HINDI mapakali si Prinsesa Fe habang nakatingin sa nagsasalitang babae sa kanilang harapan. Nasa study hall sila at balik aral program na naman kasi may bago na naman silang tutor. ”I am glad na kompleto kayong tatlo. Hindi ko na siguro kailangang magpakilala pa dahil kilala niyo na naman na ako…” nakangiting sabi ng tutor. Napaismid si Prinsesa Fe sa sinabi nito. She did not like the new royal tutor. “You have to, Teacher. For formality…” sabad naman ni Prinsesa Lorna. Tumaas ang isang kilay ng bunsong prinsesa. Tumingin ito sa nagsalitang prinsesa. Napansin naman ito ni Prinsesa Lorna at napataas rin ang isang kilay na tinanong nito ang kapatid ng, “What?” Hindi sumagot ang bunsong prinsesa. Instead, she rolled her eyes and look back at the new royal tutor. “Okay. Princess Lorna i

