"Do I really have to go?" Tanong ko kay Rosa nang makabihis na ako ng pormal na damit na inihanda niya. "Elli, ilang beses mo na ginagawa 'to. Hanggang ngayon ba naman tinatanong mo pa rin sa akin 'yan?" Sagot niya habang inaayos ang coat na suot ko. Napabuntong hininga na lamang ako at hinayaan na lang ang anumang mangyayare sa araw na 'to. Halos mag-iisang buwan na pala ako dito sa lugar na ito. For the past few weeks, naging maayos naman ang lahat, nakapasyal na rin ako sa bayan, nakapagtour sa kabuuan ng isla, everything is fine except sa mga meetings na lagi kong dinadaluhan. Yep, meetings, at ito ngayon ang prinoproblema ko. Rosa said that I should attend their Master's meetings, social gatherings, and such such things. Para raw aware ako sa mga nangyayare sa b

