan na natin aminin sa lahat ang sitwasyon natin," sabi ni Carla. "Pwede naman nating aminin sa kanila; tutal, nakakahalata na si Mommy na lagi ka nang wala sa mga gatherings na dapat magkasama tayo. Handa ka na ba sa maaaring gawin nila kay Dave? Sa akin, wala naman mawawala, pero sa iyo, malaki. Kilala mo ang pamilya mong halang ang kaluluwa ng daddy at kuya mo. Are you willing to risk your boyfriend's life to satisfy your lust for each other?" sabi ko sa kanya, Mukang hindi niya alam kung anong mangyayari sa boyfriend niya once nalaman ng magulang niyang niloko niya lang ako. "Kung hindi pa tayo aaminin, paano kami ni Dave. I want to be with him, pero hindi ko magawa dahil kasal ako sayo." Galit niya ng sabi. "Enough Carla bukas na natin yan pag usap, inaantok na ako at gusto ko ng magpahinga. "Bakit ba ang hirap mong kausap, mag asawa lang naman tayo sa papel ah!" giit niya. "Talaga bang hindi mo ako naiintindihan. Sige bukas uuwi tayo sa inyo para sabihin ang plano mo." Naiinis ko na ring sabi sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD