"Elli, hindi pwedeng magdamag kang magkukulong diyan sa banyo. Lumabas ka na nga diyan. Alam kong tapos ka na maligo at kung ano pa man ginagawa mo dahil mag-iisang oras ka na diyan." Rinig kong sabi ni Rosa habang hindi ako mapakali na nagpapalakad lakad sa loob ng banyo. Oo, nandito nanaman ako. Hiding spot ko ata ito. Sinong hindi magtatago kung pagkagising mo pa lang sa umaga ang ibubungad sa'yo, "Mistress kailangan niyo na po maghanda para sa official welcoming party niyo po." At bago pa ako magpanic dumating na si Rosa tsaka niya inutusan ang iba na lumabas. Kaya heto, siya ang nagpapakahirap sa akin ngayon. At least sinunod ko naman 'yong sinabi niya na maligo at mag-freshen up. Pero wala akong sinabi na lalabas ako. "Elli kapag hindi ka pa lumabas diyan, kaka

