Pumasok ang liwanag ng buwan sa bintana, tumama ito sa mukha ng isang babae. Maputla ang balat nito, nanunuyo ang labi at namumuo ang pawis sa noo. Paminsan-minsan nagkakasalubong ang kilay niya na tila ba nanaginip ito.
Sa tabi ng kama may kumikinang; palaki ito ng palaki hanggang sa sumulpot ang dalawang babae, isang batang paniki, baby dragon at baby wolf.
Yakap ni Zaira ang baby wolf habang nakapatong sa balikat niya ang paniki. Sa kanan niya lumilipad ang baby dragon at sa kaliwa naman nakahawak sa braso ni Zaira si Nova.
Nanlaki ang mata ni Zaira nang makita ang pamilyar na mukha ng babae. Kumislap ang mata ng baby dragon, paniki at wolf at dali-daling nagpunta sa kama.
"Heidi?"
Sino mag-aakalang ang babaeng nahulog mula sa langit na nagpakilalang bilang Heidi ang makikita niya?
Wala pinagbago ang itsura nito noong huling kita niya dito. Kung iisipin pareho ang edad nila ni Kazumi.
Dinilaan ng baby wolf ang pisngi ni Heidi habang sumasayaw ang buntot nito.
Paikot-ikot na lumipad sa itaas ang paniki bago dumapo sa uluhan ng kama.
Dahan-dahang tinusok ng dragon ang pisngi ni Heidi. Nang maramdaman nito ang malambot na balat masigla itong lumipad.
Napahinto ang tatlo nang lumangitngit ang pinto. Bumukas ang ilaw at bumungad sa kanila ang isang lalaking matangkad.
"Zeque..."
Tinignan lang siya nito saglit saka huminto ang paningin sa kama. Nagdilim ang mukha ni Zeque nang makita niya ang tatlong nilalang sa kama.
"Hindi mo kailangan mag-aalala, spiritual body sila ni Heidi," sabi ni Nova sabay kumpas ng kamay.
Naging bolang apoy ang tatlo bago ito pumasok sa katawan ni Heidi.
Nag-umpisang magkakulay ang mukha ni Heidi.
"Ngayon may importante akong sasabihin sa inyong dalawa."
Tumango si Zeque saka niyayang lumabas sila Zaira.
"Maupo kayo. Anong gusto niyong inumin?" tanong ni Zeque.
Tumigil sa paglalakad si Zeque saka bumaba ang tingin niya sa kamay habang naniningkit ang mata. May nararamdaman siyang katamtamang init sa katawan na nagdudulot ng komportableng pakiramdam.
Unti-unting nagkaroon ng iba't-ibang kulay ang buhok si Zeque. Lumalakas ang aura niya na minsang nawala.
Napahawak sa ulo si Zeque at nawalan ng balanse. Mabuti na lamang nahawakan siya agad ni Zaira. Tinulungan siya nitong makaupo.
"Anong nangyari sayo?"
Bumuka ang bibig ni Zeque sabay tikom, nagkasalubong ng kilay niya at tumulo ang pawis nito mula sa noo pababa sa baba. Sa huli walang nakuhang sagot si Zaira.
"Zeque?"
Pakiramdam niya may umiikot na turnilyo sa sintido niya dahil sa sobrang sakit. Pumikit si Zeque sabay hilot sa ulo niya. Sunod-sunod na memorya ang pumasok sa isipan niya.
Tumingin si Zaira kay Nova habang may pahid ng pag-aalala ang mukha nito.
"Anong nangyari sa kanya?"
"Ayos lang siya. Nabigla ang katawan niya sa biglaang pagbalik ng kapangyarihan niya."
Tinutok ni Nova ng hintuturo niya sa noo ni Zeque.
May puting liwanag ang lumabas sa dulo ng daliri ni Nova; pumasok ito sa pagitan ng kilay ni Zeque.
Unti-unting napahiga si Zeque. Namalayan na lang niya ang sarili na nasa mundo ng panaginip na siya.
Inayos ni Zaira ang pagkakahiga niya sa sofa bago magtanong kay Nova.
"Hihintayin ba natin siya gumising?"
Umiling si Nova saka hinila paupo sa tabi niya si Zaira.
"Hindi maganda ang lagay ni Kazumi," bulong nito.
"Ano ibig mong sabihin?"
"Kapalaran niyang mamatay."
Bumuntong hininga si Nova. Kundi dahil sa Kazumi na nagmula sa main world, hindi na ito makikitang buhay ni Zaira. Pero walang balak magsabi si Nova.
"No..."
Halos bumaon ang kuko ni Zaira sa palad niya. Nag-umpisang mamuo ang luha nito sa gilid ng mata habang bumubulong.
"Hindi siya pwede mamatay."
Nanginig ang labi ni Zaira saka hinawakan ang kamay ni Nova. Binigyan niya ng nakikiusap na tingin si Nova.
Naalala ni Zaira ang tanong sa kanya ni Nova bago sila magteleport.
"Nakikiusap ako! Tulungan mo siya."
"Okay."
Nanatiling kalmado ang mukha ni Nova. Bago sila magteleport balak na tumulong ni Nova. Pero gusto niya muna masigurado kung walang magbabago sa desisyon ni Zaira.
"Thank you!"
Ngumiti si Zaira sabay tawa ng walang tunog. Umayos siya sa pagkakaupo. Naniniwala siyang tutulungan siya ni Nova. Para sa kanya walang imposible kay Nova.
"May paraan ako para mabuhay siya. Pero nakasalalay kay Kazumi kung matatagumpay siya."
Tumango si Zaira bilang tugon.
"Naiintindihan ko. Basta may paraan, ayos na sa akin."
"Hindi madali ang lahat."
Nawala ang ngiti ni Zaira nang makita niyang sumeryoso ang mukha ni Nova.
"Alam ko."
Malinaw kay Zaira ang lahat. Hindi man niya alam kung ano paraan ang sinasabi ni Nova, sigurado siya na hindi ito ordinayo. Basta buhay ang pinag-uusapan walang madaling paraan.
"Okay."
Nag-umpisang magpaliwanag si Nova. Isa-isa niya sinabi ang advantage at disadvantage na gagawin nila.
Walang imik na nakinig si Zaira, paminsan-minsan tumatango ito.
"May katanungan ka ba?"
Nakahawak ang kamay ni Zaira sa ilalim ng baba. Nang marinig niya ang tanong ni Nova, napakamot ito sa ulo bago sumagot.
"Ano mangyayari sayo pagkatapos? Narinig ko kila Sagittarius na hindi ka pwedeng basta mangialam sa buhay namin."
Hindi naniniwala si Zaira na walang masamang mangyayari kay Nova. Mukha man ito malakas hindi madali ang pagputol ng thread of fate.
"Hindi ko alam."
Napangiti ng mapait si Nova. Totoo ang sinasabi niya. Kahit alam niya ang kaganapan sa buong kalawakan, pagdating sa sarili niya wala siyang ideya.
Tanging ang god of creation at god of destruction lang ang nakakaalam ng kakahantungan niya.
Lumihis ang ulo ni Nova patungo kay Zeque nang mapansin niya ang pagdilat nito.
Sinundan ito ng tingin ni Zaira. Nagkasalubong ang mata nila ni Zeque.
"Gising ka na?"
Humawak sa noo si Zeque saka umupo. Masyadong maraming impormasyon ang pumasok sa isipan niya, hindi lang alaala ang bumalik sa kanya. Nakita niya ang nangyari kay Erie at sa mga anak niya habang wala siya.
Umangat ang ulo ni Zeque at sumalubong ang mata ni Nova na kapag tinitigan para kang nakatingin sa walang katapusang kadiliman.
Narinig ni Zeque ang pinag-uusapan nila simula sa kapalaran ni Kazumi. Kahit hindi niya ito totoong anak, siya pa rin ang nagpalaki dito. Tinuturing niya itong tunay na anak.
Nagkasalubong ang kilay ni Zeque nang maalala niya ang sinabi ni Nova.
"Sino ka?"
"Nova..."
Napahinto saglit si Nova nang maalala niya ang mga god and goddesses sa Xaterrah noong nagpunta sila doon.
"O Amethyst."
Hindi sigurado si Nova kung gagamitin niya ba ang pangalan na binigay sa kanya sa Xaterrah. Hanggang ngayon hindi niya alam kung bakit Amethyst ang tawag sa kanya sa nasabing mundo.
Ang alam lang ni Nova, Amethyst ang pangalan ng goddesses of space and time.
Napabulong si Zeque.
"Kaya pala..."
Ngayon sigurado si Zeque na si Nova ang dahilan kung bakit napunta sa kanya si Kazumi. Kung hindi bumalik ang alaala niya ngayon, iisipin niyang anak niya si Kazumi. Tinawag niya pa ito pangalan ng anak niya.
Heidi, ang pangalan ng anak niyang babae. Noong oras na buhat niya si Kazumi, para bang may bumubulong sa isipan niya na tawagin niya itong Heidi.
Lumihis ang tingin ni Zeque sa tabi ni Zaira, sa nakikita niya ngayon mas malakas si Zaira kumpara noong huli niyang kita dito. Mukhang mas nahigitan pa siya nito.
"Iiwan ko na sayo ang anak mo."
"Aalis ka?"
Tumango si Zeque saka sinulyapan si Nova bago magsalita.
"Hahanapin ko si Heidi sa mortal world."
Tukoy ni Zeque sa nag-iisa niyang anak na babae at ang totoong nagmamay-ari ng pangalang Heidi.
"Okay. Salamat sa pag-aalaga kay Kazumi."
Tumango si Zaira saka ngumiti.
May lumabas na bolang crystal sa kamay ni Nova; sa loob nito may makikitang aurora na hawig sa portal papuntang Aurora.
"Basagin mo ito kung gusto mo pumunta ng Aurora."
Kinuha ni Zeque ang bolang crystal na kasing laki ng tennis ball saka ito binulsa.
"Salamat."
"Hindi mo ba hihintaying magising si Kazumi?" tanong ni Zaira.
Umiling si Zeque bilang tugon. Gusto na niya makita agad ang anak niya. Kung maaga siya aalis, maaga niya rin ito makikita. Gusto na niya rin makabalik agad sa Aurora para makita ang asawa niya at ang dalawa pa niyang anak.
"Ikaw na magsabi sa kanya."
Gustuhin man ni Zeque na direktang magpaalam kay Kazumi, wala siyang ideya kung kailan ito didilat. Saka sigurado siyang ligtas si Kazumi sa kamay ni Zaira.
"Dalhin na natin sa mortal world habang walang malay si Kazumi. Pupunta rin naman tayo roon."
Pagkatapos magsalita ni Nova, bumukas ang pinto at iniluwa nito si Sage.
"Sasama ako!"
Sigaw ni Sage habang seryosong nakatingin kila Zeque. Kakatok na sana siya sa pinto nang marinig niya ang usapan nila. Hindi siya makakapayag na mahiwalay kay Kazumi. Saan man ito pumunta susunod siya.
Napabuntong hininga si Sage. Marahil kung hindi siya nagising agad baka hindi na niya naabutan si Kazumi.
Nagkasalubong ang kilay ni Sage sa ideyang mawawala sa tabi niya si Kazumi.
"Paano ang tita mo?" tanong ni Zeque.
Tumingin si Sage sa likuran, sumalubong sa kanya ang teary eyes ng tita niya. Umurong bigla ang dila niya.
Gusto niya samahan si Kazumi kahit saan ito pumunta pero hindi niya pwedeng iwan ng mag-isa ang tita niya. Hindi rin siya sigurado kung kailan sila makakabalik.
Lahat ng nasa isip ni Sage, nabasa ni Nova kaya tinulungan na niya ito.
"Kung gusto mo dalhin ko siya papa mo?"
Gusto rin tumulong ni Nova dahil sigurado siyang malaki ang maitutulong ni Sage kay Kazumi.
"Buhay si Greg?" tanong ng tita ni Sage.
Napatitig si Zaira kay Sage. Unang kita niya pa pa lang kay Sage naisip na niya na pamilyar ang itsura nito.
Pinagkumpara niya ang mukha nito kay Greg. Katulad ni Greg may pagkasingkit ang mata nito, matangos ang ilong at higit sa lahat may aura ito na katulad sa madalas makita sa mga genius.
"Kamukha mo si kuya Greg."
Tumango si Sage bilang tugon kay Zaira saka kinausap ang kanyang tita. Sa huli pumayag itong pumunta sa kung nasaan si Greg.
Bago sila umalis ng Vendon City hinatid muna ito ni Nova. Nag-ayos naman ng mga dadalhing gamit sila Zaira.
Pagbalik ni Nova, naghihintay na ang lahat sa kwarto ni Kazumi.
"Nakahanda na ba ang lahat?"
Tumango si Zaira.
Binuhat ni Zeque si Kazumi saka ito tumayo sa tabi ni Zaira. Pagkumpas ni Nova nawala ang mga ito sa kinatatayuan nila.
Sa Mortal World,
Crash! Nagkalat ang mga bubog ng basag na baso sa sahig. Nanlaki ang mata ni Luna kasabay ng pagnganga. Umiinom siya ng tuwig nang biglang sumulpot sila Nova sa harapan niya.
"Ahem. Ayos ka lang?" tanong ni Zaira habang nakatingin sa binti ni Luna, may kulay pulang tumutulo dito.
"Yes."
Tulalang sagot ni Luna.
"Luna, ano yung narinig kong nabasag?"
Huminto saglit si Lucas sa may pintuan saka dinaanan ng tingin sila Zaira bago lumapit kay Luna.
"May sugat ka, bakit tulala ka pa diyan?"
Nang matauhan si Luna doon lang niya naramdaman ang kirot sa binti niya. Bumaba ang tingin niya mula sa binti niya patungo sa basag na baso.
Umupo si Luna at akmang pupulutin ang baso subalit hinampas siya sa kamay ni Lucas.
"Ako na maglilinis nito. Hugasan mo muna sugat mo."
Pagtataboy sa kanya ni Lucas. Walang imik na lumabas ng kusina si Luna habang kumuha naman ng walis at dustpan si Lucas.
"May bakante pa ba kayong kwarto?" tanong ni Zaira sabay sulyap kay Kazumi bago binalik ang tingin kay Lucas.
"Hindi maayos ang ibang kwarto. Kung gusto niyo po ihiga niyo muna siya sa kwarto ni Luna."
Sakto namang lumabas ng banyo si Luna. Tumingin si Luna sa likod ni Zeque kung nasaan si Kazumi. Sa itsura ni Kazumi mukhang may sakit ito kaya tinanguan niya Zeque.
"Tara po sa kwarto," aniya pagkakuha ng first aid kit sa taas ng refrigerator.
Umakyat sila sa second floor. Nagkataong kwarto ni Luna ay ang kwarto noon ni Zaira. Dumiretso si Zeque sa kama habang nilibot naman ng tingin ni Zaira ang paligid.
Kahit na walang pinagbago sa itsura ng bahay nila sa mapapansing bago na gamit sa loob. Napaisip si Zaira kung saan na napunta ang mga gamit niya noon.
Dahan-dahang binaba ni Zeque sa kama si Kazumi habang kinumutan naman ito ni Zaira.
"Tulungan na kita sa sugat mo," sabi ni Zeque kay Luna.
Hindi nakakalimutan ni Zeque na kasalanan nila kung bakit ito nasugat. Kundi sila biglang sumulpot hindi ito magugulat.
Bago pa makapagsalita si Luna itinapat ni Zeque ang kamay niya sa sugat nito. May kulang dilaw na liwanag ang lumabas sa kamay ni Zeque; nagdudulot ito ng katamtamang init sa pakiramdam.
Nanlaki ang mata ni Luna nang makita ang paghilom ng sugat niya. Wala man lang itong bakas na kahit na ano tulad ng peklat. Ngayon lamang siya nakasaksi ng healing magic.
"Thank you."
Mahinang sabi ni Luna habang nakayuko ang ulo.
Dumapo ang tingin ni Zaira sa larawang nakapatong sa study table ni Luna. Larawan ito ng isang babae na kamukha niya, hanggang itaas ng balikat ang haba ng itim na buhok nito. Sa tabi niya nakatayo si Luna habang nakasuot ng toga. Marahil larawan ito ni Luna noong nagtapos siya sa primary school.
"Anak ka ni Zarah?" tanong ni Zaira.
Tumango si Luna nang hindi tumitingin ng direkta sa mata ni Zaira.
"Anong pangalan mo?"
Nakangiting pinagmasdan ni Zaira si Luna. Bawat kilos nito nakita niya.
"Luna."
"Yung lalaki kanina kapatid mo? Anong pangalan niya?"
Tumango muli si Luna.
"Lucas po."
"Ako nga pala si Zaira. Hindi ko alam kung nakwento ako ni Zarah."
Inangat ni Luna ang ulo niya at sinalubong naman ito ng nakangiting mukha ni Zaira. Isa-isang pinakilala ni Zaira sila Nova hanggang sa dumapo ang tingin niya kay Kazumi.
Nawala ang ngiti ni Zaira dahil hindi alam kung kailan ba ito gigising.
"Siya naman ang anak ko. Kazumi ang pangalan niya."
Tumingin si Luna kay Kazumi saka bumalik kay Zaira. Pansin niyang hawig ang mukha nilang dalawa. Pero hindi alam ni Luna kung sasabihin ba niya ito.
Sa huli yumuko na lang si Luna. Sakto namang sumilip si Lucas sa pintuan.
"Dito po ba kayo titira? Lilinisin ko na ang ibang kwarto," tanong ni Lucas.
Nagtatanong na tumingin si Zaira kina Zeque at Nova.
"Yes please. Thank you," sagot ni Nova habang nakangiti.
Dahan-dahang sinara ni Lucas ang pinto. Una niyang nilisan ang kwarto sa tabi ng kwarto niya. Tinanggalan niya ito ng alikabok saka winalisan. Pinunsan niya rin ang bintana at sahig bago pinalitan ng blanket at punda ng unan ang higaan.
Nang makita siya ni Zaira na hirap na hirap siya sa paglinis, tinulungan na niya ito sa pamamagitan ng magic. Sa isang pitik niya lang hinangin palabas ng bintana ang mga alikabok. Gumamit siya ng water magic upang linisin ang paligid at gamit saka niya ito pinatuyo gamit ang pinaghalong fire at wind magic.
Tanging pag-aayos na lang ng kama ang ginawa ni Lucas.
"Nasaan si Zarah?" tanong ni Zaira habang pababa sila ng hagdan.
Tumingin sa wrist watch si Lucas. Sinundan ito ng tingin ni Zaira, nakita niyang 10:15 na ng gabi. Kung hindi niya tinulungan si Lucas marahil abutin na ito ng madaling araw sa paglilinis ng apat na kwarto.
"Pumasok po sa trabaho. Kadalasan pauwi na siya nang ganitong oras."
"Naghapunan na ba kayo?" tanong ni Zaira.
"Nakakain na kami nang dumating kayo."
"Good."
Ngumiti si Zaira sabay taas ng kamay subalit huminto rin ito sa ibabaw ng ulo ni Lucas bago pa niya mahawakan ang buhok nito. Umubo kunwari si Zaira sabay iwas ng tingin saka tinuloy ang paglalakad na para bang walang nangyari.
Naiwang nakatingin sa likod niya si Lucas habang nakataas ang kanang gilid ng labi nito.
Sunod-sunod na tunog ng motor ang nagmula sa labas ng bahay.
"Nandyan na si mama," sambit ni Lucas.
Mabilis na humakbang papalapit sa pinto si Lucas, sa likod niya nakasunod si Zaira.
Humina ang tunog ng motor hanggang sa hindi na nila marinig. Bumukas ang pinto at iniluwa ang isang babaeng kamukha ni Zaira. Nakasuot ito ng black blazer at slacks at sa ilalim ng blazer may puting polo, sa kanang kamay hawak niya ang itim helmet. Kumpara kay Zaira, abot leeg ang buhok ni Zarah.
"Ano ginagawa mo diyan?" tanong ni Zarah nang sumalubong ang mukha ni Lucas.
"Ma--"
Paglihis ng ulo ni Zarah doon lamang niya napansin si Zaira. Nagkasalubong ang kilay niya saka inabot kay Lucas ang helmet.
"Bakit ka nandito?"
Tumayo si Zarah sa harapan ni Zaira saka ito tinignan mula ulo hanggang paa at pabalik sa mukha.
Napangiti ng pilit si Zaira dahil sa talim ng tingin na binibigay sa kanya ni Zarah.
"Zarah, namiss kita."
Itinaas ni Zaira ang kamay niya upang yakapin ito ngunit umatras si Zarah sabay tapat ng palad nito sa mukha ni Zaira.
"Tsk. Namiss? Sino niloko mo?"
Huminto sa paghakbang si Zaira saka sumimangot.
"Bakit ka nasa mortal world? Sino kasama mo?"
Tanong ni Zarah. Hindi naman sa ayaw niya makita si Zaira pero sa mga naranasan niya, madalas kung nasaan ito may hindi magandang mangyayari.
Pagkakita niya pa lang dito unang naisip niya,
'Tapos na ang mapayapa kong buhay.'
Alam ni Zarah darating ring ang oras na kailangan niyang bumalik sa Outlandish. Hindi niya rin naman gustong manatili sa mortal world. Totoong mas payapa ang buhay niya sa mundo ng mga tao subalit kapalit nito boring na buhay.
"Kasama ko si Zeque."
Tumango si Zarah sabay naglakad patungo sa hagdan habang tinatanggal ang suot na blazer. Tumigil sa tapat nito bago muling nagtanong habang nakatalikod pa rin kay Zaira.
"Si Max?"
Sa katunayan, ang gusto malaman ni Zarah kung kasama ni Zaira si Max. Hindi siya interesado kung kasama ba nito si Zeque o kahit sino man. Kung may gusto siya makita, si Max lamang yun.
Napakuyom ng kamao si Zarah nang hindi niya marinig agad ang sagot ni Zaira.
"Zarah, salo!"
Pagtingin ni Zarah sa likod may napansin siyang papalapit sa kanya. Wala sa sariling sinalo niya ito.
Pagkabukas niya ng palad niya, nakita niya ang kwintas ni Max. May white mist na lumabas dito. Pag-angat ng ulo ni Zarah naging korteng tao ito at nakita niya ang lalaking matagal na niyang gustong makita.
Nanigas sa kinatatayuan si Zarah habang pinagmamasdan si Max. Nang yakapin siya nito nagkasalubong ang kilay ni Zarah. Hindi niya maramdaman ang init ng katawan na nagmumula sa taong nabubuhay. Para siyang nakayakap sa multo.
Hindi maiwasan ni Zarah na magtanong kahit na alam niyang imposibleng mamatay ito pagkatapos niya itong turukan ng eternal blood noon.
"Namatay ka ba?"
"No."
Humigpit ang pagkayap ni Max saka bumulong sa tenga ni Zarah.
"Hindi pa ako patay pero spirit lang ako ngayon."
"What happened?"
'Bakit siya spirit? Anong nangyari habang wala ako? Kaya ba niya ako hindi napuntahan dahil may masamang nangyari sa katawan niya?'
Madaming tanong ang pumasok sa isip ni Zarah. Sa kakaisip niya hindi niya namalayan na humigpit na ang pagkakahawak niya sa damit ni Max. Kundi pa hinawakan ni Max ang kamay niya hindi siya matatauhan.
Napalundag ang puso ni Zarah nang sumalubong ang mata ni Max sa kanya. Bumaba ang ulo nito. Habang papalapit ang mukha ni Max, napapikit si Zarah hanggang sa dumapo ang malamig at na malambot na labi nito.
Binalot siya ng pamilyar na aura nagmumula kay Max. Katulad noon nagiging komportable siya tuwing nararamdaman niya ito. Para itong magic na nagpapagaan ng pakiramdam niya. Ito ang dahilan kung bakit nagiging relax siya tuwing kasama niya si Max.
Napahinto si Max nang may maramdaman siyang basa sa mukha ni Zarah. Nanlaki ang mata niya nang makita niyang lumuluha ito.
"Bakit ka umiiyak?"
Pinunasan niya ito subalit wala pa rin tigil sa pagtulo ang luha ni Zarah.
Ang mga emosyong itinago ni Zarah sa loob ng mahabang taon, sabay-sabay na lumabas. Halos hindi na niya alam kung ano nararamdaman niya ngayon.
Muli siyang niyakap ni Max at hinayaang mabasa ng luha nito ang damit niya.
"Nakakainis ka! Bakit ngayon ka lang?"
Sambit ni Zarah saka mahinang sumuntok sa dibdib ni Max.