JUSTINE'S POV "Emperor!" hinila ni Shaine ang braso ko. Masama ang tingin na ibinigay ko sa kaniya. Anong karapatan niyang pigilan ako? "Don't" marahs kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "You want me to sit and watch how they will kill her?" "No. It's not like that pero hindi pwedeng magpadalos-dalos tayo" "She's right, Emp. Hindi pwedeng sumugod tayo doon baka mas lalong mapanganib ang Empress" Alam kong tama sila. I've never been this irrational. Kahit kailan ay hindi ako sumugod na walang plano pero ng marinig na na-kidnap siya at malamang sugatan at nahihirapan siya I saw blood. Gusto ko lang patayin ang mga taong nasa likod ng lahat ng ito. I will never show mercy. "We have to think and plan. Kailangan hintayin rin natin ang iba pang tauhan. Hindi pwedeng

