CHAPTER 01

1364 Words
"Wake up Dane. Honey, late ka na sa trabaho mo." Nagising ako dahil sa mahinang katok at sigaw ni mommy mula sa labas ng kwarto ko. "Babangon na mommy!" Inaantok pa na sigaw ko pabalik tsaka dahan-dahan na bumangon at dumiretso sa loob ng bathroom para maligo. But before that, I'm Dane... Yue Dane Del Costa. Yun na lang muna, makikilala niyo rin ako. Matapos makapagbihis at makapag-ready sa trabaho ay bumaba na ako para kumain. Nasa hagdan pa lang ako nang matanaw ko na agad sila mommy at daddy na magkasama sa kitchen at nagluluto. Sweet! Naglakad ako papalapit sa pwesto nila at yumakap sa parehas nilang bewang tsaka humalik sa pisngi. "Good morning daddy, mommy." Malambing ko na bulong sa kanila. "Good morning too honey." Sabay na tugon nila tsaka humalik din sa pisngi ko. "Let's eat! Baka malate ka pa sa trabaho mo,"sabi ni mommy at pinaghain niya pa ako ng pagkain. Napangiti naman ako dahil doon. "Thanks, mommy." Nakangiti na saad ko sa kaniya tsaka nagsimula nang kumain. "Pupunta si kuya Zerin mo dito. Ihahatid ka daw niya sa trabaho mo,"sabi ni Daddy habang nagbabasa ng newspaper at umiinom ng kape. "Daddy, bakit ihahatid pa ako ni kuya? Kaya ko naman mag-drive on my own? Tsaka malaki na ako. I'm already 21." Nakanguso ko na pag angal sa kaniya. Ang laki-laki ko na tapos ihahatid pa ako? Ano ako? Grade one? Unbelievable! Hindi rin ba nila alam na ang daming trabaho ni kuya sa kompanya niya? Tsk! Hindi naman ako gano'n ka-importante para ihatid at sundo pa. "Ngayon lang naman yun kasi first day mo, ihahatid ka lang niya tapos ako na yung susundo sa'yo sa hapon. Tomorrow, pwede ka nang pumasok sa trabaho mo gamit yung sarili mong kotse,"sabi ni daddy habang dinadagdagan yung kanin ko sa plato. "Ayssst! Fine."Yon na lang ang naging kasagutan ko dahil wala rin naman akong magagawa. Hindi na kami nag kwentuhan pa pagkatapos nu'n dahil nagmadali na talaga akong kumain. Sakto naman na pagtayo ko ay siya namang pagpasok ni kuya Zerin galing sa living room. "Oh?! Nandito na pala si Zerin." Mommy. "Good morning daddy, mommy," sabi ni kuya Zerin tsaka humalik sa pisngi ni mommy at nagmano kay daddy. "Kumain ka na ba Loe?" Tanong ni daddy kaya tumango na lang si kuya. "Tapos na daddy. Kumain na po ako sa office bago ako dumiretso dito,"sabi niya tsaka lumapit sa akin at umakbay. "Tara na Bunso?" Tanong niya sa akin kaya tumango na lang ako. "Aalis na po kami mommy, daddy."Pag paalam ko kina mommy tsaka humalik uli sa pisngi nilang dalawa. "Ingat kayo. Ingat sa pagmamaneho Loe." Paalala ni daddy kaya kumaway na lang kaming dalawa at lumabas tsaka pumunta sa kotse ni kuya. Si kuya ang nagbukas ng pinto para sa akin at nung nakapasok na siya sa loob ng kotse ay siya rin ang naglagay ng seatbelt ko. I smiled sweetly. He's so sweet! Napaka swerte ng magiging girlfriend niya in the future. Si kuya Zerin kasi ang pinaka-sweet pero pinaka strikto sa lahat. Talbog nga lahat ng pinsan kong lalaki pag may inutos siya. Wait-- hindi ko pa pala nasasabi pero ako lang ang nag-iisang babae sa generation namin. As in ako lang at wala ng iba. Back to kuya, napaka maalaga at protective siya pag dating sa akin pero suplado rin siyang kapatid. Lagi niya rin akong tinatawag na baby at bunso kaya minsan ay napagkakamalan talaga kaming mag jowa. Gwapo siy, maputi, matangkad at talagang napaka-manly niyang tingnan. Kaso, wala siyang balak na mag-girlfriend o mag asawa. Masyado pa daw siyang busy sa trabaho at aksaya lang din daw yun sa oras. Nandito naman daw pati ako, kaya okay na yun. Like duhh? Hindi na siya bumabata kaya dapat naghahanap na siya nang makakasama niya sa buhay. Di ba? Tama naman ako. Pero don't get me wrong huh, kuya Zerin is just 26 and yet ang dami na niyang mga kompanya at business na pag-aari. "Dadaanan kita mamayang lunch baby, sasabayan na kita kumain mamaya." Basag niya sa katahimikan kaya napatingin ako sa kaniya. "No need kuya, alam ko naman na marami kang trabaho. Kaya ko naman na kumain mag-isa."Pagtanggi ko. Nakakahiya na kasi kay kuya, alam kong busy siya lagi pero gumising pa talaga siya kanina ng maaga para lang maihatid ako ngayon. Minsan lang kasi umuwi si kuya sa bahay, madami kasi talaga siyang ginagawa. Sigurado ako na tambak yung trabaho niya ngayon pero nagawa niya pa rin na sunduin ako. "No, sasabayan kita mamaya--" "Dadalhan na lang kita kuya ng foods mo mamayang lunch."Putol na sabi ko sa kaniya. Aalis pa kasi siya dun sa office niya pagsinamahan niya ako. Malayo pa naman yung floor niya sa area namin kaya mas hassle 'yon para sa kaniya. "Malayo 'yon, baka mahirapan kang hanapin yung office ko kaya ako na lang yung bababa---" Pinutol ko na naman siya dahil mukhang wala talaga siyang balak na pumayag. "Ayssst?! Kuya naman eh! Ginagawa mo na lang lagi na bata ako, hello matanda na ako. Kaya ko na ang sarili ko kaya ako na lang ang maghahatid ng pagkain mo mamaya. Sabihin mo na lang kung anong floor ka."Parang napipikon pa na sabi ko pero ang totoo ay hindi naman. Ginagawa ko lang 'yon para wala siyang magawa kundi ang pumayag. Nagmamaneho kasi siya kaya mabilisan niya lang akong nilingon at napipilitan na tumango. Yes! "Hays. Oo na,"sagot niya. Napangiti naman ako dahil doon at wala na ulit nagsalita sa pagitan naming dalawa. Nakarating kami sa kompanya ni kuya at bumaba kami sa parking lot. "Sabay na tayo, ihahatid na kita sa area mo,"sabi niya at dinala niya yung mga gamit at bag ko. Muntik na akong mapatawa dahil nakasabit yung bag ko sa balikat niya, kulay maroon pa naman yun na talagang pangbabae. Cute! Hindi bagay sa kaniya dahil naka suit siya tapos ang manly ng dating niya pero may dala siyang shoulder bag. Hahaha. Nauna siyang naglakad sa akin kaya nasa likod lang niya ako at nakabungisngis. "Why are you smiling like that?"Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya at hindi ko napansin na nakaharap na pala siya sa akin. "Nothing,"sabi ko at ngumiti sa kaniya. Buti na lang at hindi na siya nagtanong pa dahil sure ako na maba-badtrip siya pag nalaman niya kung bakit ko siya tinatawanan. Nasa lobby pa lang kami pero bawat taong nadadaanan namin ay bumabati kaya nginingitian ko sila samantalang si kuya ay ini-snob lang ang mga ito. Ang sungit! Pumasok kami sa elevator at pinindot ni kuya yung floor number 8. Doon yata ang floor ko. "Tawagan mo ko pag may kailangan ka, huh?"sabi niya sa akin kaya tiningnan ko siya at nginitian. "Yes sir!" Pagbibiro ko sa kaniya kaya naman natatawang ginulo niya yung buhok ko. Ting! Bumukas ang pinto ng elevator at sabay kaming lumabas ni kuya kaya napatigil ang ibang nakakita sa amin para bumati. Lalong-lalo na para batiin si Kuya dahil syempre siya may-ari ng kompanya. "Good morning sir!" Sabay-sabay na pagbati nila pero as usual, hindi na naman niya ito pinansin at lumingon sa paligid. "Where is Ms. Cambaro?" Tanong ni kuya sa isang maliit na babae. "Sir, Ms. Cambaro is late." Sagot niya kay kuya. Napatingin siya sa direksyon ko kaya ngumiti ako sa kaniya at magiliw na ngumiti rin naman siya sa akin. "Tell her she's fired." Malamig na sabi ni kuya nang ibalik niya ang tingin doon sa babaeng kausap niya. Hindi ko inaasahan 'yon kaya mabilis akong napatingin ulit kay Kuya at napalaki pa ang mata ko. "Kuya?" Tawag ko sa kaniya kaya lumingon siya sa akin. Umiling ako habang naka nguso sa kaniya at alam ko naman na naintindihan niya 'yon. "Tell her she's fired if she would be late again." Bawi niya sa una niyang sinabi kahit alam ko naman na napipilitan lang siya. Napangiti ako sa kaniya ng mas malapad. "Let's talk." Mahina niyang sabi sa akin pero seryoso 'yon at naglakad na papunta sa isang office na nasa tabi lang din kaya hindi kami nahirapan na pumunta doon. Hindi ko alam kung kanino bang office 'yon pero wala namang tao kaya siguro okay lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD