Tanya Davin Isang buwan na ang nakaraan nang iwan kami ni Gio. Iyak ng iyak 'yung tatlo nang malaman nila wala na ang Tito Daddy nila. Nag-aalala na nga ako dahil simula no'ng araw na 'yun naging matamlay sila. Hindi na rin sila gaanong nagpa-participate sa klase at kahit sa mga pinsan hindi sila nakikipaglaro. Malaki talaga ang naging epekto ng pagkawala ni Angelo sa mga buhay nila. "How's your school?" Bungad ko sa kanila nang lumabas silang tatlo sa classroom nila. "Okay lang." Walang ganang ani ni Ice. "Ixe?" "Nothing's new." Same as Ice. "How about you, Ize?" "Teacher Lyn, wants to talk to you." Bakit ako pinapatawag ng teacher nila? May ginawa ba silang tatlo? "Okay. Punta muna kayo ro'n sa playground. Pupuntahan ko kayo ro'n pagkatapos kong kausapin ang teacher niyo."

