Story By msmoodywriter
author-avatar

msmoodywriter

ABOUTquote
STORIES: * Althea, The Battered Wife * Fallen Angel for more updates with regards to the status of my stories, kindly visit my IG account: @msmoodywriter and fb page https://www.facebook.com/msmoodywriter/
bc
Love and Promises
Updated at Mar 11, 2024, 18:09
Lumaki sa isang broken family si Cassandra. Isa iyon sa mga naging insecurities niya noong lumalaki siya. Hindi maaaring magsama sa iisang lugar ang kanyang mga magulang dahil tiyak na magkakaroon ng gulo kapag nagtagpo ang mga ito. Kaya naman sa tuwing darating ang mga mahahalagang okasyon tulad ng pasko ay may lungkot siyang nararamdaman. Sa bawat Family Day, siya lamang ang walang maisama na magulang. Mabuti na lamang at inaruga siya ng kanyang Tiya, ito na ang nagpalaki at nagpaaral sa kanya mula High School hanggang sa makapagtapos siya ng kolehiyo. May kanya-kanya na kasing pamilya ang kanyang ama at ina, nag-iisang anak lamang siya ng mga ito at nagawa pang talikuran. Pangarap ni Cassandra ang magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya, kayan naman nang ayain siya ng kanyang nobyo na si Alejandro na magpakasal ay agad siyang pumayag. Hindi na niya pinakinggan ang payo ng kanyang Tiya na ipagpaliban muna ang kanyang pag-aasawa. Sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib ipinangako ni Cassandra sa kanyang sarili na hindi niya hahayaan na matulad ang kanilang pagsasama ni Alejandro sa kinahinatnan ng kanyang mga magulang. Ngunit paano kung hanggang pangarap na lamang iyon? Dalawang taon makalipas niyang maikasal ay biglang nagbago si Alejandro sa pakikitungo sa kanya, ang dating sweet at makalinga niyang asawa ay naging mainitin ang ulo, ilang beses na rin siyang napagbuhatan nito ng kamay. Tuluyan na nga bang guguho ang pangarap niya? Matutulad pa ang kanilang pagsasama sa kinahinatnan ng kanyang mga magulang?
like
bc
Fallen
Updated at Mar 3, 2024, 06:06
Nang dahil sa matinding pangangailangan ay napapayag si Kayla ng kanyang ama na magpakasal kapalit ng malaking halaga na gagamtin sa pagpapa opera ng kanyang ina. Unang beses pa lamang nasilayan ni Matthew si Kayla ay talaga namang hindi maitatanggi na nahulog na ang loob niya dito. Wala nga lamang siyang lakas ng loob na lapitan ang dalaga, bagay na talaga namang ipinagtataka niya. Ni minsan ay hindi niya naging problema ang manligaw, madalas nga ay siya pa ang nilalapitan. Ngunit pagdating kay Kayla tila nabahag ang kanyang buntot. Makita pa lamang niya ang bilugan nitong mga mata at malalalim na biloy sa pisngi ay talaga namang tila nanghihina ang kanyang mga tuhod. Kaya naman nang makarating sa kanyang kaalaman na nangangailangan ang pamilya nito ng malaking halaga upang maipa opera ang kanilang ina ay agad na siyang kumilos. Pinatawag niya ang ama nito na isang messenger sa kanyang pagmamay-aring kompanya at inilahad dito ang nais niyang mangyari. Aaminin niya, nahirapan siyang makumbinsi ang matanda ngunit nang lumaon ay napapayag niya rin ito. Halos hatakin na lamang ni Kayla ang mga paa habang patungo siya sa harap ng altar kung saan naghihintay si Matthew na talaga namang akala mo kung sino kung makatingin sa kanya, taas noo at tila ba ipinamumukha sa kanya na nabili na siya nito. Hindi sinasadyang nagtagpo ang kanilang mga mata, tila ba tumigil ang lahat at biglang kumabog nang napakalakas ang dibdib ni Kayla, hindi niya alam kung dahil sa galit o takot ngunit nang makabawi siya ay mabilis niya itong inirapan. Hindi rin naman nakaligtas sa kanyang paningin ang tila ba pagngisi ng damuhong si Matthew. Wala siyang pakialam kung magandang lalaki ito, wala ring dating sa kanya ang matikas nitong pangangatawan, ang tanging namumutawi sa kanyang isip at puso ay poot. Kung nais talagang tumulong ng lalaki upang mapagamot ang kanyang ina ay hindi ito hihingi ng anumang kapalit. Mabuti sana kung pinabayaran na lamang nito ang pera na ibinigay sa kanyang ama, maiinitindihan niya pa. Pero siya, siya ang naging kapalit! Kung bakit ba naman kasi hindi siya natanggal sa listahan ng strongest soldiers ni Lord. Mabilis na lumipas ang mga araw, magdadalawang buwan na silang kasal ni Matthew. Sa loob ng dalawang buwang iyon ay mabait naman sa kanya ang lalaki, madalas ay inaasikaso nito ang mga kailangan niya. Baligtad nga, kung sa iba, ang babae ang nag-aasikaso sa kanilang mga asawa sa sitwasyon nila ni Matthew ay mas hands-on pa ito sa kanya. Hindi naman niya hiniling dito na gawin siyang prinsesa, mukhang may nais lamang itong makuha mula sa kanya kaya siya asikasong asikaso kahit na may mga kasambahay naman sila. Hindi naman siya tanga, alam naman niyang may nais gawing kalokohan ang lalaking iyon sa kanya, nung minsan ay nakita niya itong titig na titig sa kanyang mga dibdib sa pagkataranta niya ay ibinato niya sa lalaki ang hawak niyang unan saka mabilis na lumayo dito. Mabait at magalang rin naman ito sa kanyang mga magulang, sa tuwing dadalaw sila sa kanyang ina ay may dalang mga prutas si Matthew para dito, magiliw rin itong nakikipagkwnetuhan sa kanyang ama, sa parteng iyon ng ugali ng lalaki ay hindi niya makukuwestiyon.Kung meron man siyang nagustuhan sa ugali nito ay ang pagiging magalang sa kanyang mga magulang. Pati ang mga pangangailangan ng kanyang ina ay kusa nitong ibinigay. Ang ipinagtataka lamang niya ay kung bakit siya ang napili nitong pakasalan. Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na may mga nakarelasyon itong mga kilalang tao sa industriya ng pagmomodelo. Hindi namalayan ni Kayla na unti-unti na siyang nahuhulog sa lalaki. Ngunit kung kailan handa na siyang ipagtapat dito ang tunay na nararamdaman ay doon naman may pagsubok na gumimbal sa kanilang mag-asawa.
like
bc
Althea, The Battered Wife (Completed)
Updated at Apr 15, 2022, 05:45
You will have no peace until you have discovered how to forgive yourself, to forgive other people and let them forgive you -Dorothy Rowe
like
bc
Married to Zachary Yvo Montevista
Updated at Mar 28, 2019, 09:00
"Masasaktan at mahihirapan ka lang sa naging desisyon mo Amber, alam mong hindi ikaw ang nais kong makasma. Kahit kailan hindi magbabago iyon" -Zach
like