"You've always been dreaming for someone to lean on and take all those heavy sorrows away from your shoulders." Napahinga naman ako nang malalim nang maisip na tama naman lahat ng sinabi niya. Simula nang mamatay ang mga magulang ko, mas tinatagan ko ang sarili ko dahil alam kong wala na akong masasandalan pa, at napunta na sa puntong nakakapagod din pala. Kahit na nandiyan si Tito Orene, syempre may sarili naman itong pamilya at iba pa rin ang magkaroon ng sarili. Lahat ng kalungkutan noon ay dinadaan ko sa pag-aaral, pagtratrabaho, ni hindi rin ako nagkaroon ng oras para sa sarili kong kasiyahan dahil kinakain lang din ng kalungkutan ang loob looban ko. And I have to admit, simula nang dumating si Cypher sa buhay ko, he make me feel lighter. Parang lahat ng bigat sa buhay ko ay

