Angelo Cervantes Kasalukuyan kong ipinaparada ang kotse ko sa labas ng bahay ng mga Davin nang makita ko si Tito Rodrigo na papalabas. Napalunok ako nang mariin siyang nakatitig sa'kin. Hindi pa nga pala kami nakapag-usap matapos malaman naming pareho na ako ang ama ng mga apo niya. "Mamaya na tayo mag-usap kanina ka pa hinihintay ng mga apo ko." aniya bago tuluyang umalis dala ang aso nila. It's been a week nang malaman ko na may mga anak na ako kay Tanya. Walang ibang nasa isip ko nang panahon na 'yun kundi ang kagustuhang makita at makilala sila kahit na nabalutan ng takot ang puso ko na baka hindi nila ako kilalaning ama. "Ice, Ixe, Ize, si Angelo. Ang Daddy niyo." Parang tinatarakan ng matulis na punyal ang puso ko nang makitang walang emosyong nakakatitig sa'kin ang mga anak

