Prologue

1431 Words
"Dumating na ang araw na pinakahihintay mo," malumanay na sabi ni Camilla sa akin. Finally the long wait is over. Hindi na ako makapaghintay pa dahil lahat ng taong sangkot noong gabing iyon ay paparusahan at pagbabayarin ko. I will make them pay no matter what happen! Lilinisin ko rin ang pangalan ni Nanay Belen at ilalabas ko siya sa kulungan. I will prove her innocence and plead her not guilty. "I will put them the behind bars and punish them with the law," I said in agony. "I will support you, Hera. Make them pay for what they've done. Bring justice and punish them with the law. " Camilla said, with high conviction. Ngumiti ako ng nakakaloka dahil nai-imagine ko talaga ang kanilang mga mukha kapag nakita nila ako sa kanilang harapan. I'm so excited because the true queen is back. Ngayong araw na ito ay 30th anniversary ng kumpanya namin or I should say kumpanya ko pala dahil sa akin naman talaga iyon pinamana ni Daddy. Babawiin ko kumpanya at mansyon dahil sa akin lahat iyon pinamana. Uuntiin kong babawiin lahat ng pag-aari kong inagaw nila. Mapabahay, lupa, kumpanya o ano pa iyan. Dadalo ako sa party at susurpresahin ko silang lahat at sasabihing mula ngayon ako na ang magma-manage sa Beauty Care Productions. Wait and see Tita Felicia, the monster you've created is now ready to eat her prey! Kasalukuyang nag-aayos ako ngayon ng aking sarili dahil mamaya ay magsisimula na ang party. Pagkatapos kung lagyan ng make up ang mukha ko ay sinuot ko na ang black long gown na may mahabang slit. Sinuot ko rin ang 6 inch Dior black heels na binigay sa akin ni Camilla. Pumunta ako sa harap ng salamin at tinignan ang kabuuan ko. I look fierce and stunning today. Ipapakita ko sa kanila kung gaano katapang ang isang Hera Valeria. Gusto kong matakot sila sa presensya ko to the point na manginginig sila at iiwasan nila ang mga mata ko. Matapos kong tignan ang sarili ko sa salamin ay lumabas na ako sa kwarto ko. "You look so beautiful yet fierce, Hera." namamanghang sabi ni Camilla habang pababa ako ng hagdan. "Thank you, Camilla. Enjoy the show later and clap for me," I playfully said. Sumakay na ako sa aking sasakyan at gano'n rin si Camilla. After 30 minutes ay nakarating na kami sa harap ng Beauty Care Productions. Emosyonal akong napatingin sa buong building at malungkot na ngumiti. Marami akong alaala sa kompanyang ito dahil simula pagkabata ko ay dinadala na ako dito ni Dad at Mom. Naputol lang ako sa aking pagbabalik-tanaw ng katukin ni Camilla ang bintana ng sasakyan ko. "Pupunta na ako sa loob at ite-text na lang kita kapag time mo ng pumasok." Invited ang pamilya ni Camilla sa 30th anniversary ng kumpanya ko na pilit inaangkin ni Tita Felicia sa akin. Ito na ang huling araw ng pagiging reyna-reynahan mo, Tita Felicia. Patikim pa lang ang gagawin ko ngayong araw na ito. Ang main target ko ngayon ay hindi si Tita Felicia kun'di ang stepmother ko. Ang puno't dulo ng lahat! You may now enter, H. Basa ko sa text ni Camilla. Bumaba na ako sa aking sasakyan at nagtungo sa entrance kung saan ako papasok. Hinarang ako ng dalawang guard at tinanong. "Ma'am, maling party ata ang pupuntahan niyo. Hindi po kasi masquerade ball ang theme ng party sa loob ng hall," sabi ng isang matandang guard na kilalang-kilala ko. Ngumiti muna ako ng matamis bago tinanggal ang suot kong maskara. "Hello Manong Jerry, it's me Hera Valeria!" Gulat at lungkot ang dumaan sa kan'yang mukha ng makita niya ako sa harapan niya. "Hija, ikaw nga. Saan ka ba pumunta at bakit ngayon ka lang bumalik?" naluluhang tanong niya sa akin. "Mahabang kwento manong at sasabihin ko rin sa 'yo pagdating ng tamang panahon. Sa ngayon ay kailangan ko munang pumasok sa loob." Pagbukas ko ng pintuan ay naagaw ko lahat ang kanilang atensyon. Lahat sila ay napatingin sa aking gawi kaya kinaway ko ang kanang kamay ko. "Attention seeker," sabi ng isang babae pero binalewala ko lang iyon. "Sino siya? Maling party ata ang napuntahan niya," parang bubuyog na sabi nila. "Guard ano ba ang ginagawa niyo? Bakit kayo nagpapasok ng hindi invited at sino ka ba?" malditang tanong ni Tita Felicia sa akin. Malakas akong humalakhak kaya mas lalo siyang nainis. "Me? The one you were most afraid of," malamig kong sabi. "Nagpapatawa ka ba? Ako matatakot sa'yo? You don't know me kiddo!" palaban na tugon niya. Ang mga tao ngayon sa party ay patuloy paring nagbubulungan kaya pumalakpak ako para tumahimik sila at maagaw ko ang kanilang atensyon. Pumapalakpak ako habang naglalakad patungo sa gitna at ng makarating ako doon ay tumigil ako. "Listen everyone, today you will hear and witness an amazing announcement, so brace yourself." I sweetly said. Matapos kong sabihin iyon ay pumalakpak si Camilla sa gilid. Tinignan ko isa-isa ang reaksyon nina Tita Felicia, stepmom, at stepsister ko. Walang nagbago sa kanilang mukha at kalmado pa rin sila except kay Tita Felicia na hindi na maipinta ang kan'yang mukha. Tignan natin kung magiging kalmado pa kayo kapag tinanggal ko na ang suot kong maskara. "Guard, kaladkarin niyo ang babaeng iyan. Bakit hindi kayo gumagalaw? I said ilabas niyo ang babaeng 'yan!" Nag-aalborotong utos ni Tita Felicia sa mga guard pero ni isa ay walang kumilos kaya nagtataka siya. Unti-unti kong tinanggal ang suot kong maskara pero hindi pa rin nila nakikita ang buo kong pagmumukha. "Wait bago ko tanggalin ang maskarang suot ko tungkol saan ba ang pagdiriwang na ito?" nakakaloka kong tanong kay tita. "You b***h, you ruined our party! This day is the 30th anniversary of my company," mariin na sabi nito sa akin. "Wow! This is your company?" nang-iinsultong tanong ko sa kan'ya. Natigilan siya at hindi makapagsalita kaya ngumiti ako ng nakakaloka sa kan'ya. Tama na ang satsat, tinanggal ko na nang buo ang maskarang nakatakip sa mukha ko at naglakad papuntang stage. Pabaling-baling ang tingin ko sa kanilang tatlo at diretso sa mata ko silang tinignan. That's it, manginig kayo sa takot! Namumutlang napatingin sila sa akin at na-out of balance pa si Tita Felicia sa kinatatayuan niya pero nasalo siya agad ng isang bodyguard niya. Nang makarating ako sa stage ay kinuha ko ang isang mic at nagsalita. "Nagulat ba kayo? Bakit parang hindi kayo masaya na bumalik ako tita, mom at sis," malademonyo kong sambit sabay tingin sa mga tao sa baba. "She looks so familiar. Saan ko na nga ba siya nakita," usal ng isang matandang ginang sa mga kasamahan niyang directors. "Siya ang unang anak ni Don Alberto at nag-iisang tagapagmana ng Beauty Care Productions," wika ni Tito Atticus, ang kaibigan ni Daddy. Nagulat naman ang kasamahan nila at napatingin sa akin kaya kinawayan ko silang lahat. "First of all, I just want to say thank you for being here today. Thank you Tita for taking care of my company on my behalf. To the board of directors, thank you for being with us before and until now. By the way, it's me, Hera Valeria, the real owner of Beauty Care Productions! " I announced to the crowd. Tumayo naman ang mga board of directors at pinalakpakan ako gano'n rin ang mga businessman at businesswoman na dumalo sa pagdiriwang na ito. Nilapitan ako ni Tita at pekeng umiyak sabay yakap sa akin. "Ang pamangkin ko, miss na miss na kita. Saan ka ba nagpunta?" Malakas siyang humagulgol sa iyak na para bang may lamay sa kaniyang harapan. Pak, best actress of the year! Kung hindi ko lang alam ang totoo niyang ugali ay baka naniwala na ako sa kan'ya ngayon. But sorry, you can't fool me this time. Lumapit rin sa akin ang stepmom ko at stepsister ko. Naluluhang hinagkan ako ng pekeng nanay-nanayan ko. Gaya-gaya lang ang peg ng isang 'to, walang originality! Sinabayan ko naman ang kanilang mala-artistang acting skills. Unang bumitaw ng yakap si Tita at nagsalita. "Kanina nagulat ako at hindi makapaniwala, pero ngayon sobrang saya ko dahil alam kong buhay ka. To my niece Hera, we really missed you so much!" madamdaming sabi niya sabay punas ng kanyang luha. Wow, sobrang galing talaga niyang umarte. Ang mga tangang directors naman ay paniwalang-paniwala sa mga sinasabi ni Tita Felicia. Patikim pa lang ito, watch and see kung ano ang kayang gawin ng isang Hera Valeria! I will make them kneel down in front of the grave of my father! Ipapatikim ko ang sarili kong batas—ang batas na siyang magpapalugmok sa inyong lahat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD