CHAPTER 1

1739 Words
ERIELA Tahimik na umupo si Eriela sa bakanteng upuan ng library. Luminga muna siya sa paligid at nakita niya ang mga estudyanteng wala namang ginawa kundi magpaganda at magdaldalan sa loob ng library. Imbes na mag-aral at libro ang atupagin ay mas inatupag pa ang walang kabuluhang bagay. She has routines and she really enjoys what she's doing. Reading is her hobby, kaya mas nai- enjoy siyang magbasa kaysa makipag-usap sa ibang tao. Yes, she is an antisocial person and a boring one kaya hindi na siya magtataka kung siya ay isang weird kung tatawagin ng iba. Napailing na lamang siya nang binuklat ang libro at nagsimula siyang magbasa. Nakakawala talaga ng stress kapag nagbabasa. Nakatutok lang ang atensyon niya sa isang bagay at marami na siyang matutunan. Napakunot ang noo niya sa lakas ng boses sa likuran niya. Hindi niya na lang pinansin ang mahinang tili ng kababaihan. Gusto niyang manabunot ngayon kung hindi lang sila nandito sa library, kanina pa niya tinarayan ang nasa likod niya. Napaangat ang kanyang tingin ng may narinig siya na may humila sa silya na nasa harapan niya. Nakita niya ang kanyang Kuya na agad naman nagsalubong ang kilay niya at pinasadahan niya ito ng tingin. Magulo ang buhok nito na para bang kagagaling lang sa away pati ang uniporme nitong wala sa ayos at higit sa lahat may lipstick pa sa gilid ng labi nito. Ngumiwi siya sa itsura nito. She doesn't know why her Kuya was so grody. Napailing na lang niyang inilapag ang libro. Saan ba nagmana ang Kuya niya? Hindi naman ganito si Papa. "Kuya, can you please wipe your lips? Early this morning, may kalantari ka na naman? When will you stop doing your sh*t?" mariin niyang tanong dito na ikinangisi naman ng hinayupak. Kung makaupo sa silya parang donyo na para bang hari kung makaasta. He smirked at her and said, "Bakit ba ang sungit mo ngayon, bunso? May regla ka ba?" Napataas siya ng kilay sa mapang-asar na tanong nito. "Bakit, Kuya? Kapag ba masungit may regla na?" Inilapag niya muna ang kanyang libro bago niya ito tiningnang mabuti. "Matanong din kita kuya, may regla ka din ba noong isang araw?" Napalingon siya at napangisi nang makitang nakatingin sa kanila ang mga babaeng nasa likuran niya at pansin niyang namula ang tainga ng Kuya niya. Gusto niyang matawa sa itsura nito. Bigla siyang napaaray ng may sumipa sa paa niya kaya masamang tiningnan niya ang kaharap. Akmang kukunin na sana niya ang libro para hambalusin ito nang biglang may nagsalita, isang announcement. Tumingin siya sa kanyang Kuya at nagtatanong ang kanyang mga matang tinitingnan ito. "Do you know what's happening right now?" Her Kuya shrugged his shoulders. So it means, pati rin ito wala ring alam? "Announcement! All of the students, professors, and staff of this university. Kindly proceed to the gymnasium. Professors, please lead your respective students to the gymnasium at once. Thank you. " Hindi pa rin sila lumabas sa library dahil naguguluhan pa rin sila sa kanilang narinig. Ano ba ang nangyayari? "Stop what you're doing right now, everyone. Please proceed to the gymnasium. Your attendance is compulsory, and we expect you all to show up. If not, we regret to inform you that you will be expelled from this school. By the way, we will give you ten minutes to arrive. If you are not present, sorry to say this, but we will have to say goodbye to you. Thank you. " Nanlalaki ang kanyang mga mata sa narinig. She immediately pulled her Kuya, who was sitting pretty. Narinig pa nga niyang napamura ito dahil muntik na itong matalisod, pero wala siyang pakialam dahil ang nasa utak lang niya ay makapunta lang sa gym. Ayaw niyang ma-kick out sa eskwelahan na ito at ayaw niyang ma- bad record. She frowned when she noticed Meghan and the other batchmates looking out of the window in the hallway. She stopped over out of curiosity. Meghan turned her head and noticed them. Binitawan niya ang kapatid at agad siyang lumapit sa kaibigan na namumulang nakatingin sa Kuya niya. She smirked at what she saw right now. "Meghan?" tawag niya sa atensyon nito, pero wala pa ring reaksyon dahil na kay Kuya pa rin ang atensyon nito. Pinitik niya ang ilong ng kaibigan kaya napaaray ito sa sakit. Masama siya nitong tiningnan. "Stop staring at my Kuya Eric, Meghan," paninita niya rito, pero umirap ito sa kanya. Natigilan siya nang makita ang sakit sa mga mata nito habang nakatingin na ngayon sa Kuya niya. "Malaki na ba talaga ang kasalanan ko sa kanya kaya kahit isang sulyap lang hindi man lang niya ako tiningnan?" "Huh?" Naguguluhan siya sa pinagsasabi nito. "Naka-drugs ka ba?" Napaigik siya sa paghampas nito sa kanyang braso. "I said, tara na!" She shrugged her shoulder bago nagpatianod sa paghila nito. "Ano ba talaga ang nangyayari ngayon?" "May special na bisita raw tayo kaya pinapunta tayo rito sa gym, pero ang pinagtataka ko lang ay bakit maraming nakabantay? Bigating bisita ba siya?" She shook her head at what she had heard. "I don't know. Let's go there ourselves and find out, "she replied. Eriela glanced at the senior high rooftop for one last time bago siya nagtiunang bumaba. Nakita kasi niyang may mga sniper doon. Gaano ba kaimportante ang buhay ng bisita nila? Kung maka-sniper lang ang peg, Presidente lang? She snorted at patuloy na sa paglalakad. Napakunot agad ang kanyang noo nang makita niya sa 'di kalayuan ang mga nakaunipormeng mga pulis. Nasa labas ang mga ito ng gymnasium na nagbabantay. "Why do they need this many uniformed cups to accompany our visitor?" naweweirduhang tanong niya na nagpatawa sa kaibigan niya. Nagtataka naman niya kung bakit ito tumawa? Kunot-noong tiningnan niya ito. "Anong problema?" Napailing ito sa tinuran niya. "Kahit kailan talaga, hindi ka talaga titigil sa kakatanong kapag hindi mo maintindihan ang nangyayari sa paligid mo." Napataas ang kilay niya sa sinabi nito. "Hindi ako si Eriela San Jose, kung hindi ako palatanong, ano?" Natatawang hinawakan siya nito sa braso at hinila na siya. "Just stop over thinking what happened today. Sasakit lang ang ulo mo. Malalaman mo rin naman kapag nandoon na tayo sa gym." "Ano pa ba ang magagawa ko?" she murmured. Nang makaupo na sila ay agad niyang tiningnan ang nasa stage. Sino naman kaya ang pinakaimportanteng tao na pinagsasabi nila? Kung makapag-announce ay kailangan ora-oradang pumunta rito sa gym? Na para bang isang napaka hiwaga naman ng taong iyon. "I am so grateful na nandito na kayong lahat sa gym...blah... blah...blah." She rolled her eyes at the woman who is on stage right now. Hindi sana kami pupunta rito kung bina-blackmail naman? Duh! Nakaka-stress talaga ang gurang na ito. Kung pektusan ko kaya siya para malaman niya kung ano ang blackmail? she thought. Nababagot na napatingin siya sa kaibigan na tutok na tutok ang atensyon sa harap. "Inaantok ako, Meghan," sabi niya. Napasimangot siya nang hindi man lang siya nito pinansin. She crossed her arms and was becoming exasperated with all the nonsense speech. Why the hell am I here? Kung ito lang naman ang mapapala niya rito? Akala pa naman niya kung gaano kaimportanteng tao ang nasa harapan nila ngayon na nagsasalita. Diba takot kang ma-kick-out?! sita ng inner self niya. Napakunot ang noo niya nang makaramdam siya na may nakatingin sa kanya. Kaya inilibot niya ang kanyang paningin. Napataas ang kilay niya nang makitang nakatitig ang lalaking nasa stage ngayon. Sa narinig niya kanina ay isa ito sa may-ari ng school. Pansin niyang tumaas ang gilid ng labi nito at naaliw na nakatitig sa kanya. May nakakatawa ba sa itsura niya? Kung sapakin niya kaya ang lalaking ito para mawala ang inis niya rito?Umirap siya sa lalaki at hindi na lang niya pinansin ang malisyosong pagtitig nito. Iyong titig na nakakapanindig balahibo kaya marahan niyang hinaplos ang kanyang braso. "I would like to introduce to you our new principal in this school, Mr. Spencer Hughes!" Kung sinumang Hughes iyan wala akong balak makilala o makita siya dahil sa totoo lang nauubos ang oras niya rito sa loob ng gym. Kung nandoon pa siya sa loob ng library ay marami na ang natutunan ngayon. You are already aware that I will be your new Principal as well as the President of this school. I am hoping that you will cooperate and follow the rules of this prestigious school. I will not tolerate students who break my rules. Rule number 1, No PDA, also known as no public display of affection." Napairap siya sa sinabi nito. "Wow huh! Strict Principal lang ang peg teh?" "Tumigil ka nga, Eriela! Baka marinig ka ng katabi natin at isusumbong ka nila," sita sa kanya ni Meghan na ikinatawa niya. Ngumisi siya rito at sabay sabi, "Subukan lang nila baka malaman nila kung sino ang kaharap nila." Umiiling ito sa inaasta niya. "Hay naku! Tumutubo na naman ang sungay ng isang San Jose!" "When I speak in front of all of you, all I want is for you to listen. It is considered disrespectful and rude to speak while your teacher is speaking. As for students who refuse to learn anything, well, life is tough and unfair, and you will not be able to make it anywhere in the world if you do not listen to your teacher or someone older than you. Schools prepare you for the real world by teaching you the skills you will need to succeed. " Hindi niya namamalayan sa kakadada ng nasa harapan ay nakatulog na pala siya. "Ay putang-*na!" sigaw ni Eriela ng may pumitik sa kanyang noo. Pinukol niya ng masamang tingin ang pumitik sa kanya. "Kay sarap ng tulog mo ano?" he sarcastically said, and shook his head. Kulang na lang luluwa ang mga mata niya sa nakita. Hindi siya magkakamali, ito ang kanilang principal. "Do I have to tell you again, Ms. Student, that you need to listen to me? Is it possible that natulog ka na nagsasalita ako? Do you know what a student's role is? Would you like me to—" "Huwag mo ng iisa-isahin dahil inaantok po ako. Wala akong oras makipag-usap sa'yo kaya aalis na po ako, principal." Padabog na umalis siya sa harapan nito. Wala siyang pakialam kung i-suspende siya nito dahil sa totoo lang hindi siya bobo para tanungin siya kung ano ang role ng student.Kapag bagong gising huwag siya nitong pagsalitaan. Buwisit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD