Story By aislinn_casimir
author-avatar

aislinn_casimir

ABOUTquote
There is no greater agony than bearing an untold story inside you. — MAYA ANGELOU Hello readers, Sana po ay masubukan n\'yong basahin ang mga story ko kahit hindi ako sikat na writer. Sana po ay suportahan n\'yo ako. Follow my FB page: Aislinn Casimir Dreame ADD ME IM MY FB ACCOUNT: Aislinn Casimir
bc
Embracing His Darkness
Updated at Apr 25, 2023, 02:43
This story contains mature scenes that only suitable for legal ages. Vela Dominica run away on the day of her wedding. Wala siyang pakialam kung magalit ng husto ang kaniyang mga magulang sa naging desisyon niya. Basta ang importante ay hindi matuloy ang kasal. Dala ng desperasyon na makatakas sa mga tauhan ng ama niya ay sumama siya sa boyfriend niya. Akala niya ay nakatakas na siya sa bangungot ng kaniyang buhay subalit hindi niya inaasahan na ang lalaking mahal niya ay isa pa lang kinakatakutan na mafia boss. She hates ruthless people, deadly weapons, and dangerous lives. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil kung sino pa ang kinasusuklaman niya ay doon pa nahulog ang loob niya. With her innocent, alluring body and enchanting beauty, will she be able to soften the heart of the ruthless mafia boss?  Will she be able to embrace his darkness until the end, or will she choose to leave him behind?
like
bc
Rebels of Heart (Tagalog Story)
Updated at Feb 16, 2023, 22:40
AFFLICTION SERIES 1 THIS STORY IS UNDER THE EDITING PROCESS. PASENSYA NA PO SA TYPOGRAPHICAL AT GRAMMATICAL ERROR KO. Si Amara ay isang babaeng pinagkaitan ng kalayaan. Seryoso at puro pag-aaral ang palaging inaatupag nito. Ginawa niya ang lahat para maging perfect daughter sa paningin ng mga magulang niya. Naging sunod-sunuran at kinalimutan ang sariling kaligayahan para lang maging proud sa kan'ya si Alicia, ang strict at walang puso niyang ina. Para maging successful tulad ng kaniyang ama, kinailangan niyang mag-focus sa number one goal niya sa buhay. Itinatak ni Amara sa kaniyang sarili na ang mga lalaki ay sakit lamang sila sa ulo. Kaya napagdesisyunan niyang hindi siya mag-e-entertain ng kung sinumang sumubok manligaw sa kan'ya. Manloloko at destruction lamang ang tingin nito sa mga kalalakihan. Ngunit paano kung isang araw ay ligawan siya ni Theodore? Isa siya sa mga kinababaliwan ng mga kababaihan sa kanilang unibersidad. Hot. Guwapo. Mayaman. Sikat. Loyal at higit sa lahat ay patay na patay sa kan'ya ang binata. Handa ba siyang papasukin si Theodore sa malungkot nitong mundo? O ipagtatabuyan niya ang lalaking walang ginawa kun'di suportahan at mahalin siya?
like
bc
Sa Kaniya (Book 2)
Updated at Jan 1, 2023, 02:30
This story contains mature scenes that only suitable for legal ages. Para maka-relate kayo sa book 2, basahin niyo po muna ang book 1. Isang pag-ibig na pinaglayo ng masalimuot na trahedya at muling magbabalik. Tadhana na ang gumawa ng paraan para magkita silang dalawa. Isang pusong sabik na sabik sa kanilang pagkikita samantalang ang kapares nito ay nag-aalab sa galit at pagkamuhi. Kahit na walang kasiguraduhan na buhay pa si Maximillian ay naghintay pa rin si Serenity sa kaniya. Isang taon na nagluksa at umasa. Kaya nang bumalik ang lalaking mahal niya ay labis ang saya na kaniyang nadarama. Ngunit biglang gumuho ang mundo niya ng bumalik si Maximillian na may kasamang ibang babae. Pain. Betrayal. Emotional damage. Physical damage. Name it! Pakiramdam niya ay pinagkaitan ulit siya ng kasiyahan kaya ito ang nag-udyok sa kaniya para magbago at maging isang party goer. The prim and proper woman was gone. Ang pagiging inosente niya ay napalitan ng pagiging agresibo. Ang wagas na pagmamahal ni Serenity kay Maximillian ay napalitan ng pagsisisi. Love turns to hatred. And hatred turns her into being selfish and a bad person. Sa gitna ng pagmamahal at galit, maibabalik pa kaya ang matamis nilang pag-iibigan? O ito na ba ang senyales para kalimutan nilang dalawa ang isa't isa at maging masaya sa piling ng iba?
like
bc
Wrap me in Your Arms (Casa de Alegre Series)
Updated at Dec 19, 2022, 07:25
This story contains mature scenes that only suitable for legal ages. Second generation of Madness and Reverie. " I'll double the price. Sa akin mo ibenta ang anak mo." Jamie Elaine Martinez is the rebellious daughter of the corrupt mayor of Laoag City. Ang tanging gusto niya lang sa buhay ay makalaya sa mala-impyernong mansyon nila. Wala siyang pakialam kung ano ang tingin sa kaniya ng ibang tao. Nang natalo ang ama niya sa huling termino ng pagiging alkade, sunod-sunod ang naging problema nila. Nalugi ang negosyo ng kaniyang ama, nalulong ito sa bisyo at nagkaroon ng malaking utang sa iba't ibang tao. Her life became more miserable when her father wanted to sell her to an old Chinese businessman. Subalit nagbago ang isip ni Ricardo ng marinig niya ang offer ni Fedirich. Nasilaw sa salapi ang ama ni Jamie kaya napunta siya sa kamay ng lalaking kinamumuhian niya. Sa poder ni Fedirich, magiging maayos na kaya ang buhay niya o mas lalong magiging miserable lang ito? For the second time around, will they resolve their unfinished business?
like
bc
Madness and Reverie
Updated at Oct 31, 2022, 11:00
Sa malagim na pangyayari, pagtatagpuin ang dalawang taong nakatadhana sa isa\'t isa. Isang bawal na pag-ibig na siyang uusbong at lalayag. Si Carmela, isang babaeng ang tanging hangad lang ay magkaroon ng permanenteng trabaho. Ngunit biglang nagbago ang takbo ng buhay niya nang makilala niya si Daevon, ang lalaking dudurog sa buong pagkatao niya. Dahil sa kasalanan ng ama, siya ang nagdusa at sumalo sa galit ng pamilyang Segovia. Pinaglaruan at binilog siya ng husto ni Daevon. Pinagkaitan ng kalayaan at ikinulong siya sa mansyon ng lalaking akala niya ay kakampi. Hindi niya akalain na patibong lang pala ni Daevon ang kabutihang pinakita sa kan\'ya ng binata. Kaya napagdesisyunan niyang tumakas at magpakalayo-layo sa poder ng lalaking minsan na niyang minahal. Paano kung sa araw ng pagtakas niya ay malaman niyang nag-aagaw buhay si Daevon sa ospital. Itutuloy niya ba ang pag-alis nito o pupuntahan niya ang lalaking walang ginawa kun\'di saktan siya? Matitiis niya ba ang binata o uunahin niya ang sarili nitong kapakanan at ang kalayaan na matagal na niyang inaasam?
like
bc
Sa Kaniya (BOOK 1)
Updated at Apr 30, 2022, 13:01
This story contains mature scenes that only suitable for legal age. If only she could change her fate, maybe she could be the happiest woman in the universe. Serenity Hope Chavez was ready to marry her longtime boyfriend. She even gave up her career so that she could be full-time wife to her future husband. Pero biglang nagbago ang desisyon niya ng malaman niyang may nabuntis na ibang babae si Dominic. Inevitable pain, full of hatred, desperate to forget her ex-boyfriend, will she be able to move forward, or she will forever stick in her past? Paano kung sa gitna ng sakit ay may isang lalaking handang pawiin ang masalimuot niyang nakaraan? Tatanggapin niya ba ang pagmamahal ni Maximillian o babalewalain ito?
like
bc
Hera, the Mysterious Girl (Tagalog)
Updated at Nov 29, 2021, 08:05
MATURE CONTENT "Pinapangako ko, babalik ako at hahanapin ko ang pumatay kay daddy. Pagagapangin ko kayo sa putikan at paluluhurin ko kayo sa puntod ng aking ama." Si Hera Valeria ay galing sa mayamang pamilya na napadpad sa probinsya ng Ilocos Sur para magtago. Nang mamatay ang kaniyang ama ay biglang nagbago ang takbo ng buhay niya. Nagpanggap siyang mahirap at binago niya ang kaniyang katauhan alang-alang sa kaligtasan niya. Sa kaniyang pagpapanggap ay makakahanap siya ng tunay na kaibigan na siyang tutulong sa kaniya sa paghahanap ng hustisya tungkol sa pagkamatay ng kaniyang ama. Handa siyang damayan kahit pa malagay sa peligro ang buhay nito. Tiniis niya ang mahirap na buhay at ginawa niya ang lahat para makapagtapos siya ng pag-aaral. Pati ang pagmamahalan nila ni Constantine ay kinalimutan niya pansamantala. Paglipas ng sampung taon ay ganap na siyang abogada. Wala siyang sinayang na oras at bumalik agad siya sa Bukidnon upang mag-imbestiga sa nangyari noon sa kaniyang ama. Ang akala nilang patay ay babalik at maghihimagsik. Dala-dala ang pait ng kahapon at walang makakapigil sa kaniya. Sa kaniyang pagbabalik, magtatagumpay ba siyang makamit ang hustisyang matagal na niyang pinaglalaban? Mahahanap niya ba ang totoong salarin o baka matulad siya sa kaniyang ama? Hanggang saan siya dadalhin ng kaniyang katapangan? Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
like