Prologo

1036 Words
Whispering Destiny: The Forsaken Empire _____________________________________ "Pinatay niya ang El Maestro!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang mga binitawang mga salita. Nanginginig na binitawan ko ang duguan kong kamay hawak hawak ang matulis na patalim. Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako sa aking nasaksihan sa aking harapan at hindi malaman ang gagawin. Parang sasabog ang aking dibdib sa sobrang bilis ng pagtibok ng aking puso. Tila ba nauupos ang aking hininga habang pinagmamasdan ang pigura ng El Maestro. Puno ng dugo at dilat na dilat ang kaniyang mga mata habang nakaturo ang hintuturo sa aking direksyon. "Siya ang pumatay sa El Maestro!" Nabalik ako sa aking wisyo sa muling pagbibintang sa akin. "Mali kayo ng iniisip. Hindi ako ang may gawa nito," garagal kong pagtatanggol sa aking sarili. "Kasinungalingan! Nakita ng aking dalawang mga mata kung paano mo gamitan ng iyong mistika ang El Maestro!" Patuloy na pagbibintang ni Ari sa akin na mas ikinanikip ng aking dibdib at ikinasinghap ko. "Alam mong hindi ko magagawa ang ganitong bagay Ari," nanginginig na boses na sabi ko. Bakit niya ito nagagawa sa akin? Bakit parang ang dali na lang para sa kanya na paratangan ako? Paano niya ako nagagawang pagbintangan sa salang hindi ko ginawa? Ako na kaibigan at pamilya niya? Kilala niya ako higit kanino man. Simula pa bata ay magkasama na kaming lumaki at pati na rin sa pagharap sa mga problema at suliranin na aming dinanas sa mundong ito. At alam niyang hinding hindi ko magagawa ang pumatay ng tao. "Tama na Vera! Kaibigan kita pero mail itong ginawa mo. Kitang kita ko kung paano mo walang kalaban laban na pinatay ang El Maestro. Tama na Vera!" dagdag pa niyang paratang sa akin na mas ikinawalan ko ng pag-asa. "Bakit Ari? Paano mo nagagawa ito sa akin? Hindi ako ang may gawa nito. Makinig kayo sa akin. Kilala niyo ko higit kanino man. Hinding hindi ko magagawa ang bagay na ito." Hindi ko na napigilan pa ang aking luha na pumatak pababa sa aking pisngi dahil sa kanyang binibitawang paratang sa akin. "Fira, Eren, Sirene. Pakiusap. Kilala niyo ako. Hindi ko magagawa ang mga paratang niya sa akin," naluluhang sabi ko. Nag-iwas lamang ng tingin ang tatlo na mas ikananlumo ko. Bakit wala silang ginagawa? Bakit hindi nila ako tinutulungan? "Pakinggan niyo naman ako! Parang awa niyo na! Airilyn pakiusap..." Pagmamakaawa ko na alam kong walang magagawa sa sitwasyon ko ngayon. "Kung gayon ay paano mo maipapaliwanag ang patalim na iyong hawak? Paano ito napunta sa iyong kamay?" Kalmadong pagtatanong sa akin ni mahister Mistry na ngayon ko lamang napansin ang presensya sa loob. "May nagbigay sa akin ng liham na pumunta sa lugar na ito sa oras ng mga biik. Ngunit bago pa man ako makapasok sa silid na ito ay nakita ko ang nakalantad na duguang patalim sa harap ng pintuan. Noong una ay nagdadalawang isip pa ako pero pinulot ko pa rin ito. Nagulat na lamang ako sa aking pagpasok ng maabutan ko ang nakaratay at walang buhay na si El Maestro," detalyadong pagkukwento ko sa naganap bago pa man ako makapunta sa lugar na ito. "Maaari mo bang maipakita ang liham na iyong sinasabi?" Tanong naman ni mahister Fin na ikinatigil ko. "Gustuhin ko man ngunit ang liham na ipinadala sa akin ay gawa sa Priliames. Matapos kong mabasa ang liham ay bigla na lamang itong naglaho," pagpapaliwanag ko. "Kung gayon ay wala kaming ibang magagawa kundi ang idaan ka sa paglilitis sa salang pagpatay sa El Maestro. Kawal!" baritong sabi ni mahister Fin na ikinatigil ko. Narinig ko na ang mga yabag na papasok sa loob ng silid kasabay ng biglaang pagbukas ng pintuan sa silid na iniluwa ang hindi mabilang na kawal papasok sa loob. "Makinig kayo sa akin! Hindi ko ginawa ang binibintang niyo sa akin!" Pagpipilit ko pang depensahan ang sarili ko ngunit bingi ang lahat sa bawat hinaing ko. Kitang kita ko ang mapanghusgang tingin sa akin ng mga kaibigan kong tinuturing ko ng pamilya. Parang pinupunit ang aking dibdib sa bawat tingin na pinupukol nila sa akin. Hindi ko alam ang aking mararamdaman habang inaakusahan ako ng lahat at walang gustong maniwala sa akin. Pakiramdam ko ay parang ako na ang pinakamasamang tao sa silid na ito. "Alvera Catalina Saldivar, ikaw ay inaaresto sa paglabag sa 'di rehistradong paggamit ng mistika at pagpatay sa El Maestro. Ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo. Anuman ang iyong sasabihin ay maaaring gamitin pabor o laban sa iyo sa hukuman," ang sabi ng isa sa mga kawal habang binubusalan ng kanilang mistika ang aking magkabilang kamay. "Eren, Sirene, Fira. Makinig naman kayo sa akin! Hindi ko magagawa ang bagay na 'yon. Hindi ako mamamatay tao!" pagkukumahog ko ng simulan na akong hatakin ng mga kawal papalabas ng silid. "Tama na Vera. Itigil mo na ang pagsisinungaling," sabat pa ni Airilyn na mas ikinadurog ng aking puso. "Bitawan niyo 'ko! Bakit? Bakit Airlyn? Paano mo nagagawang akusahan ako sa salang 'di ko ginawa?!" Puno ng hinanakit na sigaw ko sa akusasyon ni Ari sa akin. Mas lalong bumuhos ang luha sa aking mga mata ng magsimulang magsara ang pintuan sa silid na pinasukan namin. Wala akong pinatay. Hindi ko pinatay ang El Maestro. Bakit nila ako inaaresto sa salang hindi ko ginawa? Nawalan na ako ng lakas na manlaban at hinayaan na lamang ang mga kawal na hilain ako papalabas. Sisiguraduhin kong malilinis ko ang aking pangalan sa kanilang mga paratang. Hindi ako papayag na mahatulan sa krimeng hindi ko ginawa. Hinding hindi. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ This story is a work of fiction. Names, Places, or Events are fictitious. It was full of my imagination. Any resemblance to a real person, living or dead is just a coincidental. No part of this book may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means including, printing, recording or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author, except in the case of brief quotations embodied with critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law. © All Rights Reserved PLAGIARISM IS A CRIME.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD