Kabanata XXIX: Ang Naguguluhan

1591 Words

 “MAHAL na prinsesa, patawarin niyo po ako,” wika ni Lolita. Nakabalik na sila sa palasyo at nasa kwarto ni Prinsesa Aida. Tapos na rin ang hapunan at naghahanda na sa pagtulog ang prinsesa. “Patawarin saan?” nagtatakang tanong ng prinsesa. Nagtatanggal na ito ng kanyang disguise. Nakatayo naman sa gilid si Lolita at nakatanggal na ang mask pero nakasuot pa rin ito ng disguise outfit nila. “Kung hindi po dahil sa aking ginawa ay mananalo sana kayo,” bahagya pang nakayukong sabi ng katulong. Hindi muna sumagot si Prinsesa Aida dahil tinatanggal nito ang damit. Nang matanggal niya ang suot na disguise ay naiwan ang black sando at black panty nito. “Okay lang ‘yon. Hindi mo naman sinasadya. Tsaka masyadong malakas talaga iyang si Mona. Tsk. Bumawi na lang tayo next time,” ika ng prinsesa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD