Chapter 1. Upon Waking Up

3396 Words
Zennon's POV Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Hindi ko mapigilan ang biglang pagbangon ng kaba sa dibdib ko. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko ngayon kesa kaninang binubugbog ako ng taong labis kong pinagkatiwalaan. Halos magmakaawa at manikluhod ako para lang tumigil s'ya sa kanyang ginagawa. Wala akong pakialam kahit na parang mamatay na ako sa sobrang sakit, hapdi at kirot na nararamdaman ng buong katawan ko. Wala naman akong pakialam sa katawan ko pero sana... Dahan-dahan kong sinapo ang magna-nine months kong tiyan. "..." Napaawang ang mga labi ko at para akong sinabugan ng bomba dahil wala naman akong nakapang umbok sa gitnang bahagi ng katawan ko W-wha.... My baby! Don't tell me that traitor succeeded in killing my child? Oh God no! My innocent child? Why? Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng masaganang luha mula sa mga mata ko. Mula ng mapadpad ako sa mala-impyernong lugar na 'to, ni minsan hindi ako umiyak. Ngayon lang. Why is this happening to me? What kind of sins have I committed for me to have this kind of punishment? Kaya kong tanggapin lahat ng parusang ilalatay nila sa katawan ko. Pero bakit pati ang walang kamalay-malay na buhay sa sinapupunan ko? Kahit na ugaling demonyo pa ang ama n'ya, hinding-hindi ko kakamuhian ang batang nasa sinapupunan ko dahil nananalaytay pa rin sa kanya ang sarili kong dugo at laman. Anak ko s'ya. He's the only ray of light that I badly wanted to see. Kahit patayin na nila ako basta mahawakan ko lang ang munti n'yang mga kamay. Basta masilayan ko lang na ngumiti s'ya sa akin. Hindi bale ng ibang nanay ang kilalanin n'ya. Basta makita ko lang s'yang buhay at humihinga, I'll be contented. Hindi ako magtatampo, hindi ako magagalit kung pareho man silang mag-ama na makuha ng babaeng itinuturing kong kapatid. Pero ngayon, ano pang saysay na nabuhay ako? Ano pa at nakaligtas ako pero ang anak ko hindi? I bit my lower lip. Wala akong pakialam kahit na nagdurugo na iyon sa sobrang diin ng pagkakakagat ko. Buong buhay ko, akala ko'y nakapag-asawa ako ng isang anghel. Pero demonyo pala ang lalaking pinakasalan ko. Tumutulo ang luhang napaupo ako at tiningnan ang mga kamay kong punong-puno ng mga peklat. Hindi ko na mabilang ang mga sugat doon na lumatay doon. May mga matagal na. May kagagaling pa lang. At meron din namang sariwa pa ang sugat. Walang araw na hindi ako sinasaktan ni Gabby. Nakadepende sa mood n'ya kung ilang suntok, sipa, tadyak at sampal ang ibibigay n'ya sa akin. Kapag hindi pa s'ya kontento, kukuha s'ya ng latigo, ng sinturon, kahoy, patpat, o walis tingting na ginagamit ng mga katulong sa pagwawalis ng bakuran. Kung ano ang madampot n'ya, iyon ang humahampas sa katawan kong punong-puno na ng mga bago at lumang sugat, galos at peklat. Mariin akong pumikit. At tila eksena sa pelikula na biglang nag-flash back sa aking isipan ang mga hindi katanggap-tanggap na pangyayari sa buhay ko. At the age of twenty five, I got to know that I'm engaged to someone I only knew from my parents stories. Pero dahil inlove na inlove ako sa boyfriend ko noon na may kasama pang sulsol mula sa bestfriend ko, sinunod ko ang lahat ng mga payo at suggestions nilang umalis sa araw ng engagement at makipagtanan kay Gabby. Ang kinababaliwan kong nobyo. Masamang-masama ang loob ng pamilya ko pero wala silang magawa kundi tanggapin ang boyfriend kong si Gabby. Ipinakasal nila kami at pinabayaang magsama ng maayos. Ibinigay nila lahat para hindi ako maghirap at para hindi ako maliitan ng pamilya ni Gabby. Kinuha n'ya ang loob ng mga magulang ko, pero ayaw talaga sa kanya ni mommy at daddy. Ang sama-sama ng loob n'ya noon kaya naman nagalit din ako sa parents ko. Noong mamatay sila dahil sa isang car accident, ni hindi ko sila pinaglamayan. Ipinalibing ko sila kaagad at kinuha kong lahat ang mga kayamanan ng pamilya ko. Dahil sa sobrang pagmamahal, sinunod ko ang lahat ng hiling at paglalambing ni Gabby na ilipat ang lahat ng mana ko sa pangalan n'ya. Ang kapal lang diba? Huli na ang lahat nang malaman kong magkasabwat silang dalawa ni Karen, ang best friend ko. Noong makuha nila ang lahat-lahat sa akin, saka sila umamin na matagal na silang magkarelasyon. Brilliant right? Haha. I'm such an idiot. I've become a toy at the mercy of their brutal hands. At first, hindi ako makapaniwala. Hindi kayang tanggapin ng simpleng isipan ko na ang matalik kong kaibigang si Karen ay magagawa akong pagtaksilan. S'ya na galing sa isang mahirap na pamilya, na minahal at pinakitunguhan ko ng totoo. S'ya na itinuring kong parang isang tunay na kapatid. Pati nga ang mga magulang ko ay ibinigay ang lahat sa kanya. Itinuring s'yang anak. At pinatira pa sa mismong bahay namin. But all along, she have been plotting and thinking of bringing us down, me including my family. She's been plotting to steal everything away from me. Ikinulong nila ako sa basement ng mansion kahit na alam nilang buntis ako. At ayon sa kanila, bubuhayin lang nila ako hanggang sa mailuwal ko ang sanggol. Walang kaalam-alam si Gabby na sa kabila ng maganda nilang usapan ni Karen na bubuhayin ang bata sa sinapupunan ko para lang magkaanak sila, ibang trato ang ginagawa sa akin ni Karen kapag wala s'ya. Masahol pa sa pagkain ng mga alaga kong aso ang dinala niyang pagkain o minsan pa nga, wala. Amoy kalawang ang pinaiinom nilang tubig sa akin at sa tuwing magrereklamo ako, magre-request o magtatanong. Sampal, sipa, suntok, hampas ng kahoy o hagupit ng latigo ang ibinibigay sa akin ni Karen. That vile woman! Sa kabila ng mga kabutihang ibinigay at ginawa ko sa kanya, hindi ko alam na wala palang naging impact 'yun sa napakasama n'yang puso. Ni hindi man lang s'ya nakakaramdam ng konsensya sa tuwing sinisipa ang lumalaki kong tiyan. Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng masaganang luha mula sa mga mata ko. Marahan kong pinunasan ang mga luhang naglalandas sa mukha ko. Wala ng magagawa pa ang pag-iyak. Kinuha ko ang laylayan ng aking damit para ipunas sana sa mukha ko pero... Daig ko pa ang tinamaan ng kidlat noong mapansin ko ang tela ng damit na suot ko. Hindi iyon luma at butas-butas. Hindi iyon nanlilimahid sa dumu. Hindi ko na nga maalala kung kailan ang huling beses na nakapagsuot ako ng pantulog na ganito kalambot at kaganda. It's a pair of pajama that made from silk. Nanginginig ang mga kamay na tinitigan ko ang magandang tela ng damit na suot ko. At ang mga kamay ko... Nanlalaki ang mga matang iniangat ko iyon sa ere at tinitigan ng matagal. Nagtatakang pinagmasdan ko ang makinis at walang kagalos-galos na mga kamay. Is this my hand? Sa tagal na panahong nakakulong lang ako sa loob ng mansion, ginawang alipin sa sarili kong pamamahay, nakalimutan ko na kung gaano ba talaga kaganda ang mga kamay kong ni hindi nakaranas maglaba ng sariling panty. Napalunok ako. Biglang tinambol ng kaba ang dibdib ko. Hindi na normal 'to. Nagha-hallucinate na naman yata ako. Patuloy sa pagkabog ng sobrang lakas ang dibdib ko habang sinusuri ang kapaligiran. Nakakapagtaka dahil ibang silid ang nakikita ng aking mga mata. Wala na ako sa amoy ihi ng daga at amoy imburnal na basement. Napakunot-noo ako. Imposibleng pinalabas ako ni Karen at muling ibinalik sa kwarto ko. At isang malaking kalokohan rin na buo pa anv kwartong 'to. Matagal na itong ginawang tambakan ng basura ni Karen dahil ayaw n'yang maalala na buong buhay ko, nakatira ako sa bahay na kasalukuyan nilang tinitirahan. Sa bahay na ninakaw lang nila sa akin at sa parents ko. Nalipasan na naman siguro ako ng gutom. Mas malala ang hallucinations ko ngayon dahil parang totoong-totoo kesa noong mga nakaraang araw na maghapon akong hindi nakakakain. Malala na nga. Siguro nakadagdag din ang kaalamang wala na rin ang buhay sa sinapupunan ko na pilit kong inilalaban. Ano pa bang silbi ng buhay ko? Wala naman ng naghihintay sa akin. Matanda na ako at walang pamilya. Walang-wala na talaga ako ngayon. Pero... It's also good. I want to stay in this dream forever. Sana hindi na lang ako magising. Itong kwarto man lang na ibinigay at inayusan ng parents ko para sa akin ay makasama ko habang buhay. Muling bumalong ang masagang luha mula sa mga mata ko. Tok! Tok! Tok! Lumingon ako sa pintuan. Hindi pa ako nakakabawi ay para na naman akong binato ng granada dahil sa boses na narinig ko. Ulit na tawag nang boses na nasa labas ng pintuan. "Zenon, anak?" Natutulalang napatitig ako sa pintuan. Hindi ko mapigilan ang biglang pagtatayuan ng mga balahibo ko. May tumatawag sa akin? At kaboses ni... "Zenon? Zenon hija, gising ka na ba?" Ang puso ko na bahagya ng kumakalma ay muling nag-palpitate na naman. Si Yaya Helen?! Pero paanong nandito s'ya? At kumakatok pa?Posible bang mangyari ang bagay na 'yun sa imahinasyon o halusinasyon? Paanong ang patay na si Yaya Helen ay napunta sa halusinasyon ko?Pinatay s'ya ni Karen noong matuklasan nitong nagtatakas s'ya ng pagkain ko. Nalaman ni Karen na palihim akong dinadalhan sa basement ni Yaya Helen ng mga tira-tira pero malinis na pagkain, tubig at prutas. Ilang hampas ng dos por dos na kahoy ang ibinigay nitong parusa sa kaawa-awa kong yaya na s'yang ikinamatay nito dahil hindi na kinaya ng matanda nitong katawan. Wala na akong nagawa noong hinili ni Karen pataas sa labas ng basement ang wala ng buhay na katawan ni Yaya. "Zenon hija, galit ka pa rin ba sa daddy mo?" Hindi pa ako nakaka-recover sa unang pasabog, heto at may bago na naman. Paano pa magagalit sa akin si daddy eh matagal na s'yang patay? "Tiningnan ko lang kung gising ka na, anak. Tumawag kase 'yung gagawa ng gown mo para sa engagement. Kung o-okay lang sa'yo, mamayang hapon sana," sabi ng boses na nasa likod pa rin ng pintuan. Medyo nautal iyon ng banggitin ang tungkol sa oras. Lumunok ako ng maraming beses. Pilit kong pinakalma ang nagwawala kong puso na parang lalabas sa dibdib ko anumang sandali. Hindi ko mapigilan ang umasa. Hindi ko mapigilang magbakasakali. Pigil na pigil ko ang aking paghinga noong dahan-dahang bumukas ang pintuan. Ayokong umasa. Ayokong maniwala. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Halos hindi ko ipikit ang mga mata noong dahan-dahang pumasok sa loob ng kwarto ko si Yaya Helen. And then when I finally saw her, younger than my last memory of her, more alive and healthy... My jaw dropped. At muntik ko nang makalimutan na huminga ng tama! Hindi ko maitikom ang bibig ko mula sa pagkakanganga dahil sa nakikita. "Zenon? Zenon!?" mabilis na binitawan ng matanda ang mga dala-dala n'ya sa ibabaw ng kama saka ako niyugyog sa magkabilang balikat. "Ano bang nangyayari sa'yong bata ka?! Bakit ka ba nagkakaganyan?!" Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko. This is not an illusion. I'm not hallucinating at all! Si Yaya Helen, para s'yang bumata ng sampung taon. Hindi ko na makita sa mukha n'ya ang labis na pighihirap. Although nag-aalala siya, hindi naman s'ya mukhang stress sa buhay. At ang pinaka-nakakagulat sa lahat, wala pang gaanong kulubot ang mga balat n'ya. Maayos ang suot n'yang uniform. Suot-suot n'ya ang kanyang salamin sa mata na walang crack at walang tape sa mismong frame. Maayos na nakapusod pataas ang buhok n'yang marami na ring hibla kulay puti. Muli na namang nag-init ang mga mata ko. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko na gustong umatungal ng iyak. It's the best illusion ever! "Ano ka ba namang bata ka?" nag-aalalang pinunasan ni Yaya Helen ang basang-basa kong mukha. "Pulang-pula na sa kakukuskos mo itong mukha mo oh. Kanina ka pa ba umiiyak? Talaga bang ayaw mo sa mapapangasawa mo? Ay hindi ka naman pipilitin ng mga magulang mo, anak. Makipag-usap ka ng mahinahon sa daddy at mommy mo ha," malumanay na pagkakasabi pa ni Yaya Helen. Pero sa halip na tumahan, lalo kong naramdaman ang paninikip ng dibdib ko. Kaya naman mas lalong lumakas ang pag-iyak ko. Kung isa itong magandang panaginip, ayoko ng magising. Ayoko! Please lang let me stay in this dream. Kahit si yaya na lang. Hayaan n'yo naman na makasama ko ang isa sa mga taong gustong-gusto kong mayakap at makita. Tanggap ko nang hindi ko na makikita si mommy at daddy. Sa laki ng pagkukulang at pagkakamaling ginawa ko sa kanila, talagang wala naman akong karapatan na ipakita pa ang nakakahiya kong pagmumukha sa kanila. Nahihirapan na akong huminga dahil sa labis na pagpipigil kong humagulgol. Alam ng nasa Itaas kung gaano ko pinangarap at gabi-gabing ipinanalangin na makitang muli si mommy, daddy at yaya na sa huling sandali ng kanyang buhay ay hindi ako iniwanan. Hinihiling ko nasa makita at makayap ko silang muli. How I wish, isang masamang bangungot lang ang lahat. How I wish, magigising ako isang umaga na okay na ulit ang lahat. "Zenon anak...alam mong anak ng bestfriend ni mommy mo ang magiging fiance' mo. Although biglaan ang engagement, naniniwala naman akong hindi kukuha ng masamang tao ang mga magulang mo anak. At isa pa, engagement pa lang naman ito. Hindi pa kayo ikakasal kaya may panahon ka pang kilalanin ang mapapangasawa mo. Pero kung hindi talaga kayo magkakasundo, makipag-usap ka na lang ng maayos anak sa parents mo. Maiindihan ka nila." Marahang hinagod-hagod pa ni Yaya Helen ang likuran ko na palagi n'yang ginagawa kapag umiiyak ako. Narinig kong lahat ang mga sinabi ni yaya Helen pero bakit parang hindi mag-sink in sa ulo ko? Masyado akong masaya na makita s'ya ulit para intindihin pa ang mga sinasabi n'ya. Buong pangungulilang hinawakan ko ang mukha n'yang hindi pa nababalot ng kulubot. Na-miss ko 'to ng sobra. Sunod-sunod na namang tumulo ang mga luha ko. Tila wala sa sariling hinipo ko ang mga mata n'ya. Ang mga mata n'yang ni minsan ay hindi tumingin sa akin ng masama, instead these eyes always looked at me lovingly. Ang ilong n'ya... na sa tuwina ay tila naamoy kung nasaang sulok ako. Ang mga kilay n'ya... na nagsasalubong sa tuwing pinariringgan ako ng masasakit na salita ng bestfriend at asawa ko. Ang mga pisngi n'ya... na bumubukol sa tuwing sinasamuol n'ya ang pagkaing mananakaw sa kusina malamnan lang ang kumakalam na sikmura. Ang mga labi n'ya...na palaging nagpapaalala na may langit sa Itaas at huwag na huwag mawawalan ng pag-asa. Ang mga tenga n'ya... na kahit kailan ay hindi narindi sa walang humpay kong pag-iyak. At ang buhok n'ya... na halos makalbo na dahil sa ginagawang pagsabunot ni Karen sa kanya. Na-miss kong makita ang ganitong pag-aalala sa mukha n'ya. May pang-unawa pero walang hinanakit sa mundo. Walang galit kahit kanino. Dahil likas naman talagang mabait si Yaya Helen. Natuto na lang s'yang magalit noong makita n'ya kung paano ako tratuhin ng dalawang taong pinagkatiwalaan ko ng buo. "Zenon anak, ano bang nangyayari sa iyong bata ka? May masakit ba sa iyo anak?" Labis-labis ang pag-aalala sa mukha ni yaya Helen. Muli kong binawi ang kamay ko na nakahawak sa mukha niya saka tumingin sa paligid. "N-nasaan po ba ako? Paraiso? Panaginip?" magtatapos na ba sa wakas ang paghihirap ko? "May sakit ka ba?" Lalong nag-alala si Yaya Helen, mabilis n'yang sinalat ang noo at leeg ko. "Hindi ka naman mainit. Nandito ka ngayon sa kwarto mo, ano ka ba namang bata ka. Pinakakaba mo ako. Dumating ka kahapon galing sa Japan. May nakuha ka bang virus doon? Matagal ka na kase naming sinasabihan na tigilan na ang pagpasok sa tv network na 'yan eh. Kung saan-saan ka nila dinadala at kung anu-ano na lang ang niiisipang ipakain sa'yo." Nai-stress na bulalas ni yaya Helen. Napangiti ako dahil sa paninermon niya pero kaagad akong natigilan nang maalala ang sinabi niya kani-kanina lang. Galing sa Japan? Galing ako sa Japan? Hindi sa mala-empiyernong basement? Galing talaga ako sa Japan? "Y-yaya. Don't joke with me," garalgal ang tinig na sambit ko. Ayoko ng umasa sa totoo lang. Sawang-sawa na akong mabigo. Patay na dapat kaming dalawa. Kung si yaya namatay sa walang habas na hampas ng dos por dos, malamang, namatay ako sa sapilitang pagtanggal ng sanggol na nasa sinapupunan ko. Hindi magkaanak si Karen. Kaya naman pagkatapos nila akong gawing alipin sa loob ng pamamahay ko, gabi-gabi akong ginagahasa ni Gabby para lang mabuo ang pinapangarap n'yang anak. Yes. It's rape. Wala na kaming relasyon. Hindi ko s'ya asawa. Hindi ko s'ya mahal at kinasusuklaman ko ang ginagawa n'ya sa katawan ko. Pero nagkamali s'ya sa pag-aakalang tatanggapin ni Karen ang anak n'ya sa ibang babae, lalong-lalo na sa akin. Akala ba n'ya ay papayag si Karen na mabuhay ang anak n'ya na hindi magmumula sa sinapupunan nito? Napangiti ako ng sarkastiko. Muli kong sinapo ang tiyan ko. At umagos na naman ang mga luha kong kahihinto-hinto lang. "Ano ba 'itong bata na 'to. Hindi ba at ako pa ang una mong binigyan ng pasalubong kagabi? Ano bang iniiyak-iyak mo? Natatakot na ako sa'yong bata ka. Gusto mo bang bawiin na ang mga yun?" naalarmang tanong ni Yaya Helen. Muli akong tumitig kay Yaya Helen. Seryosong-seryoso ang mukha n'yang nababahiran ng labis na pag-aalala. Napatawa ako ng mahina. Pero natigilan ako noong mag-sink in bigla sa akin ang sinabi n'ya. Japan? Japan... Japan... I just came back from Japan last night. I've attended Food and Beverages Expo there. Lalong lumalim ang gatla sa noo ko. Hindi ko mapigilang hawakan ng mahigpit ang unan na niyayakap ko kanina. Wait---kung galing ako sa Japan at ito nga ang araw ng pakikipagtanan ko kay Gabby... Muling magbalik sa alaala ko ang huling pangyayari bago ako humantong sa halusinasyon na 'to. Naalala ko kung paano pinagsasaksak ng babaeng 'yun ang nakaumbok kong tiyan. Umalingawngaw sa isipan ko ang mga sigaw n'ya habang ginagawa ang karumal-dumal na bagay na 'yun. "Akala mo ba mamahalin ka ni Gabby kapag iniluwal mo na ang batang 'to? Mangarap ka ng dilat! Hindi ako papayag na iluwal mo ang salot na 'to!" sinundan n'ya ng isang mas malalim na saksak pa ang mga sinabi n'ya. Halos hindi ko makilala si Karen na parang baliw sa sobrang pagka-obsessed kay Gabby. "Hinding-hindi makikita ng batang 'to ang mundo!" Ang unang saksak n'ya ay nasundan ng isa pa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Hanggang sa hindi ko na mabilang ang mga sumunod na ulos n'ya sa ibabaw ng nakaumbok kong tiyan. Kung noong una ay nagmamakaawa ako. Nagwawala at pilit iniiwas ang tiyan ko. Sa bandang huli ay hindi ko na rin kinaya. Tumigil ako sa panlalaban saka buong pagdadalamhating umiyak. Humihingi ng milagro sa Kalangitan. Habang walang awa at walang sawang tinatarakan ng bestfriend ko ang nakaumbok kong tiyan. Narinig ko ang pagdagundong ng kalangitan. Sunod-sunod ang paglabas ng nangangalit na kidlat. "Ang tagal-tagal na kitang tino-torture pero buhay ka pa rin! Sasabihin ko kay Gabby na nababaliw ka na kaya mo pinatay ang anak n'ya!" Kasabay nang paghalakhak ng bestfriend ko ay ang pagbaba mula sa kalangitan ng kidlat. Naramdaman kong tumama iyon kung nasaan kaming dalawa ng bestfriend ko. Marahil dahil bukas na bukas ang pintuan ng basement kaya kitang-kita ko ang liwanag at dagundong na nagmumula sa itaas. Pikit ang mga matang hinayaan ko ang mga pangyayari. Kung matatamaan man ako ng kidlat at masunog o makuryente kasama ang babaeng nakakubabaw sa akin, isang malaking biyaya na iyon. Pero sa halip na mamatay ako heto at nandito akong muli sa aking kwarto. At ayon kay yaya Helen, galing ako sa Japan. Kung totoo nga iyon, ibig sabihin, noong tamaan kami ng kidlat, hindi ako namatay? Sa halip ay muli akong nabuhay at dinala sampung taon kung kailan nagsimula ang kalbaryo ko? "Yaya, ilang taon na ako?" biglang bumangon ang pag-asang paulit-ulit kong pinapatay sa isipan at dibdib ko. "Susmio ang batang ito! Twenty-five years old ka na. Nakalimutan mo bang sa Boracay ka pa nag-birthday noong nakaraang buwan at tayo-tayo lang ang nag-celebrate?" Tama naman ang sagot ni yaya pero bakit parang hindi pa rin ako makapaniwala? Dahan-dahan akong tumayo sa higaan saka nagtungo sa harapan ng salamin. Nanlaki ang mga mata ko noong muling masilayan ang repleksyon sa salamin. Nangangatal ang mga kamay ko noong hipuin ko ang akin mukha. This face. The skin. The body. The hair. It's mine, ten years ago!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD