Chapter 1

1501 Words
Pinagmamasdan ko ang bawat hakbang na ginagawa ng pinsan kong si Ciello sa mabatong lugar na dinaraan namin ngayon. Buhat-buhat niya sa likod ang isang sako ng mga patatas na nakuha namin sa unang bayan habang dala-dala ko naman ang isang balires ng tubig na kakailanganin para sa gagawin naming pagtakas mamaya. Kung may iba pa sana akong pagpipilian, hindi ko gugustuhing dumaan sa lugar na 'to. Hindi ako kampante kahit na sinabi ni tiya na ligtas tahakin ang daan na 'to mula sa mga Umbra Guerrillas. Hindi ko alam ang takbo ng utak nila, baka malingat lang ako ng tingin ay bigla nalang nila kaming sungaban dito. "Ciello, ayusin mo ang paghahawak. Mabibitawan mo na 'yan oh," Sinunod niya ang utos ko pero hindi na siya sumagot sa akin. Alam kong tinatago niya ang takot na nararamdaman niya sa mga nangyayari ngayon. Nakakabigla nga naman, kaligtasan at buhay namin ang nakataya ngayon. "Sa tingin mo ba makakatakas tayo, ate?" biglang tanong ni Ciello na nagpakaba lalo sa dibdib ko. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam. Ang mga Umbra Guerillas ay mga taong galing pa sa kabilang ibayo ng mundo namin, ayon sa mga sabi-sabi sila raw ay may mga kapangyarihan katulad ng mga Lucems na nakatira sa kataas-taasang institusiyon pero ang sa kanila raw ay puti. Anong puti? Ano 'yun? Kung ano man 'yon, wala na akong pake. May kakayahan silang saktan kami, paano kami makakalabang mga Mundane? Mga Lucems na walang kapangyarihan? "Oo naman. Makakatas at magiging ligtas din tayo. Tiwala lang," sagot ko sa kaniya nang may bahid ng dedikasyon, kahit iyon nalang ang mabigay ko sa kaniya. Ilang bayan na sinira ng mga hayop na 'yon. Ang mga balita na nakakalap namin ay galing lang sa mga taong nakaligtas sa hagupit nila. Pinapatay o pinaparusahan ang mga taong nakatira roon tapos nanakawan nila. Nang makarating agad ang balita sa amin, hindi na kami nagdalawang isip pa na maghanda at nagplano na lumipat sa ibang bayan. "Naririnig mo ba 'yon, Ate?" "Ang alin?" takang tanong ko kay Ciello at dahan-dahan naman siyang tumingin sa akin. "May naririnig akong sigawan! Diba malapit na tayo sa bayan natin? hala, ate! ano gagawin natin? Ano ng nangyayari kila mama at tiya?" sa sobrang takot na nararamdaman ni Ciello, nabitawan niya ang hawak niyang sako at lumapit sa akin. Pinakinggan ko ang paligid ko pero wala akong naririnig. Tinignan ko sa mata si Ciello at kitang-kita ko rito ang pangangamba. Awang-awa ako sa kaniya ngayon, kung ang pagtakbo namin papunta sa bayan ang magpapawala roon ay gagawin ko. Inilapag ko sa likod ng mga malalaking bato ang hawak kong bariles at sinunod ko ang sako. Pagkatapos, binalikan ko si Ciello at hinawakan amg kamay niya "Ciello, kumalma ka. Tatakbo tayo ngayon papunta sa bayan natin. Titignan natin agad ang kalagayan nila mama at tiya. Ayos ba 'yon?" Tumango siya sa akin at hawak-kamay kaming tumakbo. Habang papalapit kami nang papalapit sa bayan, ay doon ko nga napagtantong tama si Ciello. May nangyayari ngang sigawan doon. Puta, huli na ba ang lahat? Naunahan na ba kami ng mga Umbra Guerillas? Paano si mama?! "Ate Mayari.. andito na sila.." Nabitawan ko ang kamay ni Ciello dahil natutungyan ko ngayon. Ano 'to? Anong 'tong kakaibang kulay na bumabalot sa buong bayan namin? Bakit ganito ang nakikita ko? Ang sakit sa mata. Ito ba ang sinabi nilang puti? Ito na ba 'yon? Tinignan ko ang gilid ko para makita kung ganoon din ba ang nakikita ni Ciello pero bago ko pa siya matanong, tumakbo siya nang mabilis palayo sa akin at tinahak ang daan papunta sa bahay nila. "Ciello!" Tinawag ko nang tinawag si Ciello pero hindi ko alam kung may silbi pa ba 'yung ginawa ko. Hindi ko siya makuhang habulin dahil sa sobrang sakit ng mga mata ko. Kung hindi aako makakita nang maayos ngayon, paano pa kaya si Ciello? baka kung anong mangyari sa batang 'yon! Dumapa ako sa lupa at doon ko kinapa ang daan ko papunta sa bahay namin. Paunti-unti kong sinusubukang buksan ang mga mata ko, kailangan kong makakita nang maayos at magagawa ko lang 'yon kung masasanay ko ang sarili kong tumingin sa puti na 'to. Habang gumagapang ako, rinig na rinig ko ang sigawan mula sa iba't-ibang bahagi ng bayan namin. Ang ibang sigaw ay tila kilala ko pa kung kanino galing. Bakit ba kasi nahuli kami? Bakit hindi pa namim binilisan ang pagtakas? Kung nagawa lang sana namin ang plano, sana ligtas kami ngayon. Nakuha kaya nila mama na tumakbo at tumakas? Patagal na nang pagatal ang pag-gapang ko at kasabay nito ang pagkakaroon ko ng kakayahan ng imulat ang mga mata ko ng kaunti. Napatingin ako sa isang bahay na namumukhaan ko, nagulat ako sa nakita dahil akala ko apoy ang bumabalot sa bubong nito pero hindi, katulad na katulad ang kapangyarihan ng mga Umbra Guerillas sa mga kapanyarihan ng mga Lucems na may kapangyarihan. Nagbibigay ng kakaibang kulay sa paligid ang kapangyarihan ng mga Umbra Guerillas kahit hindi ito mismong natatamaan. Anong klaseng kapangyarihan ang mayroon sila? Inaalis ko sa isip ko ang mga bagay na hindi kailangan, alam kong bago lahat ang nangyayari sa akin ngayon pero ang priyoridad ko ay ang kaligtasan ng pamilya ko. Pinagpatuloy ko ang pag-gapang hanggang sa makarating ako sa bahay namin. Kumabog ang dibdib ko nang makita ko na may mga puti rin na bumabalot sa bahay namin at natutupok din ito. Para siyang apoy pero hindi ito kulay apoy. Nakuha kong tumayo dahil sa takot na nararamdaman ko para kay mama. Andoon kaya siya sa loob? Nakatakas ba siya? "Ma! Mama!" Kasabay ng pagbukas ko ng pinto ay ang pagkasaksi ko kung paano tusukin ng puti ang kaloob-looban ng tiya ko pero ang mas lalong nagpagulantang ng loob ko ay ang makitang nasa gilid lamang niya si Ciello na pilit tinatago ang sarili at doon sumunod din siya sa kaniyang ina. Napatakip ako ng bibig sa nakita at naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng katawan ko. Nilinga ko ang buong paligid para hanapin si mama pero hindi ko makita ang katawan niya. Nakuha niya kayang makaalis? Buhay kaya siya? Sana nga. Tila nakakita ako nang maayos nang matanaw ko ang pagdaloy ng dugo palabas sa katawan nilang dalawa. Hindi ko sila malapitan, hindi ko sila mayakap. Hindi ko sila maligtas. Hindi ako makakita nang maayos at lalong hindi ako makagalaw. Ang dami kong hindi magawa! Ayoko ng ganito! Ayoko ng wala akong nagagawa! "Ciello.." Sinubukan kong tumindig at humawak sa mga kagamitan namin sa bahay para makakuha ng suporta, sa isang kamay ko naman dinampot ang bakal na tinatago ko sa likod ng pinto namin. Hinanap ko ang pinanggalingan ng puting kapangyarihan at nabaling ang tingin ko sa dalawang tao na malapit sa katawan nilang dalawa. Anong ginagawa nila? Patay na sila, bakit pa nila kailangan lumapit sa kanila? Inipon ko ang lakas ko at tumakbo habang nakahanda ang bakal na ihahampas ko sa kanilang dalawa pero bago ko pa ito magawa, naramdaman ko nalang ang pagtalsik ng katawan at pagtama ko sa pader. Napapikit at napasigaw ako sa sakit habang pilit kong pinipigilan na huwag maiyak. Anong kasalanan namin?! "Mga hayop kayo! Wala kaming kasalanan sa inyo! B-bakit niyo ginagawa 'to sa amin.." Nakita ko ang paglapit ng isa sa kanila sa akin. Hindi ko makita nang malinaw ang mga mukha nila pero katulad ng kulay ng kapangyarihan nila ang suot nilang damit. Hayup na puti 'yan. "Nakuha na natin ang saktong dugo na inaasam natin, hindi na natin siya kailangang patayin." rinig kong pagpipigil ng isa sa kanila. Inaalis niya ang kamay sa braso niya ang kamay ng taong pumigil sa kaniyang patayin ako. Nabaling ang tingin ko sa hawak nilang lalagyanan na puno ng dugo. Puta, dugo lang pala ang kailangan nila, kung manghingi lang sana sila, hindi ko sila pagdadamutan! Papatay sila para sa dugo?! Anong klaseng utak ang mayroon sila?! "Anong huwag patayin?! Kita mong ako papatayin niyan kung hindi ko po siya napigilan! Huwag mo akong dinidiktahan, Maydro," "Pero--" Hindi na niya naituloy ng sasabihin niya nang biglang may lumabas na puti sa kamay ng lalaking kausap niya. Napaatras siya at umalis. Naiwan naman akong binabalot ng takot. Ito na ba ang katapusan ko? Ito na nga ba? "Parang awa mo na, huwag," Hindi ko na maintindihan ang sinagot sa akin ng lalaking nasa harapan ko dahil nakatuon na lamang ang buong atensyon ko sa mga katawan ng pamilya ko. Ipaghihiganti ko kayo Ciello at tiya, ipaghihiganti ko ang nangyari sa atin. Hindi ko alam kung paano, sa susunod na buhay man o kahit sa anong paraan, basta alam kong ipaghihiganti ko kayo. Kung nasaan man si mama ngayon, ay sana nasa mabuti siyang lugar at malayo sa gulo. Hindi man kami pinalad na mabuhay, siya nalang sana ang magtuloy ng lahat ng pinangarap namin. Hanggang sa muli, ma. Mahal na mahal kita. At doon paunti-unti kong naramdaman ang pagbigay ng katawan at pagsarado ng mga talukap ng mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD