ELLAINE POV "Dahan-dahan, Ate" dahan-dahan akong lumabas ng bintana.Nasa ikalawang palapag kami at nakatakot ang putukan na naririnig ko sa harapan. May semento na pwede naming tapakan pero hindi iyon sapat para boung paa ang maitapak namin. Nagpagilid ako para makatapak siya at makalabas. Marahas na bumukas ang pinto. Nagkatinginan kaming dalawa ni Drake. "Boss!" Nagsimula akong maglakad papunta sa gilid kung nasaan ang dayami na sinasabi ni Ice. Mga yapak ang naririnig ko sa loob ng palapag. "Tangina! Hanapin sila!" Mas bumilis ang galaw ko at mabilis na tumalon sa dayami. Sumunod si Drake at nahulog sa tabi ko. "Ate, kailangan na nating mag-madali" hinila niya ako patayo at inalalayan. Masakit ang bou kong katawan dahil sa pagkahulog kanina sa sasakyan. Kung alam ko lang

