Gabi na ako nakauwi at sobrang pagod ako dahil sa tambak na trabaho. Maaga akong natulog dahil dinalaw narin agad ako ng antok. Ilang oras palang ako nakakatulog ay nagising ako agad. Napaupo ako sa kama at napahawak sa dibdib ko na grabe ang kabog. Sumabay ang pag ring ng phone ko na agad ko namang sinagot.
"Hello? Who's this?"
Hindi kasi nakasave ang number na tumawag.
Ito kaya ang kabit ni Duce? Bakit tumatawag ba ito dahil nalaman nito na muli silang nag tagpo ni Duce?
"Good morning Mrs. Marques. Ito po ang Gonzaga's Private Hospital kung saan nagtatrabaho si Dr. Duce Marques."
Kinabahan ako bigla.
"Yes? Ako nga po, is there any problem?" Tanong ko.
Paano nila nalaman ang number ko?
"Makipuntahan po si Dr. Marques dahil hindi maganda ang kalagayan n'ya ngayon, salamat po."
"Sandali lang, why me? I mean other relatives? Sa contact n'ya wala ba?" Takang tanong ko.
Anak ng teteng naman oh! Bakit ako pa? Daming pwedeng tawagan ako pa talaga?
"Wala s'yang ibang binabanggit bukod sa pangalang Ami so, we check it from his phone at ito nga po ang lumabas. Hinihintay kana n'ya ma'am.”
Binaba na nito ang tawag kaya mas na stress ako. Ano bang nangyari sa gagong iyon? Bakit pa ako nadawit? Lintik naman kung kailan tahimik na buhay ko eh!
Bakit kapa bumalik Duce Marques?
Agad akong tumungo sa hospital na sinabi ng nurse na tumawag sa akin.
Nagmamadali akong pumasok. Dumiretaso ako sa room na sinabi ng nurse nito at nadatnan ko si Duce na nakabenda at walang malay. Anong nangyari sakaniya? Bakit ganito?
Ito ba ang dahilan bakit ako kabado kanina?
So, bakit naman pala ako kakabahan? Wala na kami ni Duce.
"Are you Dr. Marques wife?" Tanong ng Doctor na kakapasok lang.
"Yes, sa papel pero hindi kami mag kasama sa bahay, seperated na kami," paliwanag ko. Napatango ang Doctor bago may binasa sa hawak niyang papel.
"Si Dr. Marques ay walang malala dahil sa pagkakabagok ng ulo n'ya kaya may mga ilang memorya o tao sakaniya ang hindi niya makikilala o maaalala. Iba rin ang mood n'ya kaya sana intindihin nalang muna natin."
Napatanga ako sa sinabi ng Doctor.
Bakit ako pa kasi? Wala na akong pake sa lalaking 'to dahil matagal na kaming tapos. May magulang naman s'ya bakit ako ang mas ginustong tawagan? Bwiset naman eh!
"Ano po bang nangyari?" Tanong ko.
Curious na tanong ko.
"Nadisgrasya si Dr. Marques at nag i-imbestiga pa kung may sumadya ba o talagang nagka problema lang ang kotse na sinasakyan niya."
Napatango na lamang ako sa sinabi ng Doctor.
Sabi n'ya nagising naman na raw si Duce at ako nga ang hinahanap. Ako naaalala n'ya? Sino naman mga nakalimutan n'ya?
"Who are you woman?" Malamig at baritono ang boses nito.
Si Duce gising na s'ya, pero akala ko ba hindi n'ya ako limot? Bakit ngayon parang 'di nya ako matandaan?
"Ako si Chuckie BWAHAHAHA!" Pananakot ko bago s'ya inambahan na sasaksakin.
"What the f**k?! Stay away from me crazy girl, don't you dare touch me!"
Inirapan ko ito.
"For your information Mr. Marques ako lang naman ang tinawagan nila dahil isinisigaw mo raw ang aking pangalan," inis na sabi ko.
"Are you Ami?" Tanong n'ya.
"Obvious ba? It's a prank, si Chuckie talaga—" Natigilan ako ng titigan n'ya ako ng masama.
"We're not playing here woman." Walang emosyong sabi n'ya.
Ito 'yung Duce na kilala ko 3 years ago. Ganitong-ganito s'ya sa akin dati, walang sigla at saya sa tuwing ako ang bubungad sakaniya.
"Pumunta ako rito para i-clear na wala na tayo, and yes we're done. Hindi na kita sagutin dahil tapos na ta—" Natigilan na naman ako.
"I don't know who's Ami, but f**k! I missed her so much." Lumambot ang expression nito saglit.
Napatitig ako sa mata n'ya at pinagmasdan s'ya, para siyang bata na nawalan ng kalaro sa itsura n'ya. May kirot sa puso ko habang nakikita s'ya. Ngunit mas matimbang ang galit at sakit sa ginawa n'ya sa'kin.
"Do you really think na maaawa ako sayo? Hindi porket ganito kalagayan mo magiging maayos na tayo, not gonna happen cause I won't allow you to break my heart again."
Napahawak s'ya sa ulo nya at sumigaw na parang sakit na sakit s'ya kaya na alarma ako at agad na lumabas.
"Nurse! Doc!" Sigaw ko bago bumalik ulit sa kwarto at natatakot na napaupo sa gilid. Habang si Duce ay pinapakalma nila at may itinurok na pain reliever.
"Mrs. Mar—" I cut him.
"Arian is my name," madiing sabi ko.
"Ms. Arian please don't force Dr. Marques to remember and recover faster, baka hindi kayanin ng utak n'ya at may maging epekto."
Natakot ako sa sinabi nito kaya napatango nalang ako. Sinilip ko si Duce na nakahiga na at kalmado. "Are you ok?" Maingat na tanong ko habang may hinahanap sa bag ko.
I need to text my bestfriend na ipaalam ako sa boss namin, baka hindi ako makapasok dahil sa puyat.
"I'm fine Ami," sagot n'ya. "Ano ba 'yung sinasabi mo kanina? I'm really sorry I don't remember anything right now."
Bwiset ka gusto kitang balian ng buto ngayon! Kahit sa physical man lang maiparamdam ko sayo 'yung sakit!
"It's not important right now, you need to rest. Malay mo bukas patay—este na aalala mo na."
"Tama ka," sagot n'ya.
Sa tinagal-tagal ng panahon ngayon lang ako naging tama sa paningin n'ya. Dapat ba akong maging masaya o dapat akong matakot? Matakot na baka mahulog na naman ako at sa huli ay maiwan na naman.
Baka pwedeng this time ako naman ang mang iwan? Kahit ngayon lang pwede akong maging selfish pero bakit hindi ko magawa? Sobrang hirap pa rin.
Natigil ang sa pag-iisip ko ng tumunog ang phone ko. "Hello Martin?" Napabuntong hininga ako at umiwas ng tingin kay Duce. "Sinabi na ba sayo na hindi ako— Wag na!" Napasigaw ako sa sinabi ni Martin na pupunta sya rito sa hospital para bugbogin si Duce. "Sorry," sabi ko kay Duce bago bumalik sa pakikipag-usap kay Martin.
"Who's that?" Tanong ni Duce.
"Sabihin mo boyfriend mo ako gago s'ya!" Sigaw naman ni Martin sa kabilang linya. "Tumahimik ka," bulong ko bago ni end call.
"I'm asking," cold na sabi nito bago tinuloy ang ginagawang pagbabasa ng libro.
"M-my boyfriend?" Patanong pa na sabi ko kaya parang hindi tuloy ako sigurado sa paningin n'ya. "Oo, boyfriend ko si Martin."
Nagulat ako ng ibato nya ang libro at titigan ako ng masama. "Break his heart," utos nito.
Ano s'ya gold? Boss ko ba s'ya o presidente ba s'ya ng pilipinas para mag utos sa akin?
"Like what you did to me?" Tanong ko.
"H-ha?"
"Charot lang haha!" Bawi ko sa sinabi ko. "Sorry pero mahal ko s'ya kaya hindi ko s'ya iiwan kahit na para kanino man, basta mahal ko s'ya."
Umigting ang panga nito at kuyom ang kamao susuntukin ba n'ya ako?
"I don't f*****g care just do what I say, so break his heart! Hiwalayan mo s'ya parang awa mo na selos na selos na ako! Nginig na nginig na katawan ko sa galit sa lalaking 'yun!"
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis?
"Anong sinasabi mo? Hahahaha! Mamatay ka man sa selos boyfriend ko parin si Martin."
"Masaya bang makasakit ng tao?" Walang emosyong tanong n'ya.
Napangisi ako at lumapit sakaniya. Tinapat ko ang bibig ko sa tenga n'ya. "Ibabalik ko ang tanong sayo Duce. Masaya bang makasakit ng tao? Kapag naalala mo na, answer me."
Walang emosyong tumitig s'ya sakin at sinuri ako ng tingin mula ulo hanggang paa, bago umupo. "Come here," utos n'ya kaya sinunod ko na.
"What?" Inis na tanong ko.
"Sabi ng doctor sakin asawa raw kita."
"Correction, mali ang doctor sa sinabi n'ya cause you're just nothing to me. Seperated na tayo 3 years ago so, dapat ex-husband ang sinabi n'ya." Natatawang sabi ko bago inilapit sakaniya ang mukha ko.
"Bakit pinagnanasahan mo ba ang ex mo? Maling-mali 'yan Duce haha."
"There's nothing wrong with this," sambit n'ya bago ako hinagkan.