IKALIMANG araw ng Annual Festival. Pinaghandaan nang mabuti ng mga prinsesa ang araw na ito. Bukod kasi sa last day ng patimpalak ay doble ang puntos ng mga laro ngayon. Oo, advantage kung nakaipon ka na ng mga points noong nakaraang mga araw ng palaro pero madali ka namang makakabawi ngayon kung mananalo ka sa mga laro ngayong araw kasi doble ang puntos ng bawat panalo. Kalkulado na ng mga prinsesa kung saang laro sila mas may chance na manalo kaya iyon ang nasa isip nilang unahin na laruin. “Mananalo tayo ngayong araw, Regina. Sisiguraduhin kong nasa atin ang huling halakhak...” confident na wika ni Prinsesa Lorna. “Sumasang-ayon po ako...” sagot naman ni Regina. “Huwag masyadong confident, kapatid. Nakakalimutan mo yatang nandito pa kami...” sabad ni Prinsesa Fe na nasa tabi na pa

