Story By Rutch
author-avatar

Rutch

ABOUTquote
Hi, I\'m Rutch and I\'m new here so please bare with me. I hope we can work and know each other. Thank you all.
bc
Do you feel the Love?
Updated at Sep 23, 2021, 06:08
Perpektong Pagkakaibigan, 'yan ang tawag sa kanila ng mga taong nakakakita, nakakasalubong o nakakausap nila. Bakit? Sa Mundo na puno ng sakit, lungkot, poot, at takot sa magkakaibigang ito hindi ito ang ang hadlang para sa isang salita na kung tawagin nilang Kasiyahan. Ang Pagkakaibigan na meron sila ay parang isang bulalakaw, minsan mo lang makita at palaging hindi mo naranasang nakita. Sila ang tipo nang magkakaibigan na iwan mo na ang lahat huwag lang ang katatagan, tiwala at pagmamahal na meron kayo sa isa't-isa. Isang salita ang maglalarawan sa pagkakaibigan na meron sila, Matatag. Dahil sa panahon na sinalanta na sila ng maraming bagyo, ang pagkakaibigan na meron sila ay buo at walang nagbago. Ngunit sabi nga ng iba na kung matatag talaga ang pagkakaibigan na meron kayong magtotropa kailangan niyo munang dumaan sa isang pagsubok na bibihasain ang kapit niyo sa isa't isa, na kung paano niyo ba mahahawakan ang isang sitwasyon na ang kailangan ay malakas na tiwala at matatag na paniniwala. Sundan natin ang kwento ng tatlong magkakaibigan na sa dating masaya, walang problema at palaging nagkakasama, ngayon ay biglang nawasak at nawalan ng tiwala sa isa't isa. Mababalik pa kaya ang tiwala na meron sila? O kakalimutan nalang ang pagkakaibigan na minsan nilang binuo nung sila'y mga bata pa.
like