Knife's POV Napaupo ako sa paanan ng kama ni Blade habang siya naman ay nasa loob ng banyo. Ayaw nyang lumabas ako ng kwarto niya dahil baka raw lalayas na naman ako ng di nagpapaalam. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan kwarto nito. Sobrang laki, at ang lawak pa. Makikita mo ang mga sandatang naka display sa bawat sulok ng kwarto nito. Pero mas naging agaw pansin sa akin ang mga litratong naka latag sa itaas ng mahabang furniture kung saan makikita mo ang isang masayang larawan ng pamilya. "Ang ganda ng mommy nila, at gwapo ng daddy. Sabagay, hindi naman nakakapagtaka dahil gwapo't maganda rin sina Blade at Harley. " Tumingin pa ako sa ibang larawan, subalit ang ipinag tataka ko lang ay bakit kaunti lang ang litrato ng mommy nila? Bakit wala na sa ibang kuha ni Blade ang mommy

